Chapter 36

1.5K 33 6
                                        

36 : Confused

JULIAN

Malakas ang sikat ng araw ngayong hapon, at kahit nasa lilim ako ng puno sa school grounds ay ramdam ko pa rin ang init sa balat ko. Kasalukuyan ako ngayong nakasandal sa bangko habang ang isang braso’y nakapatong sa lamesa at nakatitig sa kawalan.

Two days have already passed, pero sa loob ng dalawang araw na ‘yon ay hindi pa rin nawawala sa isip ko ang sinabi ng ama ni Damien.

“Are you free this weekend? I just wanted to talk about something. About Damien.”

Napapikit ako at marahang napabuntong-hininga. Hindi ko alam kung bakit, pero may kung anong bumabagabag sa akin tungkol sa nais ng ama ni Damien. Wala naman akong dapat ipag-alala, ‘di ba? Pero bakit pakiramdam ko, may kung anong hindi tama?

Napalingon ako nang marinig ang pamilyar na tinig ni Damien.

“Julian.”

Napadilat ako at nakita ang matalim niyang tingin na may halong pagtataka. “You're spacing out again,” aniya, saka umupo sa harapan ko. “what are you thinking right now?”

Napangiti naman ako nang bahagya sa kanya at umiling. “Wala... wala lang.”

Hindi agad nagsalita si Damien. Instead, tinitigan lang niya ako na para bang hindi kumbinsido sa aking sinagot.

“You sure?” tanong niya, puno ng pag-aalinlangan.

Ngumiti ako, pilit na iniiwas ang usapan sa kung anuman ang iniisip ko. “Baka gusto mo lang talaga akong titigan, kaya ka ganyan.”

Umangat ang isang kilay ni Damien saka napailing. “Kung ano-anong sinasabi.”

Sinipa niya nang mahina ang binti ko sa ilalim ng mesa, dahilan para mapahagikhik ako.

"Aray! Ba’t ka nananakit!" reklamo ko kahit hindi naman talaga masakit ang ginawa niya.

“That didn’t hurt.” Umiling siya, saka naglagay ng earphones sa isang tenga. “Anyway, I was gonna ask if you’re free later. May pupuntahan lang ako.”

Napataas ang kilay ko. “Saan?”

“Sa unit ko,” sagot niya, kaswal lang. “Maybe you ‘wanna come with me.”

Saglit naman akong napaisip sa sinabi niya.

“Teka, ngayon ba ‘yon?”

“Hindi,” he said sarcastically. “Next year pa.”

Napatawa ako. “Oo na, gets ko na. Ano bang gagawin natin do’n?”

“Nothing. I just want to be with you.”

Nagtaas ako ng kilay, pero hindi na ako sumagot pa. Kahit kailan talaga, hindi ko alam kung seryoso siya o hindi sa mga sinasabi niya.

Nagtagal pa kami saglit sa school at nang mag-dismissal ay pumunta na kami sa condo ni Damien. Habang nasa biyahe, hindi ko maiwasang mapansin ang pagiging tahimik niya. Hindi naman talaga siya palasalita, but I can sense that he’s really preoccupied at the moment.

At sa totoo lang... may isang tanong akong gustong itanong sa kanya.

Alam kaya niyang gusto ako kausapin ng dad niya?

Napatingin ako sa kanya, pero agad ding bumalik ang tingin ko sa labas ng bintana ng sasakyan. Siguro... hindi pa ngayon ang tamang oras para pag-usapan ‘yon.

Pagdating namin sa unit niya ay binuksan niya agad ang ilaw at pinapasok ako sa loob.

“Come in,” aniya.

His Ephemeral SignsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon