Author's note:
⚠️Please don't read it because I might break your mind, because this story revolves around the theme of infidelity/unfaithfulness, so if you are not comfortable reading this plot, please refrain from reading. It is intended for mature readers only.
H-O-W-E-V-E-R, if you are open to exploring this type of plot I won't stop you from reading, but don't look for moral lessons and thrill moments here because I might not be able to give them. THAT'S ALL.⚠️
°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°
Aliana Arceta
They keep talking about Yves's good qualities and Wise seems happy sa mga naririnig niya sa mga kaibigan niya about her girlfriend. Let's say mabuting girlfriend nga si Yves sa kanya, pero pwede naman nila itong pag-usapan sa ibang pagkakataon kapag wala ako, dahil hindi ako makasabay sa kanila.
I stayed quiet while they talked. If I knew it would be like this, I wouldn't have come with Wise. I think she noticed I was quiet. Sinulyapan niya ako tila ba nagtatanong ang mga titig niya kung okay lang ba ako. Umiwas ako ng tingin at yumuko dahil ayokong magsalita at ayokong malaman niyang hindi ako komportable sa mga oras na ito.
"Guys, ihahatid ko muna si Aliana sa kwarto para makapahinga siya. Ituloy niyo lang ang kwentuhan at inuman." sabi Wise.
"Balik kayo rito bago maglunch, okay?" Cole said. Nginitian niya ako kaya ngumiti din ako ng bahagya sa kanya.
Niyaya ako ni Wise na pumunta sa silid, sumunod ako sa kanya. Pagpasok namin, itinuro niya ang kama para makapahinga ako, then she sat on the sofa. Naghari ang katahimikan dito sa loob ng silid, wala kaming imikan.
Sinulyapan ko siya, naroon siya nakaupo habang hawak ang phone niya. She's acting weird dahil hindi siya nangungulit na may mamagitan sa amin kahit na napakarami niyang pagkakataon. Is it because she has succeeded in her plans with me or does she love Yves so much that she has lost interest in me?
Her eyes can't deny it, she loves Yves .Her smile is full of happiness. Hindi ko nakikita ang other side niya na laging gustong maghiganti sa akin. The lust in her eyes whenever we were close is gone.
Ngayon pang alam na niyang buntis ako, bakit biglang nagbago ang kanyang pagkatao? And why am I bothered now? Hindi ko rin maintindihan ang sarili ko. I observed her carefully, she was calm. Maybe her friends were right, napatino siya ni Yves.
"Aliana, are you okay? Kanina ka pa tahimik." tanong niya. She looked at me na tila ba may pag-aalala sa kanyang mga titig.
"Okay lang ako. Anong oras tayo uuwi sa bahay?" Humiga ako, kinuha ko ang isang unan, niyakap ko ito habang nakatagilid paharap sa kanya. Naroon pa rin siya sa sofa, humiga rin siya.
"We'll leave at 4 PM. I have to pick up Yves from the airport at midnight."
"Okay." maiksing sagot ko. Hindi ko inaalis ang tingin ko sa kanya.
Ngumiti siya, at ipinikit niya ang kanyang mga mata. "May sapat pa tayong oras para magpahinga." saad niya habang nakapikit.
Tumihaya ako habang yakap ang unan. Nakatitig ako sa kisame. Napapaisip pa rin ako.....
Kung totoong mahal ni Wise si Yves, hindi ko na siya magiging problema pa. Isa na lang ang aayusin ko sa buhay ko kung paano matatanggap ni Von ang batang nasa sinapupunan ko. But what if hindi niya matanggap?
Hindi ko alam kung bakit napakaraming bumabagabag sa isipan ko ngayon-----tungkol sa amin ni Vonn....at tingkol sa amin ni Wise.
Instead na magpahinga, pinagod ko lang ang isip ko sa mga katanungang hindi ko rin namang kayang sagutin.