014.Beautiful
Hindi ko alam kung anong posisyon ang gagawin ko sa pagtulog ko, dahil kahit anong gawin ko ay ayaw ng diwa ko na matulog—tila nag-aalangan sa kaligtasan ko.
Alas tres na ng madaling araw pero heto ako, dilat na dilat pa ang mga mata habang iniisip ang mga mangyayari ngayong araw na ito.
Nakakapagod, nakakaubos ng enerhiya. Natatakot ako sa seguridad ko dahil sa nangyari kagabi. Hindi ko maiwasang isiping may banta sa bawat pagkilos ko.
Pero wala akong choice. Nakatulog ako ng ilang oras, pero nagising din ako ng alas singko. Para lang akong pumikit.
"Oh my gosh, girls! Look, may pageant!" Naglalakad ako sa corridor ngayon. Agad na sumalubong sa akin ang bali-balitang may pageant para sa school.
Nagpatuloy ako sa paglalakad at hinayaan na lamang ang mga estudyante dahil wala naman akong interes na sumali riyan.
Natanaw ko ang silid-aralan naming maraming nakapilang mga kababaihan.
"Anong meron?" tanong ko sa sarili ko.
Naglakad ako nang mabilis upang tingnan ang nangyayari. Dagli akong pumasok sa room at nakita ko ang tatlong may katamtamang edad na nakaupo sa harap.
Nagdulot ng ingay ang pagpasok ko kaya nakuha ko ang atensyon ng lahat.
"Next auditionee!" sigaw ng isang bakla na nag-oorganize.
"Ay girl, ikaw na ba? Punta na sa harap!" Umiling ako nang paulit-ulit. Hindi ako mapakaling tumitingin sa lahat ng tao sa harapan ko.
"Opo, siya 'yung isa diyan!" sigaw ng nasa likod ko at nakita ko si Psyche.
What the—bakit niya ginawa 'yun? Hindi naman kami close at hindi ako pumayag na makipagkaibigan sa kaniya.
"Go, girl!" sigaw ni Psyche habang hila-hila ako ng bakla.
Narinig ko ang mga bulungan at panlalait sa akin. Tanging ingay at gulo lang ang naririnig ko—para akong nabibingi sa naririnig ko.
"What's your name?" Nabalik ako sa reyalidad sa narinig ko. Bumubuka ang bibig ko pero walang lumalabas na salita at tunog, dahil siguro sa kahihiyan at kahinaan ng loob.
"Miss, are you okay? I'm asking you, what's your name?" Napatingin ako sa lalaking may hawak ng mikropono.
Inirapan ako ng lalaking nasa harap ko.
"I'm Chelsea Hillary Fe-ferrer." Nanginginig ang bawat parte ng katawan ko dahil sa kabang nararamdaman ko.
"This is your question: laganap ang nakakaranas ng body shaming sa mundo, ano ang iyong nararapat na gawin?" Nabingi ako sa narinig ko at nagproseso sa utak ko ang tanong.
Bakit biglaan ang tanong? Nakakabinging katahimikan ang nabalot sa silid. Pinilit kong magsalita para hindi ako mapahiya nang masyado.
"Body shaming is everywhere, and it's heartbreaking because it really breaks a person's self-esteem. Ku-kung ako ang tatanungin kung ano ang dapat nating gawin, it always starts with how we treat ourselves. We have to learn to embrace our own flaws and love our bodies, because our worth is never defined by society's standards or by someone else's opinion." I smiled. Nakita ko ang bawat kinang sa mga mata ng tao na nasa paligid ko.
"At the end of the day, real beauty isn't about the perfect size or the perfect shape. It's about how you carry yourself with kindness, confidence, and respect for others. Let's choose to lift each other up instead of tearing each other down. Thank you." Nabunutan ako ng tinik sa leeg ko dahil nasabi ko ang sagot kong hindi nauutal. Nakita ko ang pagngiti ng mga tao sa harap ko at hindi ko maiwasang mapangiti sa mga nakita ko.
BINABASA MO ANG
Shadows Of Doubt (Shadow Series #1)
RomanceSa taniman ng mga mirasol na mababango, sa karagatan ng mga luntiang mga damo, mahahanap ko ba ang tunay na pagmamahal na nanggagaling sayo o dudungisan mo lang ito ng pulang dugo? Chelsea Hillary Ferrer, she have a lot of insecurities and she th...
