Navy Blue
Bumaba ako sa kotse na ngayon ay sira na matapos biglang huminto sa gilid ng kalsada. Nilibot ko ang paningin ko, at nandito kami sa gitna ng bukid.
"Ano'ng nangyari?" tanong ko sa lalaki na ngayon ay busy na nakatingin sa ilalim ng kotse niya.
"Umusok na lang bigla," sabi niya sabay hilamos sa mukha sa inis at napabuntong-hininga na lang. Ramdam ko ang inis niya, kaya nahawa ako sa mood niya.
"Wait, tatawagan ko si Papa," kinuha ko ang cellphone ko sa bulsa ko at agad na pumunta sa contacts para tawagan si Papa.
"Pumasok ka sa loob," seryosong utos sa akin ni Gio. Sumunod naman ako agad dahil marami nang kumakagat na lamok sa binti ko na ngayon ay kinakamot ko na.
"Pa, thank you for answering!" narinig ko ang inaantok na boses ni Papa sa kabilang linya. Nagising ko yata siya.
"Pa, nasiraan kami dito sa Arimal, hmm, malapit sa tulay," mahinahon kong sabi habang nakatingin sa side view mirror.
"Kaya pala wala pa kayo. Hindi kami nag-aalala ni Mama mom kasi kasama mo naman si Gio. Pero ngayon nag-aalala na kami. Hintayin niyo ako diyan, papunta na anak," narinig ko ang pagmamadali ni Papa na lumabas ng bahay. Agad ko namang ibinaba ang tawag dahil alam kong sa loob ng ilang minuto ay nandito na siya.
Napabuntong-hininga ako at nabunutan ng tinik sa dibdib dahil ayaw na ayaw ko ang aura ng paligid namin ngayon—masyadong nakakatakot. Pero nangingibabaw pa rin ang bigat ng mata ko, napagod ako sa maghapon, mas lalo akong napagod dahil sa problema ngayon.
"Gio, calm down, papunta na si Pap—" Nasilip ko sa side mirror ng kotse na may nakatayong lalaki na naka-hoodie jacket sa mismong likod ni Gio.
Tumindig ang balahibo ko dahil ito na naman ang lalaking laging nagpapakita sa akin, ang lalaking nanggagambala sa akin gabi-gabi!
"Chelsea, gising!" Napadilat ako bigla at habol-habol ang hininga nang magising.
"Are you okay?" nakita ko si Gio na ngayon ay nagmamaneho na ng kotse niya.
"Yes, I'm okay," napalunok ako at taas-kilay ko siyang tinignan.
Napansin naman niya ang mabilis kong reaksyon kaya alam niya na kung ano ang iniisip ko.
"Nananaginip kay yata, stay awake, malapit na tayo." Tinignan niya ako ng mabils habang nakangiti, at agad naman niyang binalik ang tingin niya sa daan.
"Salamat kay Tito, pinaayos niya itong kotse ko pero babayaran ko rin siya. I will work 24 hours para mabayaran ko 'to," tumama ang paningin niya sa akin, na iniwasan ko naman agad dahil alam kong hindi ko kakayanin ang titig niya.
"You don't need to do that," sabi ko. Hindi naman talaga niya kailangang gawin 'yun dahil alam kong bukal sa loob ni Papa ang tumulong kay Gio, malaki rin kasi ang pasasalamat namin sa Papa niya noon.
"Kanina akala ko kinuha ka na ng aswang sa dilim, ang tahimik mo kasi kanina. Nagmamadali akong tinignan ka sa loob, but I saw you na nakanganga na natutulog," agad niyang ipinakita ang picture ko sa cellphone niya.
What the fuck, ang pangit ko!
"Gago ka! Kinukuhanan mo ako ng picture nang walang paalam sa akin, privacy act 'yan!" Sigaw ko sa kaniya habang tumitingin siya sa akin nang nakakaasar.
"May nag-istolen pic ba na nagpapaalam?" tumawa siya nang nakakaasar kaya pinagsasapak ko ang braso niya.
Nakarating kami sa bahay namin nang alas-otso na ng gabi. Hindi na nakapagpaalam si Gio kina Papa at Mama dahil gabi na rin at hinahanap na siya ng Papa niya.
Isasara ko na sana ang gate, Aaad namang bumusina si Papa sa tapat, halos mahina akong napatalon sa gulat.
"Pa, nakalimutan ko, hehe. Ikaw pala 'yung nagpagawa ng kotse ni Gio," napakamot na lang ako sa ulo dahil isinasara ko ang gate namin kahit wala pa si Papa.
"Naku anak, uminom ka na ng MX3, mukhang ulyanin ka na," sigaw ni Papa mula sa bintana ng kotse niyang kulay puti.
"Papa naman!" napahagikgik na lang ako sa biruan namin.
"Thank you nga pala, Pa. Nasiraan kasi kami kanina," bumaba ng kotse si Papa na ngayon ay nakangiti sa akin.
Kaya siguro nahulog si Mama kay Papa dahil sa mga ngiti niya. Kapag ngumingiti kasi si Papa ay sumasama ang kaniyang mga mata na tila ba nagiging singkit. May kahawig siyang artista, 'yun ay si Ian Veneracion na singkit version.
Inakbayan ako ni Papa habang papasok kami sa pinto ng bahay.
"Walang anuman, anak. Para sa inyo naman 'yan ng boyfriend mo," tumingin ako nang masama kay Papa.
"Papa, hindi ko boyfriend si Gio, he's a good friend," agad kong paliwanag kay Papa na ngayon ay nakaupo na sa sofa.
"Why not? Pogi si Gio, matalino, at mabait. Bagay kayo," napakamot na lang ulit ako sa ulo ko.
"Ano na naman 'yang biruan ninyong mag-ama? Aba, baby princess ko pa 'yan, hindi pa 'yan magjo-jowa," dahan-dahang lumapit sa akin si Mama na ngayon ay nakayakap na sa akin.
"Aba'y Honey, damulag na 'yan. Nineteen na 'yan, tumatanda na," napasimangot ako sa pang-aasar sa akin ni Papa.
Mahigpit kong niyakap si Mama. Wala pa ring makakatalo sa yakap, kapag pagod ka.
"By the way, anak, kailan mo ako bibigyan ng apo?" bulong ni Mama sa akin.
"Mama naman!" kumalas ako agad sa pagkakayakap ko kay Mama na ngayon ay sabay na silang tumatawa ni Papa. Tuwang-tuwa talaga sila kapag naaasar ako.
••••••
Mga huni ng ibon at simoy ng hangin ang bumungad sa pandinig ko paggising. Agad kong tinignan ang orasan sa gilid ko.
6:36 AM.
Napabalikwas ako sa higaan ko, at biglang may dumagan sa aking mabalahibo at malaki.
Isang malaking aso!
"Maaaaaaa, may halimaw!" Ramdam ko ang malambot na dila na dumadampi sa mukha ko.
Itinulak ko ang nasa harapan ko at doon ko nakita ang isang malaking asong Golden Retriever.
"Arf! Arf!"
"Psh, nandito ka lang pala, Cocoa," pawis na pawis na sabi ng lalaking biglang lumitaw sa harapan ko ngayon.
Si Gio.
Halatang hingal na hingal siya dahil sa paghahanap sa aso niya.
"Pwede ba, itali mo 'yang aso mo!" Sabi ko habang pinupunasan ang basa kong mukha dahil sa laway ng aso kanina.
"Oh, sorry for that. Nilalambing ka lang ng aso ko," isinandig niya ang kamay niya sa doorknob ng pinto ko habang hawak ang tali ng aso sa kabilang kamay niya.
"Pwede bang umalis ka na? This is my bedroom, trespassing ang ginagawa mo," bumaba ako sa kama at tinulak siya nang tinulak, pero bigo ako. Masyado siyang mabigat para maitulak ko.
"Arg, nakakainis ka!" Tumawa lang siya nang mahina at itinulak ako pabalik sa kama ko.
"Ayan, naiinis ka na ba lalo? O gusto mo pang mas inisin kita?" Napaupo ako sa gilid ng kama ko. Dahan-dahan niyang itunukod ang dalawang kamay niya sa magkabilang gilid ko, kaya naipit ako sa gitna.
Napalunok ako nang malalim sa ginawa niya.
"My favorite color now is navy blue," nakita ko na gumalaw ang mga mata niya pababa sa dibdib ko, at doon ko na-realize ang kulay ng bra ko.
It was navy blue....
"You perver—"
"Shhh," tinakpan niya ng hintuturo niya ang bibig ko kaya napatigil ako sa pagsasalita.
Tanging mabigat na paghinga ko lang ang naririnig sa aming dalawa. Hindi niya alam na sa bawat pagkilos niya ngayon, unti-unti na akong nahuhulog sa kaniya.
"Maghanda ka na, we're late. Maghihintay ako sa labas," mahinahon niyang bulong sa tenga ko na naging sanhi ng paninindig ng balahibo ko.
Nakita ko ang pag-alis niya kasama ng aso niyang si Cocoa.
What the fuck, just happened....
BINABASA MO ANG
Shadows Of Doubt (Shadow Series #1)
RomanceSa taniman ng mga mirasol na mababango, sa karagatan ng mga luntiang mga damo, mahahanap ko ba ang tunay na pagmamahal na nanggagaling sayo o dudungisan mo lang ito ng pulang dugo? Chelsea Hillary Ferrer, she have a lot of insecurities and she th...
