Ipinarada ko ang sasakyan dito sa harap ng bahay ni Yves Hindi niya alam na dadaan ako rito kaya umaasa ako na dito siya uuwi hindi sa bahay ng mga magulang niya.I leaned back in my seat while waiting. I closed my eyes and Aliana crossed my mind again. Masyado akong nahumaling sa kanya to the point na marami akong damdamin na nasaktan at masasaktan, kabilang na doon si Yves.
Kinuha ko ang maliit na kahon sa compartment ng sasakyan, pagbukas ko nito agad akong sinalubong ng kislap na nagreflect sa ilaw ng sasakyan.
I was planning to propose to yves and I had decided to stop seeing Aliana then, but when I found out that Aliana was pregnant, nagbago agad ang isip ko. I decided not to pursue marrying Yves. I thought magkakaroon ulit kami ng chance na dalawa ni Aliana dahil magkakaanak na kami, but it didn't happen.
Mahal niya si Von, kahit ilang beses kong ipagpilitan ang sarili ko sa kanya hindi niya ako magagawang mahalin ulit, kagaya ng pagmamahal niya na nakita ko nong nagsisimula palang kami bilang magkasintahan noon.
Everything got complicated because I couldn't control myself, hindi ko nagawang iwasan si Aliana. Hindi ko siya nagawang alisin sa sistema ko.
I waited until Yves arrived. Dumating siya sakay ng kotse niya, pagbaba niya ngumiti agad siya. Ibinalik ko sa loob ng compartment ang engagement ring na hawak ko. Bumaba ako ng sasakyan.
She was smiling nang lapitan niya ako. "Wise, I'm happy you're here." bumeso siya sa pisngi ko then yumakap siya. Para akong estatwa na nakatayo lang, hindi alam ang gagawin.
Alam kong masasaktan ko siya. Huminga ako nang malalim at pinilit na kalmahin ang dibdib ko na kanina pa binabagabag ng halu-halong emosyon.
"I.....I just want to talk to you, Yves." Alanganing ngiti ang naibigay ko sa kanya nang ilayo ko bahagya ang sarili ko sa kanya. May pagtataka sa mga titig niya, pero sa bandang huli ngumiti siya.
"Sure, come in." Hinawakan niya ang kamay ko saka niya ako hinila papasok sa bahay niya. Pagpasok namin dito sa sala, pinaupo niya ako dito sa sofa. Nagprepare siya ng maiinom saka siya umupo dito sa tabi ko. Nagsalin siya ng inumin sa mga baso at ibinigay sa akin ang isa.
Naging tahimik ako dahil hindi ko alam kung paano ko sisimulan ang sasabihin ko.
Inilapit niya ang sarili sa akin para humalik sa labi ko. Hinayaan kong gawin ang gusto niya pero nanatili akong walang kibo.
"Why are you stiff, Wise? Is there a problem?" Malambing niyang sabi at saka niya inulit ang halik sa mga labi ko.
Bumuntong hininga ako nang maghiwalay ang mga labi namin. Gulong-gulo ako sa mga nangyayari sa pagitan namin ni Aliana, at ayoko na rin madamay pa si Yves. She doesn't deserve someone like me, makasalanan, manloloko.
"Wise, you can tell me kahit ano pa yan." She was concerned. Halata iyon sa boses at mga mata niya.
Napayuko ako at napahinga nang malalim. Alam agad niya na may gumugulo sa isipan ko. Hinawakan niya ang braso ko at mahigpit na piniga ito.
I gave her a tight smile saka ako nagsalita. "I'm here to confess, Yves." Nang magtama ang mga tingin namin, those two pairs of eyes changed immediately, they turned sad, but she still gave me a forced smile. Then she loosened her grip on my hand. Naramdaman na niya na hindi maganda ang sasabihin ko. Siguro nakikita niya sa itsura ko.
"W-what is it, Wise?"
Tikom ang bibig ko, parang hindi ko kayang saktan lalo si Yves. But I had no choice. Nagawa ko na dahil nabaliw ako kay Aliana. Baliw na baliw ako sa babaeng iyon.