019.Kislap
"Oh, ayusin niyo ang lakad niyo! Chelsea, ayusin ang tindig!" sigaw ni Chad na nagtuturo sa amin ng pasarela at sayaw para sa opening number ng pageant.
Inayos ko ang pagkakatayo ko dahil nasanay na akong maglakad na medyo kuba ang likod. Tiningnan ko ang sarili ko sa mga salamin na nakapalibot sa dance hall. Ang pangit pala tingnan kapag hindi maayos ang paglalakad, kailangan talaga ay may magandang postura.
"Okay, water break muna! Ten minutes break!" sigaw ni Chad.
Agad akong napaupo sa sahig na kinatatayuan ko. Dagli kong tinanggal ang heels ko na pagkataas-taas. Nangangawit at masakit na ang mga paa ko dahil dalawang oras na kaming nag-eensayo nang walang tigil.
"Gosh, nakakapagod! Ang sarap na lang humiga ngayon!" Sigaw ng isang kandidata habang papunta sa harapan ko, at malakas niyang sinipa ang heels ko. "Oops, sorry. Sadya," bulong niya sabay irap sa akin.
Pinigilan ko na lang ang sarili ko dahil ayoko ng gulo. Tumayo ako at tahimik na kinuha ang heels na sinipa ng babaeng ngayon ay masamang nakatitig sa akin.
"Excuse me, where's Chelsea?" narinig ko ang isang pamilyar na boses mula sa pintuan. Paglingon ko, nakita ko si Gio.
Ang bango-bango niyang tingnan sa suot niyang uniform.
"Gio? Why are you here?" Dahan-dahan akong lumapit sa pintuan para kausapin siya.
"It's your break, right? Dinalhan kita ng pagkain. I saw your note on Messenger na gusto mo ng carbonara. Here, open it." Pati 'yun ay napansin niya. Napangiti na lamang ako nang buksan ko ang lalagyan—napakaraming sauce at mushroom, nakakagutom!
"Ang sarap naman!" masaya kong sabi sa kaniya.
"Sino? 'Yung dala o 'yung nagdala?" Ngumisi siya sa akin habang maiging nakatitig sa mga mata ko.
Hinampas ko siya sa braso, at hinawakan naman niya ang bahaging iyon na para bang nasaktan ko talaga siya.
"Bwisit ka, ang arte mo!" Kinuha ko ang pagkain na dala niya.
"Chad! Pwede bang pumasok?" sigaw ni Gio kay Chad na busy rin sa pagkain.
"Sure! Enter me, Gio... Chos! Sige lang. Nakapasok ka na nga magpapaalam ka pa. Alam ko namang nililigaw—"
"Pasok na ako, ah. Kumain ka na, Chelsea," sabi ni Gio. Natawa na lamang ako dahil naiwang nakaawang ang bibig ni Chad sa pagkaputol ng sasabihin niya.
Kinain ko nang mabilis ang carbonara at ininom ang milk tea na dala niya.
"Manonood ako. We don't have class dahil may emergency si Miss Aranjo, kaya dito muna ako." Inayos ko ang aking mga pinagkainan at tumitig sa kaniya.
"Huwag na, pagtatawanan mo lang ako." Sigurado akong tatawanan ako ng lalaking ito—aasarin at iinisin lang ako. Pero kailangan kong maging mabait sa kaniya ngayon dahil dinalhan niya ako ng pagkain.
"I want to watch you, huwag mo akong pigilan." Sinimangutan ko na lang siya. Wala talaga akong takas sa lalaking ito.
"Okay! Magsisimula na tayo, isuot niyo na ang mga heels niyo!" sigaw ni Chad.
Kinuha ko ang heels ko sa sahig at umupo sa upuan sa tabi ni Gio. Nahihirapan akong ikabit ang lock ng isa dahil madulas ang mga kamay ko.
"Ang hirap," bulong ko sa sarili ko.
"Ako na." Humarap si Gio sa akin habang nakaluhod ang isang tuhod sa sahig.
Tinitigan ko siya habang abala siya sa pagpapasok ng lock sa heels ko. Sa bawat haplos ng kamay niya sa paa ko, tila may kuryenteng nanggagaling sa mga daliri niya na umaakyat patungo sa mukha ko.
BINABASA MO ANG
Shadows Of Doubt (Shadow Series #1)
RomantikSa taniman ng mga mirasol na mababango, sa karagatan ng mga luntiang mga damo, mahahanap ko ba ang tunay na pagmamahal na nanggagaling sayo o dudungisan mo lang ito ng pulang dugo? Chelsea Hillary Ferrer, she have a lot of insecurities and she th...
