Aliana Arceta
Habang lumilipas ang mga araw, napapansin ko na ang pagbilog ng tiyan ko. But Vonn hasn't noticed yet because I'm trying to hide it. Kapag yayakapin niya ako madalas akong umiwas, kunyari may iba akong ginagawa, o di kaya, ihaharang ko ang braso ko sa pagitang namin para hindi niya maramdaman ang lumalaking tiyan ko. My in-laws haven't noticed either because I often wear loose clothes kahit nandito lang ako sa bahay.
Galing akong banyo nang sumilip ako dito sa bintana, nasa driveway na ang kotse ni Von kaya hinanap ko siya. I found him here in the wine room, he's been like this for a few nights. Nakaupo siya habang kaharap ang bote ng alak at isang baso.
"Von, please stop that." Sinubukan kong kunin ang hawak niya pero umiling siya at inilayo sa akin ang alak na hawak niya. Tinitigan niya ako, halatang naparami na siya ng inom at sa mga titig niya tila naghahalo ang galit at pagtitimpi. Kinabahan ako, pero pinilit kong umakto nang normal. "What's wrong, Von?"
"What's wrong?" inulit niya ang tanong ko, lalong lumakas ang kabog ng dibdib ko dahil sa kabang nararamdaman ko. Does he already know that I am hiding a secret?
"Do you really not know, or are you just pretending?" There was bitterness in his smile. Biglang nanlamig ang mga kamay ko dahil sa mga salita niya. Pero pinilit kong ipakita sa kanya ang kalmado kong pagkatao.
"What are you talking about, Von?" I pretended. Kapag sinabi niyang alam na niya ang tungkol sa lihim ko, wala akong magagawa kundi ang umamin sa kanya. But now, kailangan ko munang makasiguro kung ano ang tinutukoy niya.
"I know there's someone else, Aliana. I know you're going to leave me." Humigpit ang pagkakahawak niya sa bote ng alak. Gumapang naman ang kakaibang takot sa buong pagkatao ko.
"Leave you?" Umiling ako. "I....I can't do that. Mahal kita, Von." Nakagat ko ang ibabang labi ko dahil hindi na rin ako sigurado sa mga sinasabi ko.
Nakatuon ang atensyon niya sa basong hawak niya hanggang sa mapatingin ulit siya sa akin. "Liar! Who is it?"
Tumayo ang mga balahibo ko, ramdam ko ang malamig na pawis sa noo ko. Pero nakahanap ako ng butas when he asked me kung sino ang kalaguyo ko, nagpapatunay lang na hindi niya alam na si Wise iyon.
"Ano bang sinasabi mo, Von?" Hindi ko iniwas ang tingin ko sa kanya para bigyang patunay ang mga sinasabi ko.
"You're not the same as before, Aliana. I can't even touch you or hug you, you always avoid me when I try to be close to you. Why? Is there's someone else in your heart? Kaya ka ba laging wala dito sa bahay because you're seeing someone else?" His words are heavy, as if it's hard for him to say them. Alam kong masakit para sa asawa ko ang komprontahin ako tungkol sa panlalamig ko sa kanya.
I'm stuck in a situation where I can't escape. I was trapped sa isang kasalanan na alam kong sa bandang huli, lahat kami masasaktan.
"No!" mariing sagot ko, pero gumuhit ang guilt sa puso ko. Expeculations lang ang meron siya. Hindi niya alam na si Wise ang dahilan ng pagtataksil ko kaya ipinagpatuloy ko ang pagsisinungaling. "....umaalis ako ng bahay dahil wala akong magawa rito. Ayaw mo akong magtrabaho kaya anong gagawin ko? Hindi ba't ikaw rin ang nagsabing mamasyal ako at dumalaw sa bahay ng parents ko kapag busy ka sa trabaho?"
Hindi ata siya naconvince sa sinabi ko. Umiling-iling siya at nagsalin ulit ng alak sa basong hawak niya at uminom. "You've changed, Aliana."
"Because you've changed too Von. You're no longer the cheerful person you used to be kapag magkasama tayo you always scold me for small things" Ang totoo niyan
Ako na ata ang pinakamasamang babae sa mundo.