34 : Talk
JULIAN
The night was cold and quiet when I decided to go outside. Ang lamig ng hangin ay dumampi sa balat ko, pero hindi ko iyon inalintana. Tanging ang nasa isip ko lang ngayon ay si Damien—ang boses nito sa tawag kanina, kung paanong may kung anong bigat sa tono ng bawat binibitawan niyang salita, na tila may dinadala itong hindi niya kayang solohin. Hindi siya humingi ng paliwanag, hindi rin siya nagbigay ng detalye. He just asked me one thing: if can he see me tonight.
And just by the way he talked—ang pagbitak sa bawat salita, ang pakiusap na hindi niya direktang sinasabi—alam kong hindi ko siya matatanggihan.
Naglakad ako palabas, pilit pinapanatili ang mahinahong ekspresyon habang binabaybay ang sala. Ngunit bago pa man ako makalabas ay isang pamilyar na tinig ang nagpahinto sa akin.
“Julian.”
Napakurap ako at sandaling napahinto sa paglalakad. Dahan-dahan akong lumingon sa pinanggalingan ng boses at doon ay nakita si Papa.
Nakaupo ito sa sofa, ang mga mata’y diretsong nakatingin lamang sa ‘kin. Hindi siya mukhang galit, ngunit gayunpaman ay ramdam ko ang awtoridad sa boses niya.
“Saan ka pupunta?” tanong niya, mababa ang tono ngunit may halong pagsusuri.
Pinigilan ko ang sarili kong magpakita ng pag-aalinlangan. Kailangan kong maging maingat sa sagot ko.
“Sa... park lang po,” sagot ko, tinitimbang ang ekspresyon niya.
Hindi naman siya agad sumagot. Bagkus ay pinagmasdan lamang niya ako ng tahimik at matagal, kaya bahagyang bumilis ang tibok ng puso ko.
Baka hindi siya pumayag. Baka... pigilan niya ako.
Pero makalipas ang ilang segundo, ibinaling nito ang tingin sa malayo at malumanay na nagsalita. “Bilisan mo lang. Umuwi ka agad.”
Napatigil ako saglit bago tuluyang nakahinga ng maluwag. Ngumiti ako kay papa at kahit hindi niya ako tinitingnan ay tumango pa rin ako.
“Opo, Papa. Salamat po.”
Lumabas ako ng bahay at nagsimulang maglakad papunta sa park. Tahimik ang paligid. tanging mga huni ng kuliglig at mahihinang pagaspas ng dahon ang naririnig. Mula sa malayo ay naaninag ko agad ang park dahil sa mga ilaw sa poste na nagbibigay ng banayad na liwanag sa madilim na damuhan.
At doon... sa ilalim ng isa sa mga poste, nakita ko si Damien.
Kasalukuyan siyang nakaupo sa damuhan at nakatalikod ang direksyon sa akin, tila ba walang pakialam kahit marumi iyong inuupuan niya. His posture was slouched, shoulders slightly hunched as if carrying something heavy.
Dahan-dahan akong naglakad palapit at hindi malaman kung bakit may kung anong kaba sa dibdib ko. Bakit siya nakaupo sa damuhan kahit marami namang bakanteng upuan sa paligid?
“Damien? Ba’t ka nakaupo sa damuhan--”
Naputol ang sasabihin ko nang tuluyan siyang lumingon sa akin. Napahinto ako sa pagsasalita.
Kapansin-pansin ang namumugto niyang mga mata na pulang-pula, tila ba kagagaling lang sa pag-iyak. Subalit ang mas ikinagulat ko ay ang sugat sa labi niya, bahagyang namamaga at may bahid pa ng natuyong dugo.
Walang ano-anong napalapit ako sa kanya at nag-aalalang nagsalita. “Ano nangyari sayo?!”
Hindi agad sumagot si Damien. Tinitigan niya lang ako saglit bago muling ibinalik ang tingin sa lupa, hinahayaan ang malamig na hangin na dumaan sa pagitan namin.
