29

3.5K 126 31
                                    

Aliana Arceta

Nagdadalawang isip ako kung pupunta kami sa park ni Clover. Iyon kasi ang usapan namin ni Wise. Kaso nag-aalangan ako. Paano kung ma-attach ng sobra sa kanya ang bata, paano kung masanay ako na lagi ko siyang nakikita, tapos bigla siyang hindi magparamdam? Baka hindi lang ako ang masaktan, baka pati si Clover and I don't want that to happen.

Ayokong magaya si Clover sa akin, na araw-araw nasasaktan dahil mas pinili kong panindigan ang salitang kasal kesa pagmamahal.

I thought that by choosing what is right, magiging masaya ako at hindi na ako magkakasala pang muli. Pero hindi pala, patuloy akong nagkakasala sa asawa ko dahil hindi siya ang laman ng isip at puso ko, at patuloy akong nagdurusa.

Ayoko mang isipin ang nakaraan, pero bahagi na ng buhay ko ang pagkakamali. Madami akong mga sinayang na pagkakataon dahil sa mga maling desisyong nagawa ko sa buhay ko. And there is no one to blame but myself. I chose the life I am living now.

"Mama, di ba sabi mo pupunta tayo sa park because my bestfriend is going there?"

Napalingon ako sa anak ko na nakatingala sa akin, nakahawak siya sa laylayan ng damit ko. Nandito kami sa shop, at ngayong hapon ang usapan namin ni Wise na magkikita sa park.

"What if we go next time, baby? Mama's a bit busy." pagdadahilan ko.

Nakapout si Clover, nalungkot siya sa sinabi ko. "But you promised, Mama. My bestfriend might get sad if we don't go to the park."

Habang nag-uusap kaming dalawa ng anak ko, narinig ko ang pagbukas ng pinto. Pagtingin ko, si Wise!

ko, si Wise! "Mama, she's here!" sigaw ni Clover. Tumakbo siya papunta kay Wise at agad na nagpakarga. Hindi ko rin pala magagawang iwasan siya dahil pwede niya kaming puntahan dito anytime.

"Oh, my baby!" si Wise. Nakangiti siya habang buhat si Clover at niyakap niya ito. Ngiting-ngiti naman ang anak namin.

"Aliana, ayaw mo bang sumama sa park? Kami na lang ba ni Clover ang pupunta?"

Tiningnan ko siya ng masama. Baka mamaya itakas niya ang anak namin. "No!" kontra ko sa sinabi niya.

"Then let's go, Mama. Pasyal na tayong tatlo." pang-aasar niya sa akin saka siya ngumiti ng pilya.

Wala akong nagawa kundi iwanan sa mga tauhan ko ang shop at sumama kay Wise. Ayoko namang siya lang ang kasama ng anak namin, mag aalala ako baka mamaya hindi na niya ibalik sa akin si Clover. Sumakay kami dito sa kotse niya, nakaupo kami ni Clover dito sa backseat habang nagmamaneho siya.

Pagdating dito sa park, umupo ako dito sa bench. May mga ibang tao din na nandito ngayon, parang pamilya ang bawat nagpi-picnic.

Lumapit si Wise sa akin. "Mama, sama ka? Tara laro tayong tatlo ni Clover."

"Anak ba kita?" Hindi ko napigilan ang mapangiti kasi panay ang pang aasar niya sa akin.

"Hindi, pero baby mo ako dati." patuloy niyang pang-aasar sa akin. Nag-iinit ang mukha ko pero hindi ako nagpakita ng pagkailang, ayokong mapansin niyang may kakaibang nangyayari sa puso ko.

Hindi niya ako pinilit. Kinarga niya si Clover saka sila nagpunta sa may duyan. Pinapanood ko silang dalawa. Hindi mainit ang panahon dahil mapuno rito at medyo maulap. Hinayaan ko silang mag-bonding na dalawa. Isinantabi ko muna ang mga agam-agam sa dibdib ko na baka biglang hindi magparamdam si Wise pagkatapos niyang makuha ang loob ng anak namin. At sa kabila ng takot na nararamdaman ko, masaya akong nakikita silang dalawa na magkasama habang tumatawa at nagkukulitan.

Kuntento ako sa napapanood ko ngayon. Ang mga ngiti ni Clover at ni Wise, hindi maipagkakailang totoong saya ang nararamdaman nila habang naglalaro. At totoong saya din ang nararamdaman ko habang kasama ko sila.

PATH OF HATE 🔞(Mikhaiah)Where stories live. Discover now