15⚠️

9.9K 138 9
                                    


WARNING!!⚠️This story contains infidelity, temptations, and explores the complexities of adulterous relationships. If you're not comfortable with this kind of plot please DO NOT READ THIS STORY.

Aliana Arceta

Habang abala si Von sa pagtatrabaho ay naisip kong mag-apply na rin online. In just three days na pagtyatyaga ko, I was able to secure a good online job. And since my employer is international, I finished all the interviews in the early morning.

Halos wala pa akong tulog nong bumangon si Von para maligo at magbihis. Bumangon na rin ako at pinagmasdan siya.

"Von, may maganda akong balita sayo. I hope you'll be happy sa sasabihin ko."

"What is it, love?" Nakangiti niyang tanong. Tinulungan ko siyang ayusin ang kanyang necktie.

"I got a job as an online interpreter, katatapos ko lang kaninang madaling araw sa interviews. It's a big company at maganda rin ang offer sa akin na salary."

"Oh, really? That's great. But, you know, I'm a bit worried about it even though it's just an online job."

Sa tono palang ng boses niya ay alam kong hindi siya lubos na masaya sa sinabi ko na may trabaho na ako.

"Bakit naman, Von? Aren't you proud that I also have work? Your mom wants me to contribute financially to this household."

Hinawakan niya ang mga kamay ko at marahang pinisil ito.

"I appreciate your enthusiasm, Aliana. But I am earning more than enough for us. And don't think about what mom said. You don't need to contribute financially to this household."

"Pero Von, hindi lang naman iyon ang dahilan kung bakit ko gustong magtrabaho, para din ito sa sarili ko."

"Aliana, makinig ka sa akin. If you start working, your schedule will likely be unpredictable because it's online. Gusto kong masiguro na may quality time tayo kapag umuuwi ako at ayoko na nakikita kang nasa harapan lagi ng computer."

Nalungkot ako sa sinabi niya. Akala ko kahit papaano ay matutuwa siya na may gagawin akong iba maliban sa pagmukmok.

"I understand your point Von, but I also want to do something para sa sarili ko. I think kaya ko naman i-manage ang oras ko sa work at para sa ating dalawa, please?"

"No!" pagmamatigas niya.

Binitawan niya ang mga kamay ko at saka niya isinuot ang coat niya.

"Please, Von?"

"Aliana! Can you please stop trying to convince me about this? You'll just tire yourself out and stay up late for minimal earnings from that online job."

"What's wrong with that? I'm not doing anything here. Gusto ko naman maging productive ang mga araw na ginugugol ko sa silid na 'to."

"Don't make me say it again, Aliana!" tumaas ang boses niya na ikinabigla ko.

".....ayokong magtrabaho ka! And don't insist on it! Ako ang lalake, ako ang masusunod sa ating dalawa! Naintindihan mo?!"

Nanghina ako sa mga narinig ko mula sa kanya. He's always been supportive of the things I want to do. But it was surprising and scary how he suddenly changed when he spoke.

"Okay. Hindi ko na itutuloy ang online job ko."

Mas pinili kong sundin siya. Kaya sa araw ding ito ay kinausap ko ang kompanya na ina-applyan ko at sinabi kong hindi ako matutuloy for some reasons.

PATH OF HATE 🔞(Mikhaiah)Where stories live. Discover now