Chapter 37

1.5K 36 4
                                        

37 : Café

JULIAN

Tumingala ako dahil sa taas ng building na nasa harapan ko. Gawa ito sa salamin at bakal na estrukturang nakatayo sa gitna ng siyudad. Tumikhim ako at pilit na pinakalma ang sarili habang iniipit sa pagitan ng mga daliri ko ang calling card na binigay sa ‘kin ni Mr. King, ilang araw na ang nakakalipas.

I made my decision.

Dahan-dahan akong huminga nang malalim bago pumasok sa loob ng gusali. Agad akong sinalubong ng malamig na hangin mula sa air conditioning. The place screamed wealth—mula sa malilinis na sahig, eleganteng chandelier sa itaas, at mga taong naka-corporate attire na abala sa kani-kanilang ginagawa.

Lumapit ako sa reception desk.

“Excuse me,” I said, placing the business card on the counter.

Tumingin sa akin ang babae sa likod ng desk. Mukhang nasa late twenties siya, maayos ang buhok, at nakasuot ng puting blouse at fitted skirt. Tiningnan niya ang calling card bago lumingon pabalik sa akin.

“Are you Mr. Julian Perez?”

Tumango naman ako sa kanya.

“Please have a seat,” she said with a professional smile. “Sir King is still in a meeting, but he’ll be with you shortly.”

"Sige po. Thank you."

Umupo ako sa isa sa mga mamahaling sofa sa lobby nila at doon nagpalipas ng oras habang pinagmamasdan ang mga taong naglalakad-lakad sa paligid. Ang pagkakaalam ko, Damien’s dad owns this place.

Habang nasa kalagitnaan ng paghihintay ay hindi ko mapigilang tanungin ang sarili ko kung tama ba itong ginawa ko. I mean... if going here is alright without Damien knowing it.

Hindi ko na namalayan kung ilang minuto akong tulala bago ko narinig ang pagtawag ng isang pamilyar na boses.

“Julian.”

Napalingon ako at nakita ko ang isang lalaking papalapit.

Si Mr. King—Damien’s father.

Nakasuot siya ng dark blue na business suit na mukhang mamahalin. Matangkad at maayos ang tindig niya, pero ang pinakanapansin ko ay ang mga mata niya—matatalas, pero may isang bagay na hindi ko mawari.

“Pasensya ka na at napaaga kita ng punta rito,” sabi niya habang niluwagan ang tali ng kanyang necktie.

“Ahh, hindi po... okay lang,” magalang kong sagot at agad na tumayo mula sa kinauupuan ko.

Tumango naman siya at bahagyang ngumiti sa akin. “Let’s go?”

Naglakad kami palabas ng building at saktong paglabas ay biglang may bumungad na sasakyan. Hindi ko naman napigilang mapatingin sa kotse na naka-park ngayon sa aming harapan. Isa iyong mamahaling itim na sasakyan na sa tingin ko ay higit pa sa kayang bilhin ng isang normal na empleyado.

Napalunok ako nang buksan niya ang pinto ng passenger seat.

“Pasok ka,” he said simply.

Nahihiyang tumango naman ako bago tuluyang pumasok sa loob ng kotse.

Pagkaupo ay naramdaman ko na agad ang lambot ng leather seat. Kakaiba ito sa mga nakasanayan kong sakyan. Mabilis akong umayos ng upo habang pumasok si Mr. King sa kabilang seat sa tabi ko bago pinaandar ng driver niya ang sasakyan.

Tahimik lang ako habang umaandar ang kotse niya. Halos hindi na nga ako mapakali sa pwesto ko dahil sa rami ng iniisip ko. Nagpagpag ba ako ng pants kanina? Baka madumihan ko pa yung kotse niya at magalit siya.

His Ephemeral SignsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon