017.Anino
Halos mabulunan ako sa pagkain ng kanin at adobo habang nandito kami sa cafeteria ng campus. Una pa lang ay ayoko nang magpahatid dito kay Gio dahil parang ginto ang presyo ng mga bilihin. Bottled water pa nga lang, thirty pesos na.
"Next time, i-chat mo ako kung wala kang sasakyan. Look at your wounds, napakarami," nasa harap ko siya ngayon at maingat na inuusisa ang bawat galaw ko.
"I don't want to disturb you," nakatitig kong sabi sa kaniya habang sumusubo ng kanin.
"You are not a nuisance to me, Chelsea. I care for you." Agad na nag-init ang mukha ko na tila umakyat ang lahat ng dugo rito.
Tinapos ko na ang pagkain ko. Agad akong inalalayan ni Gio patayo dahil humahapdi pa rin ang tuhod ko mula sa sugat na natamo ko sa pagkabagsak ko sa jeep.
"Be careful, hold my arm." I grabbed his arms gently. Hawak ko ang braso niya, dahilan para makaramdam ako ng kakaibang kuryente sa pagitan namin.
"Kaya ko naman, Gio."
"No, you can't," seryoso niyang sabi sa akin. Natahimik ako dahil sa maawtoridad niyang boses.
"We will go to the clinic to clean your wounds." Dahan-dahan kaming naglakad papuntang clinic, at halos lahat ng atensyon ng mga estudyante ay nasa amin.
Kumatok nang tatlong beses si Gio bago namin nakuha ang atensyon ng nurse sa loob.
"Hi, good morning, Nurse Karen."
"Good morning, Gio. What happened to your girlfriend?" Biglang lumikot ang mga mata ng lalaking kaharap ko ngayon at nakita ko ang pamumula ng kaniyang mga tainga.
"She's not my girlfriend," seryosong sabi niya habang hawak ang bewang ko.
"May naikwento ka sa akin, ah. You described her looks, at saktong-sakto sa kaharap ko nga—"
"Gamutin mo na siya, aalis din kami," maawtoridad niyang sabi kaya agad na itinikom ni Nurse Karen ang bibig niya. Napangiti na lamang ako sa inaasal niya.
Pinaupo ako ni Nurse Karen sa gilid ng kama at pumuwesto sa harap ko. "Your wound is dirty. Kanina pa ba ito?" Tumango ako bilang pagsang-ayon.
Bumukas ang pinto ng clinic at iniluwa nito ang isang lalaking pamilyar ang mukha—parang nakita ko na siya kung saan.
"Nurse, where's your first aid kit?" hingal na sabi ng lalaki habang hawak-hawak ang isang babae sa kaniyang bisig na tumutulo ang dugo sa binti.
"Van, nasa box sa taas, get it," ani Nurse Karen habang nililinis ang sugat ko at mukhang patapos na. "Done! Gio, linisan na lang ito araw-araw lalo na't mae-expose ito sa labas." Tumayo si Nurse Karen at iniligpit ang betadine sa gilid ko.
"Thank you, Miss Karen."
Ngayon ay nasa harapan ko na si Gio na nakatingin sa akin nang maigi. "Hindi pa tapos. I will put alcohol on your wound para luminis." Kumuha siya ng cotton buds at nilagyan ito ng alcohol.
Lumuhod siya sa harap ko habang hawak-hawak ang binti ko. Ganito pala ang view kapag... Ah, I hate my mind! Umiwas na lamang ako ng tingin sa kaniya dahil hindi ko maiwasang matulala sa mukha niya.
"Your girlfriend is gorgeous. Puwede bang akin na lang siya?" mababang tono ng boses ang narinig ko sa likod ko.
Lumingon ako sa lalaking nagngangalang Van. Nakangisi siya habang pinupunasan ang sugat ng babaeng nasa harap niya.
"Can you please shut the fuck up, Van?" Tumayo si Gio habang matalim na nakatitig sa lalaking ngayon ay nakatayo na nang maayos.
"Gio, huwag na," tatayo sana ako pero mahapdi pa rin ang sugat ko.
BINABASA MO ANG
Shadows Of Doubt (Shadow Series #1)
Storie d'AmoreSa taniman ng mga mirasol na mababango, sa karagatan ng mga luntiang mga damo, mahahanap ko ba ang tunay na pagmamahal na nanggagaling sayo o dudungisan mo lang ito ng pulang dugo? Chelsea Hillary Ferrer, she have a lot of insecurities and she th...
