008.Pamilyar
Natapos kaming kumain nang busog na busog dahil sa sobrang sarap ng pakbet na niluto ni Gio. Agad kong inayos ang mga ginamit naming plato sa sink. Umakyat naman agad sa itaas sina Mama upang makapagpahinga dahil sa sobrang pagod sa bukid kanina.
Hinatid ko si Gio sa labas dahil aalis na siya. Nag-text na kasi ang Papa niya na kailangan siya sa bahay upang asikasuhin ang ipinagawa nilang sala.
"Mauna na ako," nakangiting sabi niya sabay kaway sa akin.
Walang bago sa araw ko. Ginawa ko lang ang mga normal kong routine—nanood, kumain, at nagbasa. Pagkabukas ko ng cellphone, nakita ko ang Facebook post ng CLSU na sa July 28 na ang simula ng klase. Nagulat ako. Wala pa akong nabibiling school supplies! It's already on July 28, really?!
Napahawak ako sa sentido dahil hindi ko inaasahan ang biglaang pag-anunsyo ng pasukan. Lumipas ang mga oras na iniisip ko kung kailangan ko na bang bumili ng bagong bag dahil sira na ang mga zipper ng gamit ko ngayon. Tiningnan ko ang sarili ko sa salamin. Handa na ba talaga ako para sa pasukan? What if ayaw sa akin ng mga estudyante roon?
Umupo ako bigla sa sobrang pag-aalala na baka wala akong maging kaibigan. I just want a friend—someone who will be with me through joy and sorrow, hindi sa kasiyahan lang.
Umakyat ako sa taas habang hawak ang cellphone, nag-iisip kung anong plano ko sa buhay. Magtatrabaho ba ako? Siguro naman papayag sina Mama basta marangal ang papasukan ko.
Pumunta ako sa veranda upang pawiin ang gulo sa isip ko. Sa sobrang daming iniisip, pakiramdam ko ay sasabog na ang utak ko. Pinagmasdan ko ang mga bituing nagniningning sa madilim na langit.
Bigla akong napalingon sa gate namin nang may mapansin akong gumagalaw. Nakita ko na naman ang lalaki kagabi! Nakasuot siya ngayon ng itim na t-shirt, guwantes, at may mask sa mukha. Nagsimula akong manginig nang muling magtagpo ang aming mga mata.
"Sino ka?! Anong pakay mo?!"
Ang mga mata niya ay parang nagbabagang bola ng apoy sa galit—matalim at nakatatakot. Kinuha ko ang cellphone ko upang tumawag ng pulis pero huli na ang lahat. Nawala na naman siya sa paningin ko.
Ganoon na naman ang nangyari sa akin. Hindi ako nakatulog sa sobrang pag-aalala na baka bigla siyang bumalik.
---
Gumising ako nang maaga para magluto ng agahan. Inihanda ko ang itlog at hotdog para sa kakainin namin. Payapa kaming kumakain nang biglang may kumatok sa pinto ng sala. Agad ko itong pinagbuksan at sumalubong sa akin ang mabangong amoy-lalaki. Si Gio, nakasuot ng white tee at white sneakers.
Napatalon ako nang bahagya sa gulat. Bigla naman akong nahiya sa suot ko na sando at pajama pantulog lang. Napansin kong bumaba ang tingin ng mga mata niya sa dibdib ko, kaya tiningnan ko siya nang masama at sinapak sa braso.
"Ganiyan ka ba tumanggap ng bisita? Wala man lang good morning?" reklamo niya sabay hawak sa nasaktang braso.
"Manyak," bulong ko, at agad bumalik sa hapag-kainan upang ituloy ang pagkain.
"Napaaga ka yata ngayon, Gio. May lakad ba kayo ni Chelsea?" pumunta si Gio sa kusina upang makipag-usap kay Papa.
"Yes po, Tito. Nakita ko po kasi sa Facebook na July 28 na ang start ng classes sa CLSU. Yayayain ko po sana si Chel sa National Book Store kung pwede po?" Pumayag naman nang walang pag-aalinlangan si Papa dahil malaki ang tiwala nila sa lalaking kasama ko ngayon sa kotse.
Mabilis ang pagpapatakbo ni Gio dahil walang trapik. Walang umiimik sa aming dalawa; nanatili ang nakabibinging katahimikan sa pagitan namin. Pinindot ko ang player sa harap ko upang magpatugtog para naman mabawasan ang awkward silence. I played "Leaves" by Ben&Ben, isa sa mga comfort songs ko.
BINABASA MO ANG
Shadows Of Doubt (Shadow Series #1)
RomanceSa taniman ng mga mirasol na mababango, sa karagatan ng mga luntiang mga damo, mahahanap ko ba ang tunay na pagmamahal na nanggagaling sayo o dudungisan mo lang ito ng pulang dugo? Chelsea Hillary Ferrer, she have a lot of insecurities and she th...
