002. Phone Call
Inayos ko ang pagkakatali ng sugat sa aking talampakan habang nakaupo sa gilid ng kalsada. Nagbabakasali akong may magsakay sa akin, ngunit bigo ako. Madilim na at ramdam ko na ang kagat ng mga lamok sa aking balat.
Napasandal ako sa isang malaking puno at hindi ko na napigilang mapaluha. "Arg, kasalanan ko rin 'to. Bakit ba ako umiiyak?" napatigil ako sa pagsasalita nang biglang may kumaluskos sa likuran ko. Dinaga ng kaba ang dibdib ko.
I hate this feeling. Parang may nakatingin sa akin. Parang may tao sa likod ko.
Dahan-dahan kong kinuha ang isang batong may katamtamang laki sa tabi ko at niyakap ito nang mahigpit.
"Isa," bulong ko habang mabilis ang paghinga.
"Dalawa," handa na akong pukpukin kung sino man ang nasa likod ko.
"Tatlo!" Mabilis kong pinihit ang katawan ko para umatake, ngunit ang nakita ko ay isang...
Pusa.
"Meow."
Bwisit na pusa! Muntik na akong himatayin sa kaba. I sighed. Wala na akong pag-asa; mukhang dito na ako magpapalipas ng gabi. Kinuha ko ang cellphone ko ngunit wala ring signal. Kainis. Tiyak na sermon ang aabutin ko kay Mama, at nakikita ko na rin ang galit na reaksyon ni Papa sa aking imahinasyon.
Dahil sa pagod, sumandal ako muli sa puno at hindi ko namalayang nakatulog na pala ako. Naramdaman ko na parang nakalutang ako.
Kinapa ko ang nasa paligid ko. Naramdaman ko ang malaking katawan na nagbubuhat sa akin.Natatakot ako na dumilat ng mata kasi, baka kapre ito. Idadala niya ako sa tirahan niya para pakasalan. Paano 'yun, magiging reyna na ako pero sa mga kapre. Ang pangit naman.
Nagising ako sa ingay ng paligid. Laking gulat ko nang matagpuan ang sarili sa loob ng isang Chevy Silverado.
"Ay kapre! Nasaan ako? At sino ka?!" Inaninag ko ang mukha ng driver at agad ko siyang namukhaan.
"Walang-hiya ka! Iniwan mo ako mag-isa sa gubat tapos babalik-balik ka? Wala kang puso! Paano kung kinain ako ng aswang doon? Sayang naman ang lahi ko!" Pinaghahampas ko siya sa braso sa sobrang inis.
"Can you stop? Nagmamaneho ako. At saka, hindi ka kakainin ng aswang-hindi ka masarap," sabi niya habang nakatingin nang diretso sa kalsada.
"How dare you! 'Di mo sure!" Inirapan ko siya, dahilan para mapatawa siya nang mahina.
God, he's so sexy.
"Can I taste you? Para ma-sure ko," hirit niya. Nanlaki ang mata ko. Aba, ang lalaking ito, walang preno ang bibig!
"Manyak! Pervert!" Tumawa siya nang malakas.
Hindi ko namalayang malapit na pala kami sa tapat ng bahay. Agad kong naaninag sina Mama at Papa na naghihintay.
"We're here," he said in his deep baritone voice.
Agad gumuhit ang galit sa mukha ni Dad nang makita akong bumaba mula sa sasakyan. "My God, hija! Saan ka nanggaling?" panimula ni Mama. Inalalayan ako ni Dad, bakas ang pag-aalala sa kanilang mga mukha.
Bumaba rin ang lalaking naghatid sa akin at humarap sa kanila. "Nakita ko po ang anak niyo sa taniman niyo ng mirasol. May sugat ang paa niya kaya inaya ko siyang umuwi, ngunit nagmamatigas siya," mahabang paliwanag niya.
Masama ko siyang tinignan. Sinungaling! Gusto ko namang sumama sa kaniya kanina pero hindi niya ako pinansin at iniwan lang niya ako!
"Salamat sa pag-aalaga sa anak ko, Gio," sinserong tugon ni Dad. So, Gio pala ang pangalan niya. What an ugly name.
"Mauna na po ako, baka hinahanap na rin po ako sa bahay." Tumango si Papa. Pinanood ko si Gio habang sumasakay sa kaniyang pulang sasakyan. Nagtama ang paningin namin at ngumiti siya.
Biglang naghuramentado ang puso ko. Umiwas ako ng tingin habang pinapakinggan ang pag-andar ng sasakyan niya palayo. What the hell is that, Chelsea? Bakit ganoon ang epekto sa iyo ng lalaking iyon? Stop it.
Bigla akong hinablot ni Dad sa kamay at kinaladkad patungo sa sala.
"Dad, nasasaktan ako!"
"Hindi lang 'yan ang aabutin mo sa akin!" Bahagyang tumaas ang boses niya, dahilan para mamugto ang mata ko. Nasasaktan ako kapag may sumisigaw sa akin.
"What the hell were you thinking, Chelsea? Hindi mo pa kabisado ang lugar na ito at umalis ka nang hindi nagpapaalam?!" sigaw ni Dad habang nakaupo ako sa sofa at nakayuko.
"Huwag mong sigawan ang anak mo," pag-aamo ni Mama habang hinahaplos ang likod ko. Dahil doon, lalong bumuhos ang luha ko.
"Isa ka rin, kunsintidor ka! Kaya tumitigas ang ulo ng anak mo!" Dinuro niya ako.
"Gusto ko lang namang mag-enjoy at mamasyal! Feeling ko kasi kapag nasa loob lang ako ng bahay, nasasakal ako dahil napakahigpit niyo. I'm already 18, Dad! Alam ko na ang ginagawa ko!" mahina kong tugon sa gitna ng pag-iyak.
"Kung wala si Gio, nandoon ka pa rin sa kagubatan at baka nilamon ka na ng mga ligaw na hayop! Nag-iisip ka ba? At sumasagot ka na? Kinakaya mo na ako!" Sigaw ni Papa bago padabog na isinara ang pinto ng kanilang silid.
Kapag nagpapaliwanag ka, bastos ka agad. Iyon ang toxic na mindset ng ilang matatanda. Wala tayong chance na ipaliwanag ang side natin dahil sa paningin nila, kawalan iyon ng galang.
"Titila din ang galit ng papa mo. Magpahinga ka na muna at ayusin ang sarili mo, anak." Hinalikan ako ni Mama sa ulo bago niya sinundan si Papa.
Umakyat ako sa aking silid at umiyak nang husto. This is all my fault. Kung nagpaalam lang sana ako, hindi sana nauwi sa ganito. Pagkatapos kong kumalma, nagtungo ako sa banyo. Humarap ako sa salamin at nakita ang namumulang mga mata at magulong buhok. Naghilamos ako ng maligamgam na tubig at nagsepilyo.
"Chelsea, anak?" tawag ni Mama mula sa labas.
"Yes, Mom?"
"Ipinaghanda kita ng dinner, iniwan ko na rito sa mini table mo." Napangiti ako. Kanina pa nga kumakalam ang sikmura ko.
"Salamat, Ma." Inayos ko na ang sarili ko. Sinilip ko muna kung nandoon pa si mama, at wala na nga siya. Ayoko munang pag-usapan ang nangyari kanina, dahil baka umiyak lang ako, kahit ako ang may kasalanan.
Habang kumakain, biglang may nag-pop up sa cellphone ko.
Gio Xantiel Blanco sent you a friend request.
I accepted it immediately. Pero paano? Paano niya nalaman ang pangalan ko gayong hindi ko naman binanggit sa kaniya? Maya-maya pa, biglang tumunog ang telepono ko. Unknown number.
"Nakakaistor-"
"Hi Chelsea, how's your wound?"
Nagtaasan ang balahibo ko sa kaniyang boses. Malalim, maawtoridad, at tila nakakakiliti sa tenga.
Teka, paano niya nalaman phone number ko.
"Chelsea, are you there?"
Binuka ko ang bibig ko pero walang salitang lumalabas. Bakit ganito ang nararamdaman ko? Kumakalabog ang dibdib ko na tila gustong kumawala. Kaba ba ito o kilig?
I hate this feeling...
BINABASA MO ANG
Shadows Of Doubt (Shadow Series #1)
RomanceSa taniman ng mga mirasol na mababango, sa karagatan ng mga luntiang mga damo, mahahanap ko ba ang tunay na pagmamahal na nanggagaling sayo o dudungisan mo lang ito ng pulang dugo? Chelsea Hillary Ferrer, she have a lot of insecurities and she th...
