Chapter 19

3.6K 73 5
                                    

Chapter 19 

Lyra's

"Ouch!" daing ko habang hawak ko ang ulo ko. 

"Lyra? Are you okay? What happened?" Bakas sa mukha ni Theo ang pag-aalala. 

Ngumiti ako ng tipid. "I'm fine. Medyo sumakit lang ang ulo ko. But I'm okay, Theo. Maybe I'm just tired. Siguro na-overwhelmed lang din ako kanina." Nakahinga siya ng maluwag. 

"Akala ko kung ano na ang nangyari sayo. Mabuti pa ay maupo na tayo. Halika." Inalalayan niya ako hanggang sa makaupo ako. "Are you sure you're okay?" 

"I'm absolutely sure. Thanks, Theo." 

"Siguradong-sigurado ka bang ayos ka lang? We can go home if you're not feeling well," aniya saka hinawakan ang kamay ko. "Just tell me okay?" Tumango ako sa kanya. 

Hindi ko rin mapigilang mapangiti sa sa mga ipinapakita niyang concern sa akin. Kung hindi lang talaga bakla si Theo, ang dami na sigurong nagkandarapa sa kanya. 

"Why are you smiling?" Naputol ang iniisip ko nang magsalita siya. 

Nilingon ko siya at umiling. "Nothing. I'm just thankful that you're here for me." 

"I told you a while ago. I'm your friend and your partner," sabi ni Theo sabay ngiti sa akin na sinuklian ko rin ng isang matamis na ngiti. 

The event still went on. At eto kami, nag-aantay sa pagsapit ng 12 midnight para sa pinakahihintay na tradition ng ball na ito. 

"Hello Theo! Ang gwapo mo naman ngayon!" 

"Oo nga, Theo. Can we invite you over on our table?" I rolled my eyes. Mga babaeng 'to, ang lalandi. May kagat-labi pang nalalaman. 

"Ahm... I..." alanganing sagot ni Theo. 

Pinandilatan ko naman siya ng mata kaya napaupo siya ng tuwid. "He's not available, girls," I firmly said. 

"Bakit naman, Lyra? May girlfriend na ba si Theo? Ikaw ba yun? Wala na ba kayo ni Bryce?" Dinagdagan pa nila yung inis ko sa pagbanggit nila ng isa pang pangalan. 

I stood up and faced the girls. "We knew that he's gay, so why do you even asked if he has a girlfriend? And one more thing, para matahimik na ang ilan sa inyo, hindi na kami ni Bryce." Magtatanong pa sana yung isa pero inunahan ko agad. "It's some personal issues you don't need to know. So kung wala na kayong iba pang sasabihin ay umalis na kayo sa harap namin. Wag na kayong umasa, bakla nga 'to." 

Natawa ako sa ilang reaksyon ng mga babae nang malamang bakla pa rin si Theo. Ang daming nalungkot at napairap na lang. Wala silang magagawa, ngayong gabi lang lalaki ang isang 'to at kung sinuswerte nga din naman, ako pa ang naging kapareha niya. 

Agad ko namang hinarap si Theo at pinagkrus ang dalawa kong braso. "What?" nagtatakang tanong ni Theo. 

"Anong 'what' ka dyan? Are you even aware those girls are eyeing on you this night? Daig mo pa ang isang artista ngayon." Nagkibit-balikat naman si Theo. "And you don't even care? Tingnan mo nga't ang daming lumalapit sayo para lang makasama ka nila ngayong gabi." 

"Should I care for them then?" Umiling ako. "Ganoon naman pala, ayaw mong pansinin ko sila. Nakita mo na bang nag-entertain ako ng babae maliban sayo ngayong gabi?" Umiling ulit ako at kinagat ang labi. "See? I don't mind any of those girls. All I care is you. You're my business right now because you're my date." Biglang namula ang aking pisngi. 

"Bakit mo ba ginagawa ito?" tanong ko na ikinakunot ng noo ni Theo.

"Ang alin?"

"This. This whole set-up. Are you still the Theo-slash-Thea that we used be with? Bakla ka pa rin ba o lalaki ka na? Alam mo kasi.." Tumungo ako para hindi salubungin ang tingin niya.

He held my chin and lowered his head closer to face me. "Why? Are you smitten by my presence?" nakangisi niyang tanong saka siya tumawa.

Agad kong inalis ang kamay niya at umayos ng upo. "Magtigil ka, Theo! Nang-aasar ka pa. Isa pa at malilintikan ka talaga sa akin."

Humupa ang kanyang tawa at saka nagsalita. "I'm sorry. I was just kidding. Pinapagaan ko lang naman yung sitwasyon. Ang seryoso mo kasi masyado."

"I am really serious on my question, Theo."

Ngumiti siya ng saglit sa akin. "I know you're serious. And for your peace of mind, I am still gay." Napataas ang kilay ko. "Seryoso din ako. Bakla pa rin ako. I even told you a while ago my reason for doing this. We can't do anything about my sex preference. You need to keep that in mind."

"Meron pa. Gagawin ko pa lang kasi yung operasyon." bulong ko.

"Ano yun? You have something to say?" aniya.

Umiling ako. "Wala. Wala naman. " Saka ako ngumiti sa kanya.

Makalipas ang ilang oras, nagsalita ang emcee na maghanda na daw sa pagsapit ng main event. Nagbihis kami ng cocktail dress required by the school. We all have the same design of dress and for the guys, they also have the same design of suit. Para na rin makasigurong walang maging aberya ang Midnight Dance. 

"Lyra, what's the essence of this main event of the ball? What can we get from having this?" tanong ni Theo na nakapagpalit na at nakamaskara na rin.

"Sshh. Don't speak loud. It's against the rules. Just speak softly."

"Okay. Just tell me everything about this Midnight Dance." Natawa naman ako ng mahina dahil talagang bulong ang ginawa ni Theo.

"Alright. Midnight Dance is a tradition. The theme of this event is always inspired by the masquerade ball. It starts with the Midnight Dance Cycle. Lahat ay may pagkakataong maisayaw ang bawat isa because it's a cycle," paliwanag ko at siya naman, masinsinang nakikinig sa akin.

"And then? What about the rules?" 

"Oh. The rules. You shouldn't talk while you're dancing. Syempre, madaling malalaman kung anong identity ng kasayaw kapag narinig ang boses. Another one is, you'll be switching partners when the emcee tells you to. That's all." Tumango-tango naman siya.

"Yun lang? Anong thrill dun?" tanong niya sabay pameywang niya.

I smiled. "The thrilling part is when the clock strikes at twelve midnight. That's the time you'll be removing your mask and you'll be facing your possible soulmate."

Nanlaki ang mata niya. "Ano? Soulmate? How about me? Bakla ako. So this means, my soulmate is a girl? That's impossible." Kinurot ko siya ng bahagya. 

"Impossible ka dyan. Did you hear me? I said, it's your possible soulmate. Not really your soulmate. Posible nga lang. Why don't you try it? There's no harm on trying."

Wala ng nagawa si Theo kung hindi mag-go with the flow na lang. The main event started and everyone are excited. Marami-rami na akong nakasayaw at kinakabahan din akong malaman kung sino ang posible kong soulmate.

"Students, switch partners!" utos ng emcee.

Tiningnan ko ang kapareha ko ngayon. Hindi ko mahulaan kung sino siya dahil sa dim ang ilaw sa ball. Ang hirap alamin ang ilang features niya dahil medyo madilim ang paligid. Pero base sa katawan niyang malapit sa akin, maganda ang built ng katawan niya. Hindi puro muscles, hindi rin puro buto. Matangkad din siya sa akin ng bahagya.

"And the clock strikes at twelve midnight! On the lights and everybody remove your masks. In three... two...." Medyo nanginginig pa ako habang unti-unti kong tinatanggal ang maskara ko. "... one!"

"THEO??!!"

__________________________________________

Edited chapter! Vote, comment and share the story. Thanks.

- Sairel

OPERATION: Change HIM to a MANTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon