Author's Note: Writing Wise and Aliana's story was tough but fulfilling. It's about making mistakes, learning from them, and discovering love and forgiveness. I poured my heart into their story, hoping you can feel the depth of their love.
To all the readers, thank you for reading and engaging with Wise and Aliana's story. Your comments and messages have been so encouraging, even though sometimes it makes me pressure, but it's okay i understand that you're just exited HAHA.
Wise Lim
"You have a beautiful baby boy, Misis." saad ng doktor kay Aliana.
Natikom ko ang bibig ko habang pinagmamasdan ang pangalawang anak namin ni Aliana. I looked at my wife face, halata ang pagod niya pero nakikita ko sa kanyang mga mata ang saya habang pinagmamasdan ang anak namin.
"You did it...." I whispered.I kissed her forehead.
"We did it, Wise..." hinihingal niyang saad. I could see her eyes smiling.
Yumuko ako at tiningnan si Clover. "He's your baby brother." Natutop niya ang bibig sa tuwa.
"What's his name, dada?" tanong niya.
I looked at Aliana. We had already discussed the name of our baby when we found out his gender.
"You can call your brother, baby Theo." saad ko kay Clover.
"Baby Theo." ulit niya.
Ilang sandali kaming naghintay. Nilipat na rin si Aliana sa maternity ward. Nasa tabi niya si Theo, si Clover naroon din nakaupo sa single chair. Napakasarap nilang pagmasdan. Ganitong klase ng tanawin ang masarap titigan, at hindi ko ito ipagpapalit sa kahit anong bagay sa mundo. Sila ang kaligayahan ko.
Nilapitan ko sila at ginawaran ko ng halik si Aliana sa kanyang noo. "I love you."
"I love you, too, Wise. Masaya ako nandito ka sa tabi ko." Hinawakan niya ang kamay ko at pinisil.
"Matagal ko nang pinangarap na laging nasa tabi mo mahal ko, kung alam mo lang." I gave her a smile.
"I'm sorry kung hindi ko agad yon natupad. Hindi ko agad narealize na ikaw ang tutupad sa pangarap ko na magkaroon ako ng maganda at masayang pamilya."
"Shh, it's okay. Ang mahalaga sa akin kasama ko kayong tatlo ngayon. At hindi na tayo maghihiwalay kailan man."
"Thank you, Wise."
Pinisil ko ang palad niya bilang tugon ko. Tinitigan ko si Theo, naalala ko tuloy si Clover nong baby pa siya, mabuti na lamang nagkaroon ako ng pagkakataon noon makita siya bago ako lumayo. Ganyan din siya ka-cute.
AFTER a few days, naiuwi ko na si Aliana at ang dalawa naming anak. Dito sa bahay ni Dad muna kami tumuloy. Yong dati kong kwarto ang ginagamit namin. Mananatili kami rito ng ilang buwan dahil on-going pa ang construction ng sarili naming bahay.
Masaya si Dad na makapiling ang kanyang mga Apo. Parang nagkaroon din ng kulay ang buhay niya simula nong dumating kami dito sa bahay niya.
The house felt different now. It wasn't just because of the two little babies, but because there was a feeling of peace and happiness everywhere. It was like a quiet, happy feeling, something I hadn't felt in a long time. Hindi na ito katulad ng dati na magulong bahay.
May iniwan na bahay si Vonn kay Aliana but I choose not to stay there dahil gusto kong gumawa ng memory sa bago naming magiging tahanan. And it's up to Aliana kung anong gusto niyang gawin sa bahay na iniwan sa kanya ni Vonn.
Pumasok ako ng kwarto, galing akong grocery store dahil bumili ako ng mga kailangan ni Theo, gaya ng diaper at ibang needs para sa pamilya ko.
Si Aliana nakadunghaw sa crib kung saan naroon si Theo, si Clover nasa kama. Aliana, looking tired but happy, nakikita ko iyon sa kanyang mga mata.