Aliana Arceta
There's a traffic jam. Naka-upo ako dito sa passenger seat ng sasakyan pauwing bahay, si Wise ang nagmamaneho. But we didn't talk as if we didn't know each others. May kanya-kanya kaming mundo sa mga sandaling ito. Ayokong magsalita, pinili kong manahimik at sarilihin ang mga naglalaro sa aking isipan. Kahit man lang sa mga sandaling ito ay magkaroon ako ng peace of mind, kahit sandali lang....kahit ilang minuto lang.
Napatingin ako sa labas ng bintana. Gabi na pero maliwanag ang paligid dahil sa nagkikislapang ilaw ng mga establishments at mga street lights. Pinagmamasdan ko ang mga detalye, pero nagdudulot lang ito ng lungkot sa damdamin ko. Tila ba hindi kayang punan ng maliwanag na paligid ang nararamdaman kong lungkot at pagkalito dahil sa mga nangyayari ngayon sa buhay ko.
Habang nakatitig ako sa mga taong palakad-lakad sa sidewalk, narealize ko ang isang bagay, para akong pinagkaitan ng langit ng kakayahang sumaya.
Do I deserve this?
Unti-unting pumatak ang malalaking butil ng ulan, naririnig ko ang bawat pagbagsak nila sa bubong ng sasakyan. Naging malabo na rin ang bintanang nagsisilbing libangan ko habang nakahinto ang sasakyan dahil sa matinding traffic. Napatingin ako sa harapan, pinanood ko ang wiper na kumakaway sa windshield para panatilihing malinaw ang salamin at unti-unting bumalik sa ala-ala ko ang mga nangyari kanina....
FLASHBACK
"Kumusta ang lagay niya, doc?" tanong ni Wise. Tila naringgan ko ang pag-aalala sa tinig niya.
"The patient is fine, she just needs rest."
"Mabuti naman kung ganon--------how about our baby?"
Parang nag-echo sa tenga ko ang sinabi ni Wise 'our baby'?
"The baby is fine. You don't have to worry." saad ng doctor.
Lumabas na rin ito pagkatapos niya kaming kausapin ni Wise. Sinabi rin niyang maaari na akong makalabas ng hospital. Tulala ako, hindi ko magawang umimik dahil sa pagkabila.
Nagbibiro lang ba si Wise o talagang may idea siya na sa kanya ang dinadala ko?
"You're pregnant, kaya ka ba laging gutom?"
Hindi ako sumagot. Sinusubukan kong kapain sa utak ko ang kasagutan sa mga tanong niya pero tila nawalan din ako ng kakayahang mag-isip. Blangko ang isip ko ngayon.
"Does your husband know about this, Chandra?"
Sunod-sunod ang mga katanungan niya pero pinili kong huwag sumagot.
"I want to go home." saad ko.
"Let's wait for my driver, ihahatid niya rito yong sasakyan ko."
"Sasakay na lang ako ng taxi." Bumaba ako ng kama, inayos ko ang sarili ko at akmang lalabas ng silid nang hawakan niya ang braso ko.
"Does Vonn know that the child isn't his?"
Nahintuan ako, magkatitig kami habang mahigpit niyang hawak ang braso ko. Nasasalamin ko sa kanyang mga mata na gusto niya ng kasagutan. But how did she know na sa kanya ang ipinagbubuntis ko?
"You look surprised, Chandra."
Tila nagsitayuan ang mga balahibo ko sa batok. Ang akala ko nong una, nagbibiro lang siya nang sabihin niyang baby namin ang dinadala ko.