026.Mannequin
Nagsimula na si Carly at ang ibang mga babaeng nagsisilbing umaalalay sa kaniya upang iabot ang mga kailangan niya para sa mukha ko. Ewan ko ba kung bakit bigla na lang akong pumayag.
Hindi ko alam ang gagawin ko at hindi ako nagdalawang-isip na sumunod sa kaniya, dahil gusto ko na ako naman ang pansinin ng iba-dahil halos lahat ng taong nakakakita sa akin, tanging ang kapangitan ko lang ang napapansin nila.
"Teh, huwag kang magulo," untag sa akin ni Carly. Napaayos ako ng higa dahil hindi ko namalayang nanginginig na naman pala ako sa tuwing naaalala ko ang mga masasakit na nangyari sa akin.
"Aray! Wait, ang sakit, Carly!" napahawak ako sa mata ko at napaupo.
"Hala, natusok kita sa mata? Eh, kilay ang inaano ko!" napalapit siya sa akin at tinignan ako habang nakahawak pa rin ako sa mata ko.
"Sorry!" Halos hindi na siya mapakali at kumuha agad ng tubig na maiinom ko.
"Carly, what did you do? Oh my gosh!" Napalapit sa amin si Psyche na kanina lang ay busy sa pagli-lipstick.
"Oh my, sorry, Chelsea..." paiyak na si Carly habang nakatitig sa akin nang malapitan at hawak-hawak ang basong puno ng tubig.
"Keme lang, bhie!" napapose ako ng peace sign habang nakadila.
"Bwisit ka!" Nanghina ang tuhod ni Carly at napaupo sa sofa habang nakangiting nakatulala.
Biglang napahiga si Psyche sa sofa at malakas na tumawa kasama ang mga alalay ni Carly.
"Ikaw na babae ka, tutusukin ko talaga 'yang mata mo," dinuro niya ako gamit ang maliit na razor na para sa kilay.
"Tara na, Carly, let's do this!" Humiga ulit ako upang simulan ang naudlot na ginagawa niya sa kilay ko.
"Teh, wala nang prank, ah?" Ngumuso siya na parang nagmamakaawa.
"Wala na. Mas pagandahin mo na ako. Nangawit lang ako." Masigla kong sabi habang mahigpit na nakakapit sa bakal sa gilid ko.
Maraming proseso ang ginawa sa akin. Mula ulo hanggang paa ay talagang siniguro nilang worth it ang bayad na ibibigay ng customer nila.
"Wow, you look majestically gorgeous!" Halos mapanganga sa akin si Psyche dahil gusto raw niya na siya ang unang makakita ng kinalabasan ng makeover ko.
"Are you ready to see yourself, Chelsea?" Kinabahan ako sa tanong niya. Ayoko sa pagbabago, pero kailangan ko ito dahil ang pagbabagong ito ang magiging susi ko para tumaas ang kumpiyansa ko sa aking sarili.
Dahan-dahan niyang inikot ang upuan ko. Sa pag ikot nito ay tila sumasabay ang puso ko na kanina pa kumakabog na parang gustong lumabas sa ribcage ko.
"Look," narinig ko ang boses ni Carly, tanda na nasa harap na ako ng salamin.
Marahan kong tinignan ang sarili ko. Hindi ako makapaniwalang ang babaeng hindi marunong mag-ayos ng sarili noon ay may hubog na hubog na mukha ngayon dahil sa buhok na tamang-tama sa shape ng mukha ko.
Ang kulay kong kayumanggi na balat ay lalong tumingkad dahil sa kolorete sa aking mukha. Ang dalawa kong kilay ay plakadong-plakado, at ang mga labi ko ay may kulay rosas na pula ang kulay.
Ibang mukha ang tinitignan ko, pero ang puso at damdamin ko ay nandito pa rin-ang babaeng umiiyak dahil sa tingin ng maraming tao ay parang isa lamang pirasong basura.
Dahil dito, mas nabuhayan ako ng loob at nakaramdam ng lakas para humarap sa maraming tao.
"Carly, thank you so much." Nagbeso silang dalawa ni Psyche, at agad naman akong napatayo.
BINABASA MO ANG
Shadows Of Doubt (Shadow Series #1)
RomanceSa taniman ng mga mirasol na mababango, sa karagatan ng mga luntiang mga damo, mahahanap ko ba ang tunay na pagmamahal na nanggagaling sayo o dudungisan mo lang ito ng pulang dugo? Chelsea Hillary Ferrer, she have a lot of insecurities and she th...
