35 : Favor
JULIAN
"Julian, pakikuha nga ng isa pang pack ng noodles jan," utos ni Mama.
Kinuha ko ang hinihingi niya at inilagay sa cart namin bago tumingin sa paligid.
Maingay sa loob ng grocery store, puno ng mga taong abala sa pamimili ng pang-araw-araw na pangangailangan nila. Nasa may canned goods section kami ni Mama, hinahanap ang mga paborito niyang brand ng sardinas at corned beef habang ako naman ay nagtutulak ng cart at hawak ang listahan ng bibilhin.
I was just roaming my eyes around when suddenly, my eyes landed on a familiar figure.
Sa kabilang aisle, hindi kalayuan sa pwesto namin, nakita ko ang isang lalaking may katandaan na pero maayos pa rin ang tindig-suot ang isang mamahaling long sleeves na naka-roll up hanggang siko. May kasama itong isang babae na may hawak na shopping list, at isang bata na nakaupo sa malaking cart nila, mukhang nasa toddler stage pa lang.
Napahinto ako sa pagkilos nang saktong magtama ang mga mata namin ng lalaki. Napansin ko ang bahagyang pagkunot ng noo niya, animo'y nagulat na makita ako.
Saka ko lamang napagtanto kung sino siya.
Si Mr. King. Damien's... father.
Napatingin naman ako sa babaeng kasama niya at natapikom. So that's...
"Julian?" tawag ni Mama.
Tila nagbalik naman ako sa katinuan at napaiwas ng tingin, kunwari'y abala sa listahan namin. Pero huli na dahil nakita ko ang matanda na nagsimulang maglakad palapit sa amin, kasabay ng kanyang pamilya.
"You must be Julian," bati niya, may bahagyang ngiti sa labi. "Damien's friend, right?"
Hindi agad ako nakasagot sa tanong niya pero kalaunan ay dahan-dahan akong napatango.
"Opo," sagot ko.
Nakangiti ang ama ni Damien, pero may kung anong bigat sa mga mata niya. "I see. It's nice to meet you again."
Bago pa ako makasagot, nagsalita ang babaeng kasama niya-ang babaeng sa tingin ko ay madrasta ni Damien.
"Oh?" Humalukipkip ito at tiningnan kami ni Mama mula ulo hanggang paa. "So, this is the friend of Damien."
Napansin ko ang tono niya-hindi palaban, pero may halong pagpuna. Napansin ko rin kung paano dumikit ang ngiti niya sa mga labi na hindi naman umabot sa kanyang mga mata.
Tumango ulit ako marahil hindi ko alam kung paano ko siya sasagutin.
Pinagmasdan muna niya ako sa huling pagkakataon bago ibinaling ang tingin kay Mama.
"You must be his mother?" tanong niya.
Ngumiti si Mama at sumagot sa babae kahit na hindi niya kilala ito. "Ahh... oo, ako nga. Si Regina."
"Oh..." Nagtagal ang tingin ng madrasta ni Damien sa suot ni Mama-isang simpleng cotton na t-shirt at leggings. Ako naman, naka-shorts lang at plain na oversized na t-shirt. Napansin ko kung paano naningkit ang mata niya, at pagkatapos ay ngumiti ulit.
"I see," she said simply. "Mukhang nagmamadali kayong lumabas ng bahay."
Biglang nanlamig ang pakiramdam ko.
Hindi man halata, pero alam ko kung ano ang pinaparating niya sa mga katagang binitawan niya. Isang panlalait iyon.
Bago pa man ako makapagsalita, naunang ngumiti si Mama. "Oo, biglaan kasi itong grocery run namin." Mahinahong sagot niya, tila hindi naapektuhan.
Pero ako, hindi makapalag.
Pakiramdam ko ay parang napahiya ako para sa amin. Hindi ko alam kung bakit... pero may tumakbo sa isip ko na parang hindi kami sapat para sa babaeng ito. Na siguro... kung hindi ako kaibigan ni Damien, hindi niya ako titingnan ng dalawang beses.
Akmang tutugon na sana ang babae nang biglang tumikhim si Mr. King at inunahan ito sa pagsasalita. "Hon--"
Pero bago pa niya matuloy ang sasabihin niya ay nagsalita si Mama.
"Mauuna na kami sa inyo. Julian," senyas ni mama. Tumango naman ako at sumunod na kay mama. Alam kong awkward na ang atmosphere at mas mabuting tapusin na lang din pag-uusap. We were about to separate with Damien's family when suddenly, nagsalita ang ama ni Damien.
"Wait, Julian."
Napatigil ako, ngunit hindi na lumingon si Mama at nagpatuloy lang sa paglakad. Napayuko na lamang ako at kagat-labing humarap sa ama ni Damien.
Paglingon ay nakita ko pa sa mukha nito ang pag-aalinlangan, pero sa huli ay nagdesisyon siyang ituloy ang nais niyang sabihin. "I just want a quick word with you, if that's alright."
Saglit akong napatigil, nag-aalangan. Nang mapagtanto naman niyang hindi ako mapakali sa kinatatayuan ko ay saglit siyang may kinapa sa bulsa niya. Habang ginagawa niya iyon ay mabilis naman akong sumulyap sa kasama niya na ngayon ay nakabaling na ang tingin sa iba.
Inilabas ni Mr. King ang isang business card mula sa bulsa niya at iniabot iyon sa akin. Tiningnan ko naman iyon at napakurap.
"In case you need to reach me," sabi niya.
Tinanggap ko ito, kahit sa totoo lang ay hindi ko pa sigurado kung gagamitin ko ba talaga.
"Also..." Tumingin siya saglit sa asawa niya, na abala na ulit sa bata. Pagkatapos ay binalik niya ang tingin sa akin. "Are you free this weekend?"
Napatingala naman ako sa kanya dahil sa narinig. "Bakit po?"
"I just... wanted to talk about something. About Damien."
About... Damien?
Hindi ko alam kung dapat ba akong mag-alala o hindi, pero hindi ko rin alam kung dapat ko ba siyang tanggihan.
Hindi kalaunan ay tumango na lang ako. "Uhm... t-tingnan ko po."
"Good." He smiled and nodded.
Nang matapos ang usapang 'yon ay bumalik na ulit sila ng pamilya niya sa pamimili. Samantalang ako naman ay mabilis na lumakad papunta kay Mama na ngayon ay naghihintay na sa akin malapit sa cashier.
"Anong pinag-usapan niyo?" tanong niya, hindi tumitingin sa akin habang inilalabas ang mga groceries sa cart.
"Sabi niya, gusto lang daw po niya akong makausap tungkol kay Damien."
Tumango si Mama, tila walang emosyon. "At?"
Nagbuntong-hininga ako. "... At binigyan niya ako ng business card niya."
Hindi na nagsalita si Mama, ngunit alam kong narinig niya ako.
Habang inaayos ni mama mga ang pinamili namin ay hindi ko maiwasang mapaisip. Ano kaya ang gustong pag-usapan ng ama ni Damien? At bakit sa lahat ng tao... ako pa ang napili niyang kausapin?
Is it something about what happened last night with Damien? or is it something else?
