Kabanata 9

26 2 1
                                        

009.BMW

Nakatingin ako nang nakakunot ang noo sa babaeng kaharap ko ngayon na nagtatanong kung ano nga ba ang koneksyon namin ni Gio.

Kinapa ko ang katabi ko, ngunit wala na si Gio sa tabi ko. Natanaw ko siya sa malayo, napaliligiran ng mga kapwa niya lalaki habang masayang nakikipag-apiran. Second year na si Gio kaya marami na siyang kakilala rito.

"We're friends," walang emosyon kong sabi habang nakatingin sa babaeng nakangisi ngayon.

Lumapit siya nang dahan-dahan sa akin at bumulong sa kaliwa kong tenga.

"Lumayo ka, nakakairita ka." Napaiwas ako ng bahagya sa sinabi niya.

Napalunok ako sa boses niya na parang isang kontrabida sa teleserye. Napayuko na lamang ako sa harap ng mga kaibigan ni Gio at dahan-dahang naglakad paalis.

"Chelsea!" narinig ko ang mahinang sigaw ng isang lalaki na sumusunod sa likod ko.

Binilisan ko ang paglakad upang hindi ako maabutan ni Gio. Maya-maya pa ay hindi ko na naramdaman ang mga yabag niya sa likuran ko.

Hindi ko alam kung saan ako pupunta. Hindi ko mahanap ang silid-aralan ko. Bitbit ko lang ang puti kong backpack na ang laman ay mga makeup, isang ballpen, at isang notebook. Napagtanto ko na mas marami pa akong dalang makeup kaysa sa gamit sa school. Ewan ko ba, mas mahalaga pa sa akin ang pag-aayos kaysa sa mga school supply.

Kahit na unang salta ko palang sa paaralan na ito, at pagsusungit pa ng babaeng akala mo naman may ari ng paaralan ang nadatnan ko, tinanggal ko na lang sa isipan ko. Natawa na lang ako dahil medyo may amoy yung hininga niya.

"Crazy, tsk." Isang baritonong boses ang narinig ko sa gitna ng katahimikan. "Looks like you went to the wrong place. You should go to a mental hospital."

Pinihit ko ang katawan ko at hinarap ang lalaking nakasuot ng black oversizedshirt, ripped jeans, at sneakers. Wala ba itong uniform? Parang holdaper lang sa EDSA kung pumorma, ah!

"Excuse me?!" asik ko. Umiwas naman ang mga kasama niyang lalaki.

"Oh, dumaan ka na," sarcastic niyang sabi, habang natatawang tumabi sa gilid.

"Ikaw? Mukhang mali rin yata ang napasukan mo. Dapat doon ka sa kalsada!" sigaw ko sa kaniya habang iniaayos ang buhok na nalalaglag sa noo ko.

"Why? Bakit ako pupunta sa kalsada?" Umayos siya ng tayo at mataman akong tinitigan.

"Mukha ka kasing snatcher sa Quiapo dahil diyan sa OOTD mo!" inirapan ko siya, tinalikuran, at naglakad na parang isang Disney princess.

"What?!" narinig kong pasugod na ang lalaki, ngunit may biglang pumasok sa eksena.

"Don't touch her, Van!" Umalingawngaw ang boses ni Gio, na nagpahinto sa akin sa paglalakad.

Naagaw na namin ang atensyon ng mga estudyante na ngayon ay nakatutok na ang mga mata sa amin.

"Fuck you, Van, babae 'yan!" Isang papalapit na boses ang narinig ko sa likod ko. Si Gio.

"Tsk, acting like Superman again," umirap ang lalaking nakaitim. "Let's go, boys. Alis na tayo." Kinuha ni Van ang kaniyang bag at agad umalis kasama ang grupo niya.

Nagkatinginan kami ni Gio pero agad akong umiwas at nagpatuloy sa paglakad sa corridor.

"Chelsea, kanina pa kita hinahanap! Walang klase, tara na," Habol na sabi niya habang sumusunod sa akin na parang anino.

"Narinig mo ba ang sarili mo? Can you please stop following me!" Sigaw ko sakaniya, iniwan niya ako sa babae kanina.

Huminto ako sa ilalim ng isang malaking puno. Sa pagkakaalam ko ay isang parke ito na madalas tambayan ng mga estudyanteng gustong magmuni-muni, pero ngayon ay walang tao.

"What's the problem, Chelsea? Tell me," nakita ko ang mga pawis na nag-uunahan sa kaniyang noo.

"I feel like... I-I don't belong in this school." Unti-unting lumabo ang paningin ko.

Nanghihina akong umupo sa bench habang nagbabadyang tumulo ang aking mga luha.

"Bakit ayaw nila sa akin? Am I ugly? Skinny?" At tuluyan nang umagos ang luhang kanina ko pa pinipigilan. Agad ko itong pinunasan. "Akala ko dati okay lang na mag-isa—mas tahimik, mas payapa. Pero habang tumatanda ka, maiisip mo na sana may kasama ka rin. May kasamang kaibigan na kumain sa labas, kasamang mag-shopping, kasama sa kalungkutan at hindi lang sa kasiyahan. I want a friend so bad."

Hindi ko napansin na humihikbi na ako habang yakap-yakap ang dalawa kong tuhod.

"Chel, I'm always here. Nandito ako palagi para makinig sa mga rants mo sa buhay, hindi ako magsasawa." Dahan-dahan kong inangat ang ulo ko at nakita ko ang nakangiting mukha ni Gio.

"I wish I am you. You have a lot of friends, Gio. Sana meron din ako. Buong buhay ko, hindi ko naranasang magkaroon ng totoong kaibigan. Kung may nagiging kaibigan man ako, lahat sila iniwan ako." Bumuntong-hininga ako at pinakalma ang sarili. "It's hard to build trust. Lahat ng pinagkatiwalaan ko, sinira lang 'yon. Akala ko totoo sila, pero lahat pala sila nakasuot ng maskara."

Tiningnan ako ng lalaking nasa harap ko habang seryosong nakikinig sa akin.

"Pero wala akong magagawa. Ayokong pilitin ang isang tao na gustuhin ako, kasi hindi tunay na pagkakaibigan 'yun." napangiti ako nang mapait. 

Hinayaan niya akong magsabi sakaniya ng problema ko. Hindi siya umalis sa tabi ko. Nakatingin lang sa akin si Gio, habang nakikinig ng mabuti sa akin.

Hanggang sa kumalma na ako, kumalma na ang isipan ko, at gumaan na ang pakiramdam ko, dahil may taong nakikinig sa akin, at pinaparamdam na valid lahat ng nararamdaman ko.

---

Ngayon ay nakasakay na ako sa kotse ni Gio dahil pagabi na rin. Walang nangyari sa unang araw ng pasukan namin—walang propesor na sumulpot para magpakilala o magturo. Ginabi na kami ng uwi dahil naabutan kami ng gutom kaya kumain muna kami sa isang sikat na restaurant malapit dito.

Namumutawi ang katahimikan sa loob ng sasakyan. Tanging ang ugong ng aircon at ang ingay ng mga sasakyan sa labas ang naririnig. Napasandig ako sa upuan habang nakatitig sa mga nagliliwanag na streetlights. Napansin ko ang playlist sa monitor ng sasakyan at pinindot ko ang nangungunang kanta: BMW by Because. Nilakasan ko ang volume nito.

🎶 Mukhang tayo'y inabutan sa gitna ng daan

Ilagay muna ang gamit sa ating paahan

Wala nang araw at tayo ay nasa lilim

Sasabihin na ang lihim ramdam naman kung gaano kainit

Kanang kamay sa pagitan ng hita

Habang isa ay nagmamaneho 'di na kailangang biglang lumiko

Ating igilid nang nakapreno 🎶

Napangiwi ako sa lyrics ng kanta. Ganito na ba mga kanta ngayon, mas maganda pa rin 'yung kanta tuwing sunday sa radio.

Marahas na huminto ang sasakyan sa gilid ng kalsada, sa gitna ng mga naglalakihang puno ng mangga.

"What are you doing, Gio? Kung ano man 'yang balak mo, stop it! Ipapakulong kita!"

Dahan-dahang lumapit ang mukha ni Gio sa akin hanggang sa maramdaman ko ang kaniyang hininga malapit sa tenga ko.

"No! This is rape!" nakapikit kong sabi habang amoy na amoy ang kaniyang hininga at marahas na tumatama ang hininga niya sa ilalim ng tenga ko.

"What are you saying?! Nasiraan tayo!" sigaw niya nang malakas na siyang ikinagulat ko.

"What?!" Namula ako sa husto. Parang gusto ko na lang magpakain sa lupa—este, sa kotse pala!

"Fuck this life. Kung kailan malapit na tayo, saka pa nasiraan," hinampas niya ang manibela at agad na lumabas ng kotse.

Isa na namang matinding kahihiyan sa buhay ko...

Shadows Of Doubt (Shadow Series #1)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon