Kabanata 25

23 1 0
                                        

025.Kolorete

Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko. Halos buong araw na parang ang isip ko ay nasa himpapawid, malayang lumilipad sa kalangitan.

"Miss Ferrer!" Halos mapatalon ako sa gulat sa lakas ng boses ng professor namin. "Kung hindi ka interesado sa pinag-uusapan natin, you may now leave!"

Napayuko ako nang mariin dahil ang lahat ng atensyon ng mga kaklase ko ay nasa akin na.

"Leave!" Muling umalingawngaw ang boses niya sa buong classroom, na siyang naging dahilan kung bakit biglang namugto ang aking mga mata.

Ayokong-ayoko ng sinisigawan ako. Lumaki ako sa isang tahanang tahimik, at miski ang mga magulang ko ay hindi ako pinagtataasan ng boses-pwera na lang kung talagang matigas ang ulo ko.

Agad kong hinablot ang aking backpack at dahan-dahang lumabas ng silid habang bitbit ang matinding hiya. Nagtungo agad ako sa cafeteria dahil gusto ko lamang ipahinga ang utak ko at maibsan ang kahihiyang nararamdaman ko sa mga oras na ito.

Pumunta ako sa counter upang umorder ng aking mga comfort food-mainit na hot chocolate at banana bread. Dagli akong umupo sa paborito kong pwesto sa likod pagkatapos kong makuha ang aking order.

Tinakpan ko ang dalawa kong tenga dahil sa ingay na nagmumula sa grupo ng mga babae sa hindi kalayuan.

"Girls, iwan niyo muna ako," narinig kong saad ng isang pamilyar na boses. Naramdaman ko ang paghinto niya sa harap ko, at agad siyang umupo sa bakanteng upuan na katapat ko.

"Hiiiii!" Mahabang bati niya habang ikinakaway ang dalawa niyang kamay sa hangin upang kunin ang aking atensyon.

"Hello?" Wala sa mood ko na sabi sa kaniya.

Kumurap-kurap siya sa harapan ko na animo'y nagpapacute. Sa ganda niya, baka biglang umiral ang kabadingan ko rito at mahalikan ko siya.

"Do you know me?" Tanong niya sa akin habang inaanalisa ko ang kabuuan ng kaniyang mukha.

Malamang kilala ko siya. Siya ang pahamak na babae na tinulak ako sa audition room.

"Ikaw 'yung babaeng umiiyak sa women's comfort room na natapunan ng hot chocolate, 'tapos ikaw 'yung kine-kwestyon 'yung mukha mo na sabi mo hindi magan-" Tuloy-tulot niyang sabi sa akin.

Agad akong sumenyas sa kaniya na huminto sa pagsasalita dahil masyado siyang madaldal.

"I'm Psyche, your number one fan!" Maligalig niyang sabi, sabay abot ng kaniyang kamay sa ere, senyas na makikipagkamay siya.

Anong fan? Mukha ba akong sikat.

Tumawa ako ng peke sa inaasar niya. Nababaliw na yata siya, pang FAMAS acting siya ngayon.

Ayoko namang maging bastos dahil may naitulong naman siya sa akin noon, sinabi niya sa aking maganda ako, kaso nga lang ay kulang daw sa alaga ang mukha ko.

"Nice to meet you again, Psyche." Kumislap ang kaniyang mga mata, tila tuwang-tuwa na nakita niya ako ulit.

Napangiti na rin ako sa paraan ng pagtingin niya sa akin.

"Ang galing mo sa talent performance mo," pambabasag niya sa katahimikan na kanina ko pa iniisip kung paano sisimulan. Hindi ko kasi alam kung paano mag-umpisa ng pag-uusap. Awkward ako kapag one on one.

"Salamat. Hindi lang naman ako 'yung nag-perform doon, si Gio talaga ang may ideya niyon," sabi ko habang humihigop ng hot chocolate.

"Ginawa niya rin 'yun noon with her ex-girlfriend." Napatigil ako sa pag-sipsip sa iniinom ko.

Shadows Of Doubt (Shadow Series #1)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon