23

4.5K 170 38
                                    

Aliana Arceta

After that day na nalaman ni Vonn at ng mommy niya ang tungkol sa pagbubuntis ko tila nagbago ang paligid ko. Hindi ako sanay sa maayos na pakikitungo sa akin ng mother-in-law ko na para bang bigla niya akong itinuring na espesyal na tao sa buhay niya. Lagi niya akong kinakamusta at laging binibigyan ng mga pagkain. Binilhan din niya ako ng nga damit pang-buntis. Ang weird sa pakiramdam na kailangan kong ipakita na na-a-appreciate ko lahat ng mga ibinibigay niya sa akin.

Nagpahanda din siya ng engrandeng dinner para daw i-surprise ang father-in-law ko tungkol sa pagbubuntis ko. Kung ako lang ang tatanungin, mas mabuting huwag na lang maghanda ng engrande. Kaso pumayag si Von sa idea ng kanyang ina. Not only that, they invited Yves at nandito rin ngayon si Wise.

Magkakaharap kaming lahat dito sa hapagkainan. Tiningnan ko si Wise, tahimik siya habang nakaupo sa harapan naming mag-asawa. Nakayuko siya at nang magtaas siya ng mukha, nagsalubong ang mga tingin namin. She was furious. Nakita ko na ang galit na iyon sa mga mata niya nong malaman niyang ikakasal ako kay Von noon. I don't know how to deal with those looks. Ramdam ko ang galit na inilalabas ng dibdib niya. At gusto kong manlumo.

I know, Wise silently hated me right now dahil pinili ko si Von na maging parte ng buhay ng aming magiging anak. I could feel how angry she was and I understand it.

"Ako na ang nagpasundo kay Yves. Mukhang tinatamad itong si Wise na sunduin ang girlfriend niya."

Pagkatapos magsalita ng mother-in-law ko, dumating nga si Yves, tumabi siya kay Wise. "Goodevening." nakangiting bati niya sa amin.

Pinilit kong ngumiti at binati rin siya ng mga in-laws ko. Napatingin ako kay Wise. She was staring at me na para bang may gusto siyang iparating. Natitiyak kong may ibig sabihin ang mga titig niya subalit hindi ko matiyak o maisip man lang kung ano. I couldn't even blink, para bang ipinako ako ng mga titig ko sa kanya. Then her eyes left mine slowly. May pakiramdam ako na huminto sa pagtibok ang puso ko. Tila ba iyon na ang huling pagtitig na gagawin niya sa akin.

Nabaling ang tingin ko sa asawa ko na halatang handa nang magsalita. "I have an important announcement to share with you. Ang mahalagang okasyon na ito ay para ipahayag ang isang mahalang balita. Aliana is now pregnant with our first child."

My heart was bleeding now, tila hiniwa ng matalim na bagay ang parte ng katawan kong iyon. Wasn't this what I wanted?

Pero bakit hindi ako masaya nang sabihin ni Von na magkaka-anak na kami? Kung sakali bang si Wise ang nagsabi non, magiging masaya ba ako? Now I was comparing the feelings.

What if si Wise ang pinili ko? Ang hirap, kasal ako kay Von pero ang dinadala ko ay anak namin ni Wise.

"Let's have a toast." Von's deep voice echoed through the four corners of the room dahil tahimik ang lahat, pero agad ding nagkaroon ng ingay ang buong paligid nang batiin nila kami. They all looked happy, except for Wise, seryoso ang mukha niya.

"Congrats, Von and Aliana
a. Ang anak niyo ang magiging unang grandchild ng pamilyang ito. At hindi lingid sa kaalaman ng lahat, traditionally magiging espesyal ang batang iyan." Sabi ng daddy nila.

"Congrats, I'm happy para sa inyong dalawa." saad ni Yves. Tumango ako nang bahagyang titigan niya ako, pero hindi ako ngumiti.

"Bakit parang hindi ka masaya, Aliana?" Saad ng mother-in-law ko. Hindi nakaligtas sa kanya ang ikinikilos ko.

"Na-overwhelm lang po ako." Pinilit kong ngumiti para ipakita na masaya ako sa mga nangyayari ngayon.

Tahimik si Wise, nakatuon ang atensyon niya sa platong nasa harapan niya hanggang sa umangat ang tingin niya at napatitig ulit sa akin.

PATH OF HATE 🔞(Mikhaiah)Where stories live. Discover now