006.Shadow
Inayos ko ang sarili ko sa salamin upang mawala ang atensyon ko kay Gio at sa babae na sobra ang pagiging clingy sa lalaki, ayan parehas pala sila ng love language, mag cuddle sila magdamag.
"Who's that girl?" bakas sa babae ang irita sa boses niya. Maarte niya akong tinignan pababa at pataas.
"She's the daughter of Mister Ferrer."
"Oh, ang may-ari ng isa mga pinakamalawak na taniman ng sunflower." Narinig ko ang masungit niyang boses, siguro naiinis siya na nakita niyang may kasamang babae sa kotse si Gio and maybe isa sa mga ka fling ni Gio.
Wala namang issue 'to, sumama lang ako dito dahil mag papa enroll ako, nilabas ko ang cellphone ko at binuksan ang Facebook upang maging updated ako sa mga nangyayari sa mga kaibigan ko.
Gianna:
Hoy babae, kamusta ka na?
Nag pop up bigla ang message ng kaibigan ko sa Quezon City na kaklase ko din.
Kione:
Hi Hillary, how are you?
Nagulat ako ng nag pop ang isa sa mga ex manliligaw ko na si Kione, ang kapal ng mukha na mag chat sa akin, pagkatapos niya akong iwan sa ere, mag cha-chat na lang bigla-bigla, nahuhulog na ako sakaniya, nililigawan niya ako at nakita ko na may ine-entertain na siyang bang babae, diba ang kapal ng mukha. Mga lalaki talaga, hindi makuntento sa lahat ng bagay.
Nakita ko ang pag beso ni Gio at ang babae, agad namang umalis ang babae na masungit akong inirapan. Aba matindi, tusukin ko kaya mata nun.
Pumasok ng kotse si Gio at agad naman akong nagkunwareng may kausap sa cellphone dahil sa ngayong oras ayokong makausap siya, naiinis ako sakaniya, i don't know the reason pero naiinis ako sakaniya.
Tinapat ko ang cellphone sa tenga ko.
"Hi ma, yes ma nandito na ako, magpapa enroll na po ako." nakita ko sa peripheral vision ko kung paano tumitig sa akin si Gio ng maigi.
Narinig ko ang mahina niyang paghagikgik sa gilid ko at agad na bumaling sakaniya gamit ang matatalim kong tingin.
"Can you please stop laughing?" Inirapan ko siya at agad na tinapat ang cellphone sa tenga ko.
"Yes ma, mag-iingat po ako." Binaba ko ang telepono ko at tumingin sa diretso.
"May kausap pero baliktad yung cellphone?" Tumawa siya ng malakas at humahampas sa nobela sa sobrang kasiyahan.
Napalubog ako sa inuupan ko dahil sa hiya, hindi ako makatingin sakaniya ng diretso at agad na nakaramdam ng hiya sa katawan.
"Are you hungry hmm?" Agad na pambabasag niya sa katahimikan.
Hindi ko pinansin ang tanong niya bagkus lumabas ako sa kotse at nagsimulang maglakad lakad upang maghanap ng makakainan.
Naramdaman ko ang lalaki na sumusunod saakin habang ako ay patuloy pa rin sa paglalakad para makakita ng lugar kung saan ang pwedeng makainan.
"Are you mad?" Malamyos na sabi niya sa akin.
Humarap ako sakaniya at tinaasan siya ng kilay.
"Huh, why would i?" Tumingin ako sa mga mata niya habang ako ay nakatingala dahil sa katangkaran niya. Inirapan ko siya, pagkatalikod ko.
Bakit ako magagalit sakaniya? Wala akong pake kung ano ang gawin niya ngayon kasama ang babae na yun, kahit maghalikan pa sila sa harap ko habang naghahawakan kung saan.
"Okay, let's eat?" Tumango ako ng mabilis, dahil nakakaramdam na ako ng gutom kanina pa, tinitiis ko lang.
***
BINABASA MO ANG
Shadows Of Doubt (Shadow Series #1)
RomanceSa taniman ng mga mirasol na mababango, sa karagatan ng mga luntiang mga damo, mahahanap ko ba ang tunay na pagmamahal na nanggagaling sayo o dudungisan mo lang ito ng pulang dugo? Chelsea Hillary Ferrer, she have a lot of insecurities and she th...
