Aliana Arceta
Hawak ko ang papel na nagpapatunay na malaya na ako. It was official. My marriage to Vonn was over. The judge's signature made it real. Hindi ko inaasahan na ganito kabilis ang magiging desisyon ng korte. It was finalized in just six months, maybe because it was uncontested. Vonn and I agreed on all terms, kaya siguro naging smooth ang proseso. Wala akong ibang maramdaman kundi tuwa habang hawak ko ang papel na ito.
"Wise!" sigaw ko, nandito kasi ako sa sala. Idinaan lang ng lawyer ko itong final judgement ng divorce dito sa bahay, pero umalis din siya agad.
"Yes, Aliana?" Pababa siya ng hagdan, karga niya si Clover na mukhang inaantok pa, nakasubsob sa kanyang balikat. Pagkababa niya, pinaupo niya si Clover sa sofa saka niya ako nilapitan. "What is it? Mukhang may ibabalita ka sa akin."
I smiled at her, ang damdamin ko ay puno ng emosyon, naiiyak ako pero hindi dahil malungkot ako kundi nangingibabaw ang tuwa sa puso ko. I just couldn't handle it kaya para akong maluluha. "It was all over, Wise. I am free now..." halos pabulong ang pagkakasabi ko, ipinakita ko sa kanya ang papel na hawak ko.
"Free?" tiningnan niya ito, binasa niya ang nilalaman. "Oh my god! That's good news, Aliana." Sa tuwa ni Wise, binuhat niya ako, napahawak ako nang mahigpit sa mga balikat niya.
"Wise, yong baby natin baka maipit!" sigaw ko. I wasn't hurt, I was laughing. And yes, I am six months pregnant. Nagbunga yong namagitan sa aming dalawa sa stockroom sa Ice cream shop.
"Oh, I'm sorry. Masyado lang akong natuwa sa balitang iyan." Ibinaba niya ako pero hindi niya ako binitawan, she hugs me, magkadikit ang mga pisngi namin. "Let's get married soon..." she whispered, saka saya umurong nang bahagya para titigan ako.
I took a deep breath, looking at her eyes, kitang-kita ko ang pagmamahal niya sa akin. "Wise, you've made me so happy these past months. I never thought I'd feel this way again, especially after everything we've both been through. You've shown me that love is possible, even after all the heartaches and the pain. And I love you so much. Kahit saan mo ako pakasalan papayag ako."
Humawak ako nang mahigpit sa kamay niya, hinaplos niya ang engagement ring na naka-suot sa daliri ko. Hinihintay talaga namin ang araw na mapawalang bisa ang kasal ko kay Vonn.
"Oh Aliana, this is one of the best days of my life."
Hinila niya ako palapit sa kanya, nagkadikit kami kaya humilig ako sa balikat niya. "Me too, Wise, me too."
"I can't wait to spend the rest of my life with you. Bubuo tayo ng maganda at masayang pamilya."
Hinawakan ko ang mga pisngi niya. "I know we will." Punong-puno ng pagmamahal ang damdamin ko ngayon, at isa ito sa pinakamasarap na pakiramdam.
Hinawakan niyang muli ang kamay ko at dinala sa kanyang mga labi, hinalikan niya iyon. "Lifetime happiness and love. That's what I want with you."
"And that's exactly what we'll have, Wise." binigyan ko siya ng ngiti, at this moment gusto kong iparamdam sa kanya na lahat ng hiling niya para sa aming dalawa ay ibibigay ko sa kanya. At kung ano man ang plano niya para sa aming munting pamilya ay kasama niya akong tutupad ng lahat ng mga iyon. At handa akong ibigay ang buong buhay ko para sa kanya, kay Clover at sa magiging pangalawang anak namin.
Isang mahigpit na yakap ang iginawad niya sa akin. Ano pa bang mahihiling ko? Sa mga oras na ito, masayang-masaya ako sa piling niya.
IKINASAL kami ni Wise pagkatapos ng isang buwan. Ginanap ang seremonya dito sa hardin ng Villa Rostana. Isang lugar na maganda at nakakaenganyo ang tanawin. Maganda ang panahon, maaliwalas ang paligid, malamyos na dumadapo ang hangin sa aking balat, tila nakikisama ang panahon sa amin. Maybe this is the right time na ibinigay ng langit para sa amin ni Wise, kaya smooth ang lahat.