Kabanata 1

195 19 0
                                        

001. Mirasol

"Chelsea!" sigaw ni Mama.

Nakatago ako ngayon sa likod ng sofa upang hindi niya mahanap. Tatlong araw na kami rito pero hindi pa rin nila ako pinapayagang lumabas ng bahay. Mababagot ako rito kung mananatili akong nakakulong sa buong taon.

Ayaw akong palabasin nina Mama at Papa. Naiinis na ako sa pagiging overprotective nila. Kesyo hindi ko daw kilala ang Nueva Ecija at baka hindi na ako makabalik sa bahay. Sabagay, may point naman sila, pero pointless kasi gusto kong lumabas. Ilang taon kaming nanirahan sa Quezon City, doon na ako isinilang hanggang sa magdalaga. Napadpad lang kami rito dahil sa bukid na ipinamana ng lolo at lola ko kay Papa. Dahil si Papa ay nag-iisang anak, sa kaniya naiwan ang lahat. Hindi ko na inabutan ang grandparents ko dahil sanggol pa lamang ako nang lisanin nila ang mundong ito.

"Chelsea! Kapag nahuli kita, malalagot ka sa akin!" sigaw ulit ni Mama.

Napapikit ako sa tinis ng boses niya. Mas lalo akong hindi magpapakita. Bakit ako lalabas kung mapapagalitan lang din naman ako?

Dahan-dahan akong naglakad-takbo patungo sa pintuan. Hinablot ko ang manipis na polo ni Papa na pangbukid na nakasabit sa likod ng pinto. Malaki ito sa akin at umabot hanggang beywang ko. Patakbo akong lumabas ng gate. Wala akong pakialam, this is exciting!

"CHELSEA!" rinig ko pang hiyaw ni Mama mula sa loob

Tumawa ako nang bahagya. Nakalabas na rin sa wakas! Tinahak ko ang daan patungo sa mga damuhang may katamtamang laki. Hindi naman sila ganoon kahaba, ngunit dumidikit ang mga ito sa binti ko kaya napapatapik-tapik ako—may mga insektong nangangagat.

Inayos ko ang mahaba kong bestida na kulay dilaw.

Nakalagpas ako sa damuhan at nakita ko ang mga itinanim naming palay na maliliit pa lamang. Napasinghap ako. Ang hangin ay sariwa, hindi katulad sa siyudad na puno ng usok ng tambutso. Dito, purong hininga ng mga puno at halaman ang malalanghap mo.

Ngayon lamang ako nakapunta sa lugar nina Lolo at Lola. Noong nag-aaral pa ako sa Quezon City, hindi ako makabisita tuwing bakasyon dahil laging abala sa trabaho ang mga agulang ko, kaya naiiwan lang ako upang magbantay ng bahay.

Sa totoo lang ay bored na bored na ako sa bahay naming sa Quezon City. Balak pa nila akong iwan doon, dahil gusto nilang doon ako mag aral ng college, pero tumanggi ako. Sawang sawa na ako sa buhay siyudad, dito naman ang gusto ko.

Nag-vibrate ang cellphone ko sa bulsa. Napahinto ako upang tingnan kung sino ang istorbo.

"Mom is calling..." Napairap ako at ibinalik ang cellphone sa bulsa. Dapat pala ay iniwan ko na lang ito sa bahay. Papatayin ko na lang mamaya.

Patuloy akong naglakad hanggang sa matanaw ko ang isang ilog. Rinig ko ang banayad na agos ng tubig. Kailangan ko itong tawirin upang makarating sa taniman ng aming mga mirasol. Hinubad ko ang aking tsinelas at hinawakan ito sa kanang kamay, habang ang kaliwa naman ay nakahawak sa laylayan ng aking bestida.

Nakita ko ang malinis na tubig sa ilog, may mga maliliit na isda na lumalangoy at mga aimango na maliliit.

Tinampisaw ko ang aking mga paa sa tubig. Iika-ika akong naglakad dahil nararamdaman ko ang mga batong dumidiin sa aking talampakan. Sa gitna ng paglalakad, biglang nadulas ang paa ko sa isang madulas na bato. Napaupo ako sa gitna ng ilog.

Napapikit ako sa hapdi. Nabasa ang laylayan ng aking bestida. Pinilit kong tumayo kahit ramdam ko ang sakit. Nang makarating ako sa dulo ng ilog, umupo muna ako at itinaas ang aking paa upang suriin ito. May malalim na hiwa ang aking talampakan at patuloy na tumutulo ang dugo.

Shadows Of Doubt (Shadow Series #1)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon