28

5.4K 158 76
                                    


Wise Lim

Ngayon lang ulit ako nakabalik dito sa Pilipinas pagkatapos ng ilang taon. It gave me courage na umuwi dahil gusto kong makita at makasama ang anak ko. Nalaman ko kay dad bago ako magdecide na umuwi na hindi na nakatira si Von at Aliana sa bahay, matagal na raw silang umalis. Kahit ang kompanya ay iniwan na ni Von three years ago, kaya nakiusap si Dad na pangasiwaan ko na ang mga negosyo namin. At si Auntie ay nasa ibang bansa raw, hindi binanggit ni dad kung sila pa or hiwalay na sila. That's the last news I heard from him bago ako bumalik dito sa bansa.

Iniwasan ko kasi si dad na kausapin noon para hindi ako makarinig ng kahit anong balita about Aliana so I can forget her. Alam iyon ni dad, dahil nakiusap ako sa kanya na huwag siyang magbabanggit ng kahit ano tungkol dito sa Pilipinas. At nakatulong iyon ng malaki sa akin.

With the help of my friend Cole, I found Aliana's shop. At nakatayo ako rito sa labas ngayon, naghihintay ako para kay Aliana. Matagal na mula nong huli kaming nagkita. And I can still remember those memories, yong huling sulyap ko sa kanila ni Clover bago ako umalis.

"Excuse me po, sa susunod na lang daw po kayo pumunta rito sabi ni Ma'am Aliana, busy daw po kasi siya." saad ng staff.

Napangiti ako. I know she will avoid me. That's how Aliana is. "Paki-sabi sa kanya there's no next time. Hihintayin ko siya."

"Okay po."

Isasara sana ng staff ang pintuan pero pinigilan ko ito. I changed my mind, I won't wait for Aliana to come out. Ako na mismo ang pumasok dito sa loob ng shop niya. Nakita ko siya sa may counter, nakaharap siya sa computer habang may isinusulat sa ledger. Napatingin siya sa akin at nagtama ang mga tingin namin, pero agad din siyang nag-iwas ng tingin at itinuon ang atensyon sa computer.

"Afraid of facing me, Aliana?" Magkaharap na kami. Ang counter lang ang nagsisilbing pagitan naming dalawa.

"No. I....I'm just busy."

Pansin ko ang panginginig sa boses niya. Kaya siguro ayaw niya akong harapin dahil hindi siya handa sa pagkikita namin. Biglaan lang ang pagpunta ko rito, wala sana akong balak na guluhin siya pero may mga kailangan kaming pag-usapan para kay Clover. Nong makita ko ang anak namin sa pinapasukan nitong paaralan, nagkaroon ako ng lakas ng loob para gampanan ang pagiging magulang ko sa bata.

"How are you, Aliana?"

"Still the same." sagot niya. Sinulyapan niya ako sandali, halatang ayaw niyang salubungin ang mga titig ko.

"Sorry. I didn't bring anything for you and for Clover."

"Let's get straight to the point, Wise. Why are you here?" sa pagkakataong ito sinalubong na niya ang mga titig ko. Mas matapang ang mga tingin na ipinapakita niya ngayon kesa kanina.

"Look, Aliana. Can we set aside the past, please? I'm here for Clover."

Hindi ko alam kung para saan ang pangungulap ng mga mata niya. Galit ba iyon? Ayaw ba niyang mapalapit ako sa anak namin? Natatakot ba siya sa pagbabalik ko?

"Next time, magpa-alam ka sa akin kung pupuntahan mo si Clover sa school niya. Hindi ko ipinagkakait sayo ang pagiging magulang sa kanya pero magpasintabi ka naman sa akin dahil ako ang mommy niya."

She hasn't changed. She's still the Aliana I once loved. And at this moment, I know that no matter what happened, a part of my heart will always belong to her. Nakakamangha lang, dahil hindi na masakit sa dibdib ko kapag nakikita ko siya. Magaan na sa pakiramdam.

"Okay, I'll remember that. At makikiusap ako sayo, gusto kong humati ng oras para makasama ko siya, gusto kong makilala niya ako. She doesn't know me Aliana, and it hurts."

PATH OF HATE 🔞(Mikhaiah)Where stories live. Discover now