Kabanata 12

27 2 0
                                        

012.Quiet

Tanging mga luha at hikbi ang namumutawi sa paligid ng Comfort Room. Nasa tapat ako ngayon ng malaking salamin habang tinititigan ko ang sarili ko.

Hindi kalakihang mata, labi na kulay rosas, ilong na hindi masyadong katangusan, at ang balat na kulay kayumanggi. Dinampi ko ang palad ko sa aking mukha, kasabay naman nito ang pag-agos ng luha ko.

"Pangit ba ako?" bulong ko sa sarili ko habang pinapadaanan ng daliri ko ang pisngi ko.

"Hmm, let's be honest here," napalundag ako sa boses na nasa likuran ko ngayon.

Nagulat na lamang ako sa biglaang pagsulpot ng babaeng chinita na maganda ang mga koloroteng naipahid sa mukha niya.

"K-kanina ka pa riyan?" Nakatitig ako ngayon sa salamin habang nakatingin sa babaeng nakasabay ko dati sa pag-apply ng trabaho noon.

Hindi pa rin nagbabago ang itsura niya—maganda at makinis pa rin siya.

"You are beautiful, girl!" Nagulat ako sa sobrang taas ng energy niya.

Napangiti ako ng mapait. Siya kasi ang dahilan kung bakit ang baba ng tingin ko sa sarili ko.

"Pero kulang ka lang sa suklay." Napangiwi na lamang ako sa tinuran niya sa akin.

Hinaplos ko ang hindi kahabaan kong buhok habang nakatingin sa babaeng nasa likod ko.

"By the way, my name is Psyche." Inabot niya ang kamay niya sa akin, tanda na makikipagkamay siya.

Nanatili sa ere ang kamay niya na nag-aabang na abutin ko ito.

Tumingin ako sa mga mata niya—kumikislap ito. Halata sa kilos na excited siya.

Nagdalawang-isip ako na abutin ito dahil hindi maganda ang una naming interaksyon. Masungit at ambisyosa kasi ang first impression ko sa kaniya; tinawanan pa niya ako noon.

"I'm Chelsea." Nakipagkamay ako sa kaniya nang dahan-dahan.

"I know your name! Usap-usapan ka sa Engineering building, ang ganda mo raw kasi. Alam mo na, mga seniors, target lock ang mga freshman. Kaya mag-ingat ka, ah." Tinapik niya ako nang malakas sa braso ko at pilit na tumawa habang hinahaplos ang pinalo niya. Medyo masakit, ha!

"Oh, sorry Chelsea, I need to go! See you when I see ya, bye." Maarte siyang naglakad palabas bitbit ang Chanel niyang bag.

Humarap ulit ako sa salamin, bumuntong-hininga na lamang, at agad na pinunasan ng panyo ang namantsahan kong damit.

"Hindi na matatanggal 'to. Malelate na ako sa susunod na klase ko," tugon ko sa sarili ko. Nagmamadali akong lumabas ng CR nang biglang nauntog ako sa matigas na katawan ng lalaki na nasa harap ko.

Napaatras na lamang ako habang papalapit sa akin ang lalaki.

"Hoy, bakit nasa CR ka ng baba—"

"Wear this." Narinig ko ang pamilyar na mahabang boses. Inabot niya sa akin ang puting damit na may nakaburdang apelyido niya.

Tinitigan ko ang apelyido na nasa damit na ibibigay niya sa akin.

"Blanco 28," pagbabasa ko sa isip ko. Teka, bakit jersey niya? Baka isipin ng tao, nililigawan niya ako.

Tila nabasa niya ang nasa isip ko dahil sa pagpalit-palit ko ng tingin sa kaniya at sa jersey na kulay black and white.

"Hmmm, sorry, ito lang ang dala kong damit." Nakatitig na ako ngayon sa lalaki na pawis ang noo at basang-basa ang buhok, na tiyak ko na galing sa kanilang practice sa basketball.

Shadows Of Doubt (Shadow Series #1)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon