Aliana Arceta
You call it 'home' when there is love, when laughter fills every corner of the room, and it provides you with comfort.
You call it 'love' when there is trust, when you share joy and happiness with the person who holds a special place in your heart, and it brings positivity into your life.
You call it 'trust' when you have faith and confidence in someone, knowing that they will always be there for you, support you, and have your best interests at heart. It creates a strong foundation for a lasting and meaningful relationship.
But I ruined every aspect of my marriage life. Hindi pa man nangyayari ang kinakatakutan ko, na malaman ng asawa ko ang totoo, I know that when that day comes, it will be the worst. I can't blame everything on Wise. I also have faults because I embraced the mistake that should have never happened in my life.
Mahina ako, marupok, makasalanan. I want to go back to how things were before, but there is one thing that I don't want to lose. Ang sanggol na nasa sinapupunan ko.
Pinagmamasdan ko ang asawa ko habang natutulog siya. One day, he will find out the truth, and I don't know how I will face his anger. And if that day comes, I need to protect the child in my womb. I will do everything, I will fight for this child.
"Aliana..." he's awake.
"Good morning, Von."
"Why didn't you wake me up early? Kailangan kong pumasok sa office dahil may meeting ako with client."
Hindi ko siya nagawang gisingin dahil pinagmamasdan ko siya kanina habang natutulog siya.
"I'm sorry, ang himbing kasi ng tulog mo kanina."
Hindi siya umimik, bumangon siya para maligo. Hindi ko na siya niyayang sumabay sa akin na magbreakfast, alam kong tatanggi siya dahil nagmamadali siyang umalis.
"I'll be home at 5 PM, let's have dinner together."saad niya paglabas niya ng banyo. Hinanda ko agad ang isusuot niyang underwear at suit.
"Okay, I'll wait for you."
Nang matapos siyang magbigis, he smiled at me and kissed me saka siya lumabas ng silid. Napatakbo ako dito sa may bintana, hinintay ko ang pag-alis niya. At nakita ko naroon pa sa driveway ang sasakyan ni Wise.
Nang masiguro kong nakaalis na ang sasakyan ni Vonn lumabas ako ng kwarto at nagtungo dito sa silid ni Wise. Kumatok ako dito sa pinto niya saka ko pinihit ang doorknob. "Wise?"
"Aliana, come in." halatang kagigising lang niya dahil paos pa ang boses niya. Nasa kama siya nakadapa.
"Nasaan yong mga damit ko na pinamili natin sa mall?" Umupo ako dito sa dulo ng couch.
"Nasa closet, wait kukunin ko." Bumangon siya para kunin iyon. Gusto ko kasing isuot yon habang nasa opisina si Von at habang nagkukulong ako sa kwarto. "....here."
Inabot niya sa akin ang paper bag laman ang mga pinili naming damit. Umupo siya dito sa tabi ko.
"Thank you. Uhm, kagabi nakita kitang lumabas, pinuntahan mo ba si Yves? Kumusta na siya, may sakit pa rin ba?"
"No. Nagpunta ako sa bar kasama yong mga kaibigan ko kaya masakit ang ulo ko dahil sa hangover. About Yves, she's fine now."
Tumango ako. Ang dami ko pa lang tanong sa kanya. Nakakahiya naman.
"...okay ka lang ba, Aliana? May gusto ka bang kainin o ipabili?"
"Wala naman. Gusto ko lang kunin itong mga damit."