Aliana Arceta
Is this my karma for leaving Wise before? Nangarap lang naman ako na magkaroon ng masayang pamilya at kay Von ko iyon nakita. Pero ang mga nangyayari ngayon ay malayo sa pinapangarap kong buhay. Von didn't want me to work, nakakulong ako sa bahay na ito kasama ang mother-in-law ko na hindi ko makasundo at si Wise na walang ginawa kundi pasakitin ang ulo ko.
I sighed.
Pumunta ako rito sa veranda at umupo. Kung magkukulong ako sa kwarto baka mabored lang ako roon. Buti na lang wala ang byenan kong babae, dahil kapag nakita niya ako na paupo-upo lang, I'm sure may masasabi na naman siya. Habang nakaupo ako, nakuha ang atensyon ko nang marinig ko ang pagbukas ng gate. May pumasok na bisita, a woman, beautiful and about my age. Tuloy-tuloy siyang naglakad papunta rito sa kinaroroonan ko.
"Hello, I'm looking for Wise. Is she here?" she smiled at me.
Tumayo ako. Nagtataka kung sino ang taong ito. "Uhm, who are you?" hindi ko napigilang itanong.
"I'm Yves, Wise' girlfriend."
"Ow!" reaksyon ko.
Siya pala yong tinutukoy ni Wise na balak niyang makasama sa iisang bubong.
"I'm not sure if she's here. Wait, I'll ask the maid." Tinawag ko ang maid at tinanong kung nandito sa bahay si Wise.
Hindi kasi ako sigurado dahil hindi ko pa nakikita si Wise ngayong araw.
"Ay, Opo Ma'am Aliana. Nasa kwarto po si Ma'am Wise. Nasabihan na po kami na papasukin si Ma'am Yves kapag dumating."
Napatango ako. Nilingon ko ulit ang babae saka ko siya nginitian ng bahagya.
"Wise is in her room, come in----" hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil naramdaman ko agad ang presensya ni Wise sa likuran ko. Napalingon ako, nagkatitigan kaming dalawa, pero saglit lang dahil itinuon agad niya ang tingin sa babaeng bisita.
"Yves, I told you I would just pick you up."
"It's okay, Wise. Madali lang puntaan itong bahay niyo." Umiwas ako ng tingin nang yakapin siya ng babae sa harapan ko at halikan siya sa labi.
Nagsisisi ako kung bakit hindi ako umalis agad. Hindi ko tuloy alam ang gagawin ngayon. Nakakahiya naman kung basta ko na lang sila tatalikuran.
"Siya nga pala Yves, sister-in-law ko si Aliana. Aliana, girlfriend ko si Yves." Tumango ako.
"Let's get inside para hindi ka mainitan dito sa labas." may pag-aalalang saad ni Wise kay Yves.
Sinundan ko sila ng tingin, they were holding hands. Ganyan talaga si Wise kahit noong kami pa. She took care of me------.
Natigilan ako, why am I thinking about our past? Pumasok ako ng sala, umakyat naman sila sa hagdan. Mukhang sa silid niya dadalhin ang girlfriend niya.
Hindi ko inaasahang lilingunin ako ni Wise, nagtama ang mga tingin namin, pero agad akong umiwas at itinuon ang tingin ko sa ibang direksyon. Hinintay ko silang makaakyat bago ako sumunod para pumunta sa silid namin ng asawa ko.
Wala akong ginawa kundi ang humiga dito sa kama. Nakapatong ang pisngi ko sa likod ng palad ko habang nakahiga. Kung bakit ko naman iniisip ngayon kung ano ang ginagawa ng dalawa sa silid ni Wise.
Siguro may ginagawang milagro yong dalawa. Knowing Wise....mahilig siya sa sex.
Napabalikwas ako, tumihaya habang nakatitig sa kisame. Hindi ko mapigilan ang isip ko. Wise can satisfy me pagdating sa sex. Ngayon nagbunga na ang mga kataksilan naming dalawa sa asawa ko.