26

3.8K 119 27
                                    


One month pagkatapos kong manganak. Dito pa rin kami nakatira sa bahay ng daddy ni Wise. I don't think Von has any plans na bumukod kami. Pero ang mahalaga sa akin ay ang kapakanan ni Clover. Despite many reasons to be sad, she is the only reason for my happiness. At nagagawa ko ring isantabi sa isip ko ang mga pangyayari tungkol sa amin ni Wise dahil sa baby ko.

Lumabas ako ng silid karga si Clover nang maabutan namin ang lolo at lola niya dito sa veranda.

"Aliana, pwede ko bang kargahin ang apo ko?" ang father-in-law ko. Mukhang inaabangan talaga nila ang paglabas naming mag-ina.

"Yes po, daddy." Dahan-dahan kong inilipat sa mga kamay ng lolo ang anak kong si Clover. Nag-inat ng mga kamay si baby nong nasa bisig na siya ng kanyang lolo, humikab siya saka ngumiti habang nakapikit ang mga mata.

"Ang ganda talaga ng apo ko." Marahan siyang isinayaw ng byenan kong lalake. Mahal na mahal niya si Clover. What if malaman niyang kadugo talaga niya ang bata, baka mas lalo niyang mamahalin. But from what I see now, naging paborito niya agad si Clover. Sobra siyang natuwa nang una niya itong masilayan sa hospital. "Ikaw ang magiging tagapagmana ko, apo."

Narinig ko ang sinabi ng father-in-law ko, pero hindi ako umimik. Iyon ang alam kong dahilan ni Vonn kaya niya inako si Clover bilang anak, pero kung pag-uusapan ang pagmamahal, hindi ko nakikita kay Vonn na mahal niya ang anak ko. Ni hindi niya magawang kargahin ang sanggol. He doesn't seem to care at all.

Matagal ding kinarga ng father-in-law ko si Clover, he almost didn't want to let go of his grandchild. Sumunod na kumarga sa kanya ay ang mother-in-law ko. At nang makuha ko ang anak ko, I brought her back to the room, and we had our own little world. Kahit kaming dalawa lang ang nandito, masaya ako. I feel a different kind of joy.

Matagal ko nang pinagsisihan ang pagiging taksil ko, nasira ko ang magandang pagsasama naming mag-asawa. And I admit, it's all my fault kung bakit ganito ang buhay ko ngayon. Pero hindi ko maikakaila na ang bunga noon ang dahilan kung bakit ako masaya ngayon. Who wouldn't be happy when you see this beautiful angel, she's so precious.

Hinehele ko si Clover nang pumasok si Vonn dito sa loob ng kwarto. Nakikita ko sa anyo niya na sariwa pa ang sugat ng pagtataksil ko sa kanya, at lalong lumalim iyon nang ipanganak ko si Clover. He doesn't hesitate to show me his true feelings, the disgust, intense anger, and insecurities, he expresses them fully through his gaze towards me.

And all I could do is accept it all, dahil lagi niyang sinasabi na I deserve his hate, I deserve to be treated like this, I deserve to be belittled.

God knows kung gaano ko tinatatagan ang loob ko. Mas matatag ako ngayon kumpara sa dati, lagi kong iniisip kung paano ko poprotektahan ang anak ko sa matinding galit na ipinaparamdam sa amin ni Von.

"Pasalamat ka kamukha mo yang bata, dahil kung naging kamukha yan ng kalaguyo mo, ewan ko na lang, Aliana." Von said.

Humigpit ang pagkakayakap ko sa aking anak. Di baleng ako ang saktan niya huwag lang si Clover dahil kapag ginawa niya iyon he would see the devil inside me. Nagtitiis lang ako dahil gusto kong bumawi sa kanya at ayusin ang dapat ayusin.

Hindi siya tumatabi sa aming mag-ina tuwing gabi, lagi siyang natutulog sa sofa. But that's one of the things I'm thankful for because I know our lives are in danger kapag nandito siya sa tabi namin.

"Huwag mong sasaktan ang anak ko, Von." Ibinaba ko si Clover sa crib. "Subukan mo lang."

Ngumisi siya. "Why? Iniisip mo bang kaya mo ako, Aliana?"

"I'm not afraid of you. I know I did something wrong. But it doesn't mean na mananahimik ako kapag sinaktan mo ang anak ko."

He clenched his jaw. Pero hindi niya tinangka na lapitan kaming mag-ina. Lagi akong nakabantay, I will not allow him to hurt my child.

PATH OF HATE 🔞(Mikhaiah)Where stories live. Discover now