Kabanata 21

16 2 0
                                        

021.Gusto


Maayos na ang pakiramdam ko dahil sa pag-aalaga ng mga taong espesyal sa buhay ko. Safe to say, bumabalik na ang lakas ko pagkatapos ng nangyari kagabi.

"You have a class, Gio. Nandito naman sina Mama at Papa para alalayan ako sa pag-uwi," sabi ko sa kaniya habang inaayos ko ang sarili ko sa gilid ng kama. Nandito kasi siya ngayon sa tabi ko, mapilit at todo bantay, dahil daw gusto niya akong samahan hanggang sa makauwi kami sa bahay.

"No, gusto kitang ihatid. Please, let me. Wala ako noong nagkaganyan ka, kaya hayaan mo na akong bumawi ngayon," seryoso niyang sagot habang nakatingin nang diretso sa mga mata ko.

Napabuntong-hininga na lamang ako dahil alam kong wala naman akong magagawa sa kakulitan ng lalaking ito kapag nagmatigas.

Sakto namang bumukas ang pinto at iniluwal noon ang aking doktor.

"Good morning! Pwede niyo na siyang i-discharge ngayon. Pero iha, mag-ingat lagi, ah? Always drink your medicine on time," nakangiting bilin sa akin ng lalaking doktor na may edad na, habang chine-check ang huling record sa chart ko.

Tumango na lamang ako bilang pagsang-ayon at nagpasalamat. "Opo, Doc. Salamat po."

Pagkasara na pagkasara ng pinto, hinarap agad ako ni Gio. "You heard that, huh? Bawal magpagod." Matalim ang ipinukol niyang tingin sa akin, na parang bawat galaw ko mula ngayon ay papanoorin na niya.

Natawa ako nang bahagya at binuwisit siya. "Pinagod mo kasi ako."

Nanlaki ang mga mata ni Gio at napatayo bigla upang takpan ang bibig ko gamit ang palad niya. "Shh! Watch your words! Baka kung ano ang isipin nina Tita!" mahina pero tila nagpapanic niyang sabi, habang patingin-tingin sa direksyon nina Mama.

Doon ko nakita ang mabilis na pamumula ng mga tainga at mukha niya. Grabe, tawang-tawa na naman ako sa reaksyon niya. Ang dali niyang mamula.

Inayos na ni Mama ang huling bag ng mga gamit ko dahil opisyal na nga kaming pinalalabas ng ospital. Masaya ako dahil sa wakas, makakaalis na ako sa aming silid na amoy gamot. Nakakahilo ang amoy sa umpisa, pero masasanay ka na rin.

Halos maging pangalawang tahanan mo na ang hospital ngayong buwan. Quota na ako sa ganito. Kaya pinapangako ko na hindi na ako babalik dito.

"Come here, humawak ka sa braso ko," pag-anyaya ni Gio nang matapos kaming mag-ayos.

Tumayo ako nang dahan-dahan, medyo nangangapa pa sa balanse, at pinulupot ang kamay ko sa matigas niyang braso. Nakasunod sa amin sina Mama at Papa sa likod habang dala-dala ang mga bag at gamit na ginamit namin sa loob ng ospital.

"Be careful," bulong ng lalaki sa akin habang nakatitig sa bawat hakbang na ginagawa ko pababa ng hallway.

Nang makalabas kami sa lobby, nasa tapat na kami ng kotse ni Gio. "Tita, sumabay na po kayo sa akin. Mukhang matagal pa po ang sasakyan niyo," alok niya kina Mama nang mapansin niyang nag-aabang pa sila ng masasakyan.

"Ay nako, hijo, huwag na. Nakakahiya! Pumunta ka na nga rito para alagaan ang anak ko, tapos ihahatid mo pa kami," napahampas si Mama sa hangin, na tila nahihiya talaga sa sobrang kabaitan at pag-alok ni Gio.

"Ayos lang po, Tita. Tara na po—"

Hindi na natapos ni Gio ang sasabihin niya dahil biglang dumating ang isang pamilyar na van. Sa tingin ko ay pagmamay-ari ito ng tito ko, ang kapatid ni Papa.

Peep!

Bumusina sa harap nina Mama ang van na sasakyan ni Tito Rap. Dahan-dahang bumaba ang windshield sa driver's seat.

Shadows Of Doubt (Shadow Series #1)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon