25

4.4K 160 64
                                    

Wise Lim

It felt like my body was being dragged down habang nakahiga ako dito sa kama. I wanted to open my eyes, but they were too heavy. I was too exhausted to move my body. Mahapding sikat ng araw ang nagmumula sa bintana ang tumatama sa balat ko. Pero nakatulong ito upang dumaloy ang dugo ko sa ugat ng aking katawan. Marahan akong nagmulat ng mga mata pero muli akong napapikit nang masilaw ako ng sikat ng araw.

Nagtangka akong bumangon, but I ended up lying back down, feeling like there was a heavy block on my head. I had a terrible headache. I need to take some medicine.

"Yves?" tawag ko sa pangalan ng asawa ko. Pagkuwa'y muli akong napapikit, gusto ko pang matulog pero hindi ko alam kung bakit ganito kasama ang pakiramdam ko. Naimulat ko ang aking mga mata nang bumukas ang pinto at pumasok ang asawa ko. She was smiling.

"Good morning. Are you feeling unwell?" Lumawak ang ngiti niya saka niya ako niyakap at hinalikan ang mga labi ko. "Kanina pa kita ginigising pero tulog mantika ka."

"Masakit ang ulo ko." saad ko.

Bigla niyang inilayo ang sarili sa akin. "Why did you drink so much last night? That's a hangover!" Pabiro niya akong sinermonan saka niya pinisil ang kaliwang pisngi ko.

Napangiti ako, ipinatong ko ang braso ko sa noo ko habang nakapikit. Kasama ko kagabi ang mga kaibigan ko na sina Cole, After ng kasal namin ni Yves, nag-inuman kami. We celebrate last night. Lahat kami masaya.

"Can you tell the chef to make me some soup so I can take a medicine?" Paglalambing ko sa kanya. Nandito pa kami sa resthouse na tinutuluyan namin. Kami na lang ang natitira dito at ang mga kaibigan ko. Ang mga pamilya namin at ibang bisita ay nagsiuwian agad sa Philippines after ng ceremony kahapon.

"Of course. Magrelax ka lang diyan."

I didn't respond. Instead, I got up and looked out the window. Iginala ko ang paningin ko sa labas. Naroon pa sa beach ang mga ginamit na decorations, ang arch na napapalibutan ng mga bulaklak, ang mga ala-ala. Huminga ako ng malalim, then I closed my eyes. Ito na ang bagong pahina ng buhay ko. I AM MARRIED NOW.

"Wise, the food will be here soon. I also asked for some medicine for your headache." I smiled at Yves. Sa mga sandaling ito, all I wanted to do was appreciate this person.

She invited me to take a walk on the beach, para daw mawala ang sakit ng ulo ko kapag nakalanghap ako ng hangin. Sinunod ko ang suhestiyon niya.

Holding hands habang tahimik kaming naglalakad. "Careful." saad ko nang matapilok siya. Natatawa siya, napapangiti naman ako. Inakbayan ko siya at napahawak siya sa bewang ko.

I took a deep breath and calmed my mind. Memories started to flood back into my mind again-----it was about Aliana. I remembered where she was seated habang ikinakasal kami ni Yves. Pero agad ko ring binaliwala ang ala-ala na iyon. Ibinuhos ko ang atensyon ko sa asawa ko. Hinalikan ko ang buhok niya habang naglalakad kami.

Ramdam kong masaya si Yves at ayokong mawala ang pakiramdam na iyon sa kanya.

Nakapag-almusal na kami at nakainom na ako ng gamot para sa sakit ng ulo. Nananatili kaming nakaupo at magkaharap dito sa dining table na nasa labas ng resthouse, sa ilalim ng puno ng niyog.

"Where do you want us to start?" Yves asked. Napatitig ako sa kanya, I wondered how this woman could take things so lightly, as if I hadn't done anything to her before. I betrayed her, yet she still chooses to love me. Pinatawad niya ako ng buong puso.

"We'll go back to the Philippines. Magsimula muna tayo roon. Let's see if it's better there, and then we can consider other options."

PATH OF HATE 🔞(Mikhaiah)Where stories live. Discover now