Wise Lim
Nahampas ko ang manibela ng sasakyan dahil sa inis, ilang araw ko nang hindi nakikita si Aliana at Clover. Wala sila sa shop, hindi din pumapasok sa school ang anak ko. What happened to them?
I'm worried iyon ang totoo. Tiningnan ko ang phone ko. Napapikit ako, nagsisisi ako dahil hindi ko sinagot ang mga tawag ni Aliana nong nakaraan. Napakinggan ko ang voice message niya sa akin pero hindi na siya nag-online pagkatapos nito. May iniiwasan ba siya?
Pinakinggan ko ulit ang voice message niya habang nandito ako sa loob ng sasakyan ko.
["Wise, I hope you listen to this. I know you're angry with me because I didn't do anything last time. But believe me, gustong-gusto kong makilala mo si Clover nong hindi pa kayo nagkikita at gusto ko ring makilala ka niya bilang dada niya. I'm just waiting for the right time for Clover to understand everything that's happening, she's still young, even if I tell her the truth that you're her dada. She won't understand yet. She's looking for you, she wants to see you. Please, Clover wants to see you because she's hoping you'll accept her gift for you. Pagbigyan mo na kahit isang beses lang......"]
Hindi ko ito agad nakita kaya hindi na ako nakapagreply pa. Ngayon hindi ko alam kung nasaan sila.
Nagmaneho ako saka ako huminto dito sa tapat ng Ice cream shop. Ilang beses na akong pabalik-balik rito. Mukhang naiinis na nga ang mga tauhan dito.
"Pakiusap, saan ba pwedeng magpunta sina Aliana at Clover?" tanong ko sa staff.
"Ma'am, hindi po talaga namin alam. Ibinilin lang po ni Ma'am Alianra itong shop pero hindi na po siya pumasok mula noon."
"Imposible, wala ba siyang address na iniwan? Saan siya nakatira?" Pinipilit ko silang magsalita pero ayaw nilang magbigay ng impormasyon. Hinampas ko tong ibabaw ng counter na ikinagulat nila. "Sorry." humingi agad ako ng pasensya. "Baka naman pwede niyo akong kontakin kung sakaling alam niyo na kung nasaan sila o kung bumalik na sila rito, please?"
"Sige po."
Iniwan ko sa kanila ang contact number ko pero I doubt kung tatawagan nila ako. Baka nasabihan na sila ni Vonn o ni Aliana na huwag magbigay sa akin ng info.
Aliana might be tired of asking me para dalawin ang anak namin, hindi niya alam na araw-araw ko silang pinagmamasdan mula sa malayo. Inaamin kong nagtampo ako nong nakaraan, pero hindi ako galit kay Aliana lalo na kay Clover. Dumistansya lang ako konti para hindi masyadong masakit sa pakiramdam na para akong baliwala sa anak Pero nagsisisi na ako dahil hindi ko na sila mahanap ngayon. Nanghihina akong lumabas ng pinto ng shop. Nagpunta rin ako rito sa school at kinausap ang teacher ni Clover pero nagpaalam lang daw si Aliana na hindi makakapasok ang bata.
Hindi ako tumitigil sa paghahanap. Sinusubukan ko rin tawagan ulit si Aliana, pero wala talaga. Naka-off pa rin ang phone niya.
Aliana Arceta
Hindi ko binubuksan ang phone ko because I'm sure Vonn will call me if he sees me online. Pasalamat ako hindi siya pumupunta rito.
Sa ilang araw na stay namin ni Clover dito sa Ilocos Sur naging panatag ang isip ko. Wala akong ibang inaaalala kundi ang anak ko. Wala kaming ginawang dalawa kundi magbonding, kumain ng masasarap na seafoods. Masaya kahit kaming dalawa lang ang magkasama.
"Clover, huwag kang lalabas ng bahay. Magluluto si Mama."
"Yes, mama."
"Stay in the living room, okay? Mamaya lang nandiyan na sina lolo at lola mo."
"Оро."
Nagsuot ako ng apron. Hinanda ko na ang mga lulutuin ko para ngayong hapunan. Sina mommy at daddy kasi pinuntahan yong isang may-ari ng stall sa bayan na may available raw na pwesto na pwedeng rentahan. Nag-papahanap na ako ng malilipatang pwesto dahil balak ko dito na tumira kasama si Clover.