Kabanata 22

22 1 0
                                        

022.Sayaw

Isang araw na ang nakalipas matapos ang pag-amin namin sa isa't isa, ngunit para pa rin akong hinehele sa galak. Hindi ako makapaniwalang ang dating estranghero na kinaiinisan ko ay unti-unti na palang nahuhulog sa akin.

Bumangon ako sa kama na may nakakabit na ngiti sa aking mga labi, kahit alam kong nakakapagod ang araw na ito.

"Gumising ka na!" Narinig kong sigaw ni Mama. Isang normal na pananalita ng isang ina kapag tanghali nang nagigising ang kaniyang anak. Isa ito sa mga mamimiss ko sa kaniya-ang pag-iingay niya tuwing pagsikat ng araw.

Tuluyan na akong bumangon nang mapagtantong ngayon na pala ang pre-pageant namin, kung saan ipapakita namin ang aming talento sa harap ng madla.

Agad nanlamig ang aking mga paa at kamay sa naisip ko. Wala akong talento sa pagkanta, pero kahit papaano ay marunong naman akong sumayaw. Ang problema, kakapusin na sa oras para mag-choreograph dahil wala nang sapat na panahon para mag-ensayo.

"Chel, you there?"

Napatingin ako sa pinto kaya napaigtad ako sa gulat. Oh my gosh! Kahit hilamos at toothbrush ay wala pa ako. Bakit ba kasi napakaaga ng lalaking ito?

"Chel, wake up. You have a talent performance today."

"Yes, I know!"

Nagmamadali akong naligo. Kahit malamig ang tubig ay ibinuhos ko na agad ito sa aking katawan, kaya ramdam ko ang panginginig ng aking kalamnan.

"Faster, it's already 6:30 AM," madiin niyang sabi sa labas.

Agad akong nagbihis ng baggy pants at oversized white shirt. Hindi na ako nag-ayos ng mukha-kahit pulbos o lip tint ay hindi ko na nagawang maglagay. Hinaklit ko ang maliit kong shoulder bag kasama ang suklay na nasa mini table, at nagsimula nang magsuklay habang palabas ng kwarto.

Bigla akong napahawak sa aking mukha nang mabangga ako sa dibdib ng lalaking ngayon ay humahagikgik na sa kalokohan niya. Inirapan ko si Gio dahil kay aga-aga ay binabadtrip niya ako.

Naglakad siya nang una sa akin sa hagdan at inabot ang kaniyang kamay sa kawalan, na tila isang prinsipeng aalayan ako pababa. Natawa na lang ako sa inasta niya. Hindi naman siya ganito dati—masyadong nagpapakilig ngayon.

"Anong kacornyhan 'yan?" puna naman ni Papa sa amin.

Napahagalpak ako sa tawa habang namula naman ang buong mukha ni Gio sa kahihiyan. Napatakip na lamang siya ng mukha habang tumatawa nang tahimik.

"Wow, corny! Ang corny mo nga rin kaya dati noong nanliligaw ka. Binibigyan mo ako ng tuyo, eh anong gagawin ko roon?!" sigaw naman ni Mama mula sa kusina.

Napatingin ako kay Papa na ngayon ay nagkakamot na ng ulo.

"Eh, paborito ng mama mo 'yon dati, hon," sabi ni Papa habang papalapit kay Mama upang yakapin ito, ngunit umiwas si Mama habang umiirap.

"Huh? Sino bang nililigawan mo, ang mama ko?!"

Nakita ko ang paglaki ng mga mata ni Papa at agad akong humagalpak sa tawa. Dahil doon ay nagtawanan kaming lahat sa eksena nilang dalawa.

"You have good and kind parents," wika ni Gio. Nakasakay na kami ngayon sa kotse niya patungong paaralan para sa talent portion ng pre-pageant.

"Yes, they are. Sana nga ganoon na lang lagi. Sana makasama ko sila hanggang sa maging isa na akong flight attendant. Pero kailangan nating tanggapin na habang nadaragdagan ang edad natin, tumatanda na rin sila." Tinitigan ko siya habang nagmamaneho at ngumiti.

"I'm sure your parents will be proud of you when you become a flight attendant. And I'm also one of those people who will be proud of you." Napangiti ako nang husto sa tinuran niya. Isa 'yan sa mga gusto kong marinig mula sa ibang tao, dahil pakiramdam ko ay nasusuklian ang lahat ng pagod ko.

Shadows Of Doubt (Shadow Series #1)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon