011.Skin
Natulala na lamang ako ng ilang segundo sa ginawa niya. Naisip ko na imbes na mainis ako sa kaniya, tila ang tiyan ko naman ay parang isang zoo na nakawala ang mga hayop sa sobrang kaba at kilig.
Dinala ko ang sarili ko sa banyo at agad na naligo upang alisin ang kuryenteng nararamdaman ko kanina dahil sa ginawa ng lalaking 'yun. Nagsuot muna ako ng white crop top at high-waist jeans ngayon dahil hindi pa naman kami sinusukatan para sa uniform. Wala kasing professor na pumasok noong unang klase namin.
"Aba'y kanina pa ang batang 'yan, malalate na kay— oh, ayan na pala," kay-aga-aga ay narinig ko na agad ang sermon ni Mama sa harap ng hapag-kainan.
"Ang umagahan ko ay sermon ni Mama," pabulong kong sabi, kaya narinig ko ang mahinang pagtawa ni Gio.
"Kanina pa naghihintay si Gio sa 'yo, anak, nakakahiya naman," bumeso ako kay Mama at niyakap siya sa likod habang inaayos niya ang mga kaluluto pa lang na ulam.
"Sorry na, Ma. Hindi kasi ako nakatulog nang maayos kagabi," kumalas ako sa yakap niya dahil kukunin niya ang pitsel sa kusina.
Pagkatapos noon ay umalis na rin si Mama para pumunta sa bukid. Doon niya inaasikaso ang mga itinanim naming palay dahil maraming nakawalang kambing at baka, na sumisira sa mga pananim namin dun.
Naging awkward bigla ang hangin sa kusina dahil pinapanood ako ni Gio habang kumakain ng hotdogs.
"Can you please stop staring at me? Ang creepy mo," umirap na lamang ako sa kawalan habang nakangisi na naman siya nang nakakaasar.
Sinandig niya ang likod niya sa upuan at pinatong ang siko sa likod ng upuan. Nakita ko kung paano gumalaw ang malaki niyang braso, nag iwas agad ako ng tingin doon.
"Gusto kong nakatingin ka sa akin, habang kinakain mo 'yan." Sabi niya sa akin ng diretso na may magaspang at mahinang boses.
"T-tumigil ka, ibabato ko sa'yo itong itlog." Natawa na lamang siya sa inasta ko, ngayon naman ay nakapangalumbaba naman siya sa mesa, habang direktang nakatingin sa akin.
"Ayoko palang ibato sa'yo, paborito ko 'to." Inikutan ko siya ng mata, at sumubo ng scrambled egg.
"Itlog ko, ayaw mo?" Nabulunan ako sa itlog na kinakain ko.
"Oh diba, hindi mo pa kinakain 'to, nabubulunan ka na." Sabi niya sa akin ng may angas, Nilakihan ko siya ng mata, nagulat ako sa sinabi niya.
Walang pagdadalawang isip, binato ko siya ng itlog, Lumipad ito sa tuktok ng ulo niya.
Akma ko nanaman siyang babatuhin pero sumuko na agad siya. Tinakpan niya ang kulay puti niyang damit. Natatakot siya na ma-mantsahan ng ketchup ang damit niya.
"Tama na, tama na. Hindi na ako mang-aasar!"
Inirapan ko na lamang siya habang kumakain pa rin ako. Magbiro sa lasing, wag lang sa taong gutom.
Naubos ko ang dalawang sandok ng kanin sa pinggan ko. Nagulat na lang din ako sa dami ng kinain ko dahil madalas naman ay hindi ko ito nauubos. Minsan talaga ay nagugulat ka na lang sa sarili mo.
It's already 7:10 AM at ang class ko ay 7:30 AM. Mukhang late ang abot ko nito.
"Fuck, traffic," mahina na bulong ni Gio sa kawalan, napasandig na lamang ako sa kinauupuan ko dahil sa inis. Trapik na naman sa San Jose Road at mabagal ang kilos ng mga sasakyan.
Isa talaga sa mga problema sa Pilipinas ay ang matinding traffic, lalo na kapag papuntang lungsod. Kahit ang simpleng problema sa kalsada ay hindi kayang ayusin ng mga nakaupo sa gobyerno. Napailing na lamang ako sa mga naiisip ko.
BINABASA MO ANG
Shadows Of Doubt (Shadow Series #1)
RomanceSa taniman ng mga mirasol na mababango, sa karagatan ng mga luntiang mga damo, mahahanap ko ba ang tunay na pagmamahal na nanggagaling sayo o dudungisan mo lang ito ng pulang dugo? Chelsea Hillary Ferrer, she have a lot of insecurities and she th...
