34

6.1K 179 35
                                    

Wise Lim

I'm with Clover, hawak niya ang laruan na binili ko para sa kanya habang nakaupo dito sa tabi ko. Nandito kami sa lobby habang hinihintay na tawagin kami ng sekratarya ni Vonn.

"Dada, are we going to see Papa Vonn?" Malambing na tanong ni Clover, alam niyang opisina ito ng kanyang papa. Tumingala siya para titigan ako, mukhang hinihintay niya ang sagot ko.

"Yes, baby. Let's just wait for him to call us."

Ngumiti siya. "I miss him, because Papa doesn't come home anymore, but he's calling me on the phone, tapos nag-video call kami." Mukhang excited siya na makita ang kanyang papa dahil patingin-tingin siya sa pintuan ng opisina ni Vonn.

Hinaplos ko ang buhok niya saka ko hinalikan ang ulo niya.

"For sure, your Papa Vonn misses you too." Natuon ulit ang atensyon niya sa laruang hawak niya. After a while, Vonn's secretary approached us and led us into his office.

Agad na tumayo si Vonn nang makita niya si Clover, ang ekspresyon ng kanyang mukha ay biglang naging malambot. "Clover, baby!" Ang boses niya ay napuno ng saya at sigla.

"Papa!" sigaw ng bata agad na tumakbo palapit sa kanya.

Nang malapitan siya kinarga niya ito at niyakap. "Oh, baby. Kumusta na ang Clover ko? Did you miss me?"

"Opo, papa. I miss you." sagot nito. Humagikgik siya nang guluhin ni Vonn ang buhok niya.

Hindi na katulad ng dati ang nararamdaman ko. Noon, kapag nakikita kong masaya si Clover kay Vonn, naiinggit ako, nagseselos ako. Nag-iba na ito ngayon, nawala na ang kirot sa puso ko, mas magaan na sa pakiramdam.

"I want to talk to you, Vonn, kaya kami nagpunta rito." saad ko. Nanatili akong nakatayo rito sa harapan ng desk niya habang pinagmamasdan ko silang dalawa.

Tumalikod siya, dinala si Clover sa sofa at hinayaan na umupo ang bata roon. "Baby, just a moment, okay? Wise and I will just talk. Maglaro ka muna diyan." Narinig kong sinabi niya.

"Yes, papa."

Binalikan ako ni Vonn, hinarap niya ako. Seryoso ang mga titig niya, ang kanyang ekspresyon ay hindi mabasa. Napalingon ako kay Clover at ganon din siya, pinanood namin ang bata na abalang naglalaro sa sofa.

"Where's Aliana?" he asked, his voice was firm.

"Nasa shop and she doesn't know we're here. Ang paalam ko sa kanya ipapasyal ko si Clover sa mall para maglaro sa arcade." sagot ko. Ibinaling ko ulit sa kanya ang tingin ko.

Humarap din siya sa akin. Umigting ang mga panga niya. Alam kong malalim ang galit sa akin ng taong ito, hindi iyon maitatanggi sa ekspresyon ng kanyang mukha. "Did you come here to provoke me? Para ipakita sa akin na nakuha mo na ang loob ni Clover?"

Umiling ako. "No. Look, hindi ako pumunta rito para makipag-away sayo, Vonn." Nanatiling kalmado ang boses ko at mapagpakumbaba.

"If not, then what do you want?" his voice still sharp, ganon din ang mga titig niya sa akin.

"I want to marry Aliana." I answered.

Hindi ako bumitaw sa pagkakatitig sa kanya, at pinanood ko kung paano magbago ang ekspresyon ng mukha niya, mas lalo itong naging matapang pero sandali lang iyon dahil bigla siyang natawa.

Sa kalaunan ay umismid siya. "Alam mo, Wise, talagang nakakatawa ka." nakipagtagisan ito ng tingin sa akin.

"Whether you agree or not, gusto ko siyang pakasalan." seryosong saad ko.

"So what's the point na nandito ka? Para iparamdam sa akin na mahal niyo ang isa't-isa? At para pasakitan ako? Nakuha mo na lahat, Wise. Don't make me hate you more."

PATH OF HATE 🔞(Mikhaiah)Where stories live. Discover now