013.Suffer
Isang nakakasilaw na paligid at tanging puti ang naaaninag ko. Napapikit na lamang ako sa sobrang sakit sa mata ng liwanag—liwanag na nanggagaling sa kuwartong ito.
"My baby, you're awake!" Napabalikwas na lamang ako sa narinig ko. Nakita ko si Mama na papunta sa akin habang tumutulo ang mga luha sa kaniyang mga mata.
"Honey! Gising na ang anak mo!" sigaw ni Mama sa ward. Imbes na si Papa ang iniluwa ng pinto, sumalubong sa akin ang matang nag-aalala ng isang lalaki.
"Chelsea? Are you okay?" mahinahon niyang sabi habang hinahaplos ang aking pisngi.
"Uh-Uh, I'm okay." Ewan ko ba kung bakit umiikot ang tiyan ko—dahil ba sa nararamdaman ko, o dahil sa dagitab na nararamdaman ko na nanggagaling sa kaniyang mga palad.
"I'm sorry, hindi sana kita hinayaang umuwi mag-isa. It's all my faul—"
"No, it's not your fault." Tumingin ako sa mga mata niya na tanging pag-aalala ang laman.
Sinigurado ko sa kaniya na wala siyang kasalanan sa nangyari para mawala ang bigat na nararamdaman niya.
Days turned into nights, and Gio spent sleepless hours by my side. Bawat galaw ko ay agad siyang nagigising at tinititigan ako nang may pag-aalala.
Tinatawanan ko na nga siya sa sobrang overacting niya.
"Gio, naiihi ako." Hinaplos ko ang kamay niya sa ibabaw ng hospital bed ko. Antok na antok naman siyang bumangon at inalalayan ako.
Nahihilo pa rin ako. Masakit pa rin ang kaliwang bahagi ng ulo ko dahil sa pagkabagsak ko sa sahig. Sabi ng doktor ay kailangan ko lang magpahinga at uminom ng gamot.
Binuksan niya ang pinto at ang ilaw. Nagulat ako dahil pumasok din siya sa CR kung saan iihi ako.
"Hoy, umalis ka na. Iihi na ako." Tinulak ko siya nang mahina, at sa sobrang lakas ng huling tulak ko ay muntik na akong matumba.
"Oh see, paano kita iiwan dito kung natutumba ka? Go and pee, nandito ako sa harap mo." Masama akong nakatingin sa kaniya.
"Nahihiya nga ako, maririnig mo ihi ko," sabi ko na kinairap niya.
"Stop being pabebe. Do it now. Strip and pee."
"Ayoko."
"Iihi ka, or I will strip you now." Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya.
Nakita ko naman ang ngisi niya na nakakaasar.
"Alam mo, kulang na lang hawakan mo 'yung ano ko para makaihi ako. Ang OA mo!" Hinampas ko siya sa dibdib niya.
"Kung puwede lang hawakan para hindi ka na mahirapan." He looked at me with sleepy eyes, gamit ang mababa niyang boses. Parang maiihi ako sa tiles, ah.
Tinulak ko na siya palabas at hinayaan naman niya ako.
"Call me if you need something!" sigaw niya sa labas.
"Umalis ka na rito! Bwisit ka!" Narinig ko naman ang mahina niyang tawa.
Umupo na ako sa toilet at nagsimulang umihi. Ihi ba ito dahil sa dami ng tubig na nainom ko, o ihi dahil sa kilig?
Kinapa ko ang pisngi ko. Ang init, namumula yata ako.
Lumabas ako ng CR habang inaalalayan ako ni Gio. Mabilis akong humiga sa kama at tumitig sa wall clock. Ala una pa lang—kalaliman ng gabi. Parang iniisip ko ngayon na sobrang lalim.
Hanggang ngayon kasi ay iniisip at nagtataka ako kung bakit ganoon na lamang ang tinuran ng lalaking bigla na lang akong hinugot sa dilim.
Hindi ko sinabi sa doktor, sa pamilya ko, at kay Gio ang tunay na dahalan kung bakit natumba ako. Ang sabi ko na lang ay nahilo ako at natumba.
BINABASA MO ANG
Shadows Of Doubt (Shadow Series #1)
Storie d'AmoreSa taniman ng mga mirasol na mababango, sa karagatan ng mga luntiang mga damo, mahahanap ko ba ang tunay na pagmamahal na nanggagaling sayo o dudungisan mo lang ito ng pulang dugo? Chelsea Hillary Ferrer, she have a lot of insecurities and she th...
