Chapter 40

2.4K 35 11
                                        

40 : Search

JULIAN

Tatlong araw na lang bago ang Christmas party ng school namin.

Dapat masaya ako-lahat ng kaklase ko ay excited na sa nalalapit na selebrasyon, maaga pa lang ay abala na sila sa paghahanda ng mga games, palitan ng regalo, at syempre, ang programang inihanda ng student council para sa amin.

Pero sa kabila ng kasiyahan ng iba ay heto ako, nakaupo lang sa tabi ng bintana, nakatitig sa labas habang iniisip kung ano ang maaari kong iregalo kay Damien.

Dapat ba akong magbigay?

Dapat pa ba?

Para sa akin, oo.

Kahit na hindi na kami nag-uusap. Kahit na hindi niya na ako binigyang-pansin. Kahit na isang buwan na ang lumipas at para kaming bumalik sa pagiging estranghero sa isa't isa.

Pero kahit anong isip ko, wala akong maisip na regalo para sa kanya. Wala ni isa.

Hindi ako sigurado kung may magugustuhan siya mula sa akin, kung tatanggapin ba niya ito, o kung itatapon lang niya pagkapasok niya ng bahay.

Pero kahit gano'n... I still want to give something for him.

Noong dumating ang araw ng party, wala pa rin akong nahahanap na regalo. Naglakad-lakad ako sa labas ng school, umaasang baka may bigla na lamang lumitaw na ideya sa isip ko. Hanggang sa isang maliit na kariton ang nakita ko sa may kanto. Bigla akong napahinto.

All of a sudden, I cam up with an idea.

Minsan, sa hindi inaasahang pagkakataon talaga, ang pinakamaliit na bagay ang may pinakamatinding halaga.

Mabilis akong lumapit sa tindero at bumili ng isang supot ng binatog. Hindi ito nakabalot sa magarang papel, walang ribbon, walang card. Pero para sa akin, sapat na ito.

Ngumiti ako habang hawak iyon, sabik na makita ang magiging reaksyon ni Damien.

But when I went to the classroom, ang excitement na iyon ay agad na napalitan ng pagtataka.

Wala siya.

Noong una, inisip ko na baka late lang siyang dumating. Pero nang magsimula na ang program, hanggang sa dumating ang kainan, hanggang sa halos matapos na ang buong durasyon ng selebrasyon, hindi ko man lang siya nakitang sumipot.

Is he... not coming?

Sinubukan kong maghintay pa ng ilang mga minuto hanggang sa tuluyan nang bumagsak ang dalawa kong braso kakatulala sa likod ng pinto ng silid namin.

Makalipas lang ang ilang minuto, nalaman ko na lamang mula sa isa naming kaklase na ipinagpauna na lang ni Damien ang kanyang regalo sa prof namin. Ang sabi raw ni Damien, hindi siya makakadalo dahil may family gathering sila sa araw na ito.

Pero alam kong hindi iyon totoo.

Damien doesn't do family gatherings.

Alam ko dahil ilang beses na niyang sinabi sa akin. Kung may isang bagay na hindi niya gustong gawin, iyon ay ang makisalamuha sa pamilya niya.

Mabilis akong lumabas ng silid-aralan at hindi na nag-abala pang sumabay sa iba kong kaklase. Maaga natapos ang Christmas party namin, kaya bago pa man mag-alas dos ay nasa labas na ako ng school, pinapara ang unang tricycle na makita ko.

Should I visit him in his unit? But what if he dismiss me?

I shook my head and sighed. Hindi na importante 'yon.

Pagkarating ko sa condo unit ni Damien ay agad akong tumakbo papunta sa unit number niya. Kumakatok ako nang halos walang pagitan, pero wala pa ring sumasagot. Sinubukan kong tawagan siya, pero hindi niya sinasagot ang phone niya.

Napapadyak ako sa inis.

Saan ka ba pumunta, Damien?

Nang wala na akong maisipan pang choice ay tinawagan ko si Tito David. Maybe... Damien already went home to his father's house?

Sumagot ang ama niya sa pangalawang ring.

[ Julian? ]

"Tito," agad kong sabi, hindi na ako nag-aksaya ng oras sa pagpapaliwanag. "Nand'yan po ba si Damien?"

Saglit na katahimikan. [ He's not here. ]

Napakagat-labi ako.

[ Why? What happened? ] tanong ni Tito David sa kabilang linya.

Huminga ako nang malalim. "Hindi po kasi siya pumasok sa Christmas party namin, Tito. Wala siya sa unit niya. Hindi ko... hindi ko po alam kung saan siya pumunta."

Ramdam ko ang pag-aalala sa boses ni Tito David nang sumagot ito. [ Son, hindi ko rin alam. He's still not coming home. ]

Biglang bumigat ang dibdib ko.

Saan ka ba nagpunta, Damien?

Habang pinipilit kong pigilan ang sarili kong mag-panic ay may biglang pumasok sa isip ko-isang memorya na muntik at matagal ko nang nakalimutan.

"Alam mo, Julian," he started, barely a whisper, "I used to come here whenever things got... complicated. Kung may mabigat akong problema, siya ang una kong naiisip na lapitan."

Para akong binuhusan ng malamig na tubig.

Mabilis akong tumakbo palabas ng condo. Muli akong pumara ng tricycle at nang makakuha ay hindi na ako nagdalawang-isip pa na sumakay doon.

"Sa sementeryo po."

Pagkarating ng sementeryo ay agad akong bumaba. Halos hindi ako makahinga habang naglalakad sa makipot na daan, sinusundan ang alam kong daan patungo sa puntod ng ina ni Damien.

Hindi ko alam kung bakit sa puntong iyon ay sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko. Maybe because I've been running and finding him nonstop that I lost track of time already.

But just in the middle of overthinking... I stopped.

Napatitig ako ng mariin upang kumpirmahin kung tama ba ang nakikita ko.

Just a few meters away from me, I see a familiar figure of a back, sitting on the grass, and staring peacefully in the sky.

Is that...?

Malamig ang simoy ng hangin, pero hindi siya gumagalaw. Ni hindi siya naka-jacket. Ang buhok niya ay magulong-magulo, parang hindi man lang nagsuklay mula kaninang umaga. Ang mga mata niya ay namumugto, pero hindi ko sigurado kung galing iyon sa iyak o sa puyat.

Dahan-dahan akong lumapit.

Hindi siya kumilos. Para bang wala siyang pakialam kahit na may lumapit sa kanya. Para bang wala siyang pakialam kung nandito ako.

Saglit akong napahinto nang tuluyan akong makalapit sa pwesto niya.

I was right. He is here.

Mahinay at tahimik akong umupo sa tabi niya bago inilapag ang supot ng binatog sa pagitan naming dalawa.

Naramdaman ko ang bahagyang paglakas ng ihip ng hangin. Nakita ko ang bahagyang paggalaw ng kanyang mga daliri, pero hindi siya tumingin sa akin.

Wala akong sinabi.

Dahil minsan, hindi mo na kailangang magsalita para maramdaman ng isang tao na hindi siya nag-iisa.

At kahit anong mangyari, hinding-hindi ko hahayaang maramdaman ng taong ito na nag-iisa siya.

. . .

Next part: Epilogue.

His Ephemeral SignsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon