018.Sinturon
Nakakabinging katahimikan habang nasa hapag-kainan kaming lahat. Pagabi na at tila sumasabay ang lungkot na nararamdaman ko—madilim at magulo ang laman ng utak ko.
Inayos ko ang mga kubyertos sa harap ko, hinugasan ang mga ito, at itinaob sa lagayan ng mga plato. Malamig ang gabi, pero mas ramdam ko ang paglalamig ng mga kasama ko sa bahay. Tila nag-iba sila ng anyo, na para bang ibang tao na ang kaharap ko.
Nakita ko ang pagpunta ng mga magulang ko sa kanilang silid nang walang imik. Agad na rin akong umakyat sa aking kuwarto upang makapagpahinga. Humiga ako at agad na kinuha ang cellphone ko. Chineck ko ang aking socials kung may mga updates o online activities na ipinasa ang professor namin, pero wala.
Habang nag-i-scroll ako sa Facebook, lumabas bigla ang post ng school namin na kailangang maghanda ang mga kandidata para sa pageant photo shoot o official headshot na ilalabas sa publiko bukas. At isa sa mga requirements ay ang sariling makeup artist.
Kinabahan ako sa nakita ko dahil wala akong alam pagdating sa paglalagay ng kolorete sa mukha, at mas lalong wala akong kakilala na magaling sa pagpapakinis. Dahan-dahan kong ibinaba ang cellphone ko habang sinasabunutan ang sariling buhok.
Ano ba itong pinasok ko?
Kung ano-anong puwesto na ng pagtulog ang ginawa ko, pero ayaw pa rin ng diwa kong magpahinga. Sadyang mas iniisip ko lang talaga ang mangyayari sa pictorial na iyon para sa aming official headshot.
I checked my phone. Argh, it's already 2:36 a.m.
Tumayo ako sa kama at tumitig sa salamin na nasa kanan ko. Kaya ba ito ng makeup? May dark circles na sa dalawa kong mata, may eyebags, at ang mga pimple ko ay parang mga manggang hinog na hinog na.
Habang busy ako sa pagtingin sa salamin ay biglang nag-ring ang cellphone ko.
*Gio is calling...*
At sino naman ang tatawag ng alas-tres ng umaga? Akala ko natutulog siya nang maaga kaya walang ka-pore-pores ang mukha niya. Pinindot ko ang green button sa screen at itinapat ang telepono sa tainga ko.
"Why? Anong problema?" sarkastiko kong tanong.
"Calm down. Wala man lang bang 'good morning' diyan?" narinig ko ang mahina niyang pagtawa.
"Walang 'good' sa morning ko kung ikaw ang makakausap ko. Ano nga? Bakit ka napatawag?" sumandal ako sa headboard at kinumutan ang sarili hanggang baywang.
"Nakita ko, you have a pictorial later, right?" Akala ko ba hindi siya mahilig sa social media?
Halos lahat kasi ng socials niya ay naka-private, kahit ang pogi-pogi naman niya. Puwede nga siyang maging instant sikat dahil sa pang-modelong katawan at mala-artistang mukha.
"Yes, meron. At hindi na ako sasali. Wala akong alam sa mga ganiyan, gastos lang," sabi ko sa linya habang umiiling, na para bang nakikita ako ng lalaking kausap ko.
"No, sasali ka. Gagawa ako ng paraan, may kilala akong makeup artist." Napatayo ako sa sinabi niya at mas lalong hindi ako papayag.
"Mas lalong hindi! Gagastos ka para sa walang kuwentang pageant na iyan? You need money for your school expenses, Gio."
"Mas lalong hindi ako papayag kapag hindi ka sumali. This is your time to shine." Tila nabuhayan ako ng loob sa tono ng boses niya.
"This. Is. Not. My. Time," bawat salita ay ipinaramdam ko sa kaniya dahil hirap na nga ako sa pinansiyal ko, dadagdag pa ang pageant na iyan.
"We will buy later," puno ng determinasyon niyang sabi.
"Anong bibilhin?" sabi ko at mas itinapat pa ang cellphone sa tainga ko.
BINABASA MO ANG
Shadows Of Doubt (Shadow Series #1)
RomanceSa taniman ng mga mirasol na mababango, sa karagatan ng mga luntiang mga damo, mahahanap ko ba ang tunay na pagmamahal na nanggagaling sayo o dudungisan mo lang ito ng pulang dugo? Chelsea Hillary Ferrer, she have a lot of insecurities and she th...
