015.Bagyo
Tanging patak ng ulan at kulog ang namumutawi sa aming paligid—hindi alintana ang lamig ng simoy ng hangin at patak ng ulan sa aming mga balat.
Tumingala ako upang silipin si Gio. Nakita ko ang pag-agos ng tubig sa mukha niya na gumuhit sa panga niya, na lalong nagpadefine rito.
"Hello po, tapos na po ba 'yang love language na physical touch niyo? Suspended na po ang class dahil may bagyo," napabitaw ako sa pagkakayakap kay Gio dahil bigla akong nahiya sa guard na nasa harap namin na masusing nakatingin sa amin.
"Pasensya na po, aalis na rin po kami," nakayuko kong sabi dahil kita ko sa mata ng guard ang mapang-asar na tingin.
"I'm sorry po, Kuya," tugon ni Gio habang nakangiti kay Manong Guard. Naramdaman ko ang paghila sa akin ni Gio habang nararamdaman ko na ang lamig sa katawan ko.
"Akala niyo nasa Korean drama kayo," mahinang bulong ni Manong Guard bago nawala sa paningin namin.
Ang awkward tuloy; hindi ko alam kung saan ko ibabaling ang tingin ko.
Nakita ko ang sarili ko na nasa parking lot habang magkahawak ang kamay namin ng lalaki.
"Faster, it's cold. I will buy you clothes," sabi niya habang binubuksan ang passenger seat.
"Hindi na kailangan." Inayos ko ang pagkakaupo ko at inaalala na mababasa ko ang loob ng kotse niya.
"No, baka magkasipon ka. I will buy you clothes." Pinaandar niya ang makina habang masusing nakatingin sa aatrasan niya.
"You don't need to buy me clothes, Gio. 'Wag na." Tumingin ako sa mga mata niya at nakita ko ang pagsalubong ng kilay niya at umismid.
"Yeah, you're right. 'Wag na, it looks good on you without clothes." Namula ang pisngi ko dahil sa hiya sa sinabi niya.
Huh? Ano raw?!
"Pinagsasabi mo? Pervert!" Tahimik ang buong biyahe namin. Tanging ang patak ng ulan sa windshield ang pinapanood ko, hanggang sa napatingin ako sa lalaking nakatuon ang atensyon sa pagmamaneho.
"Don't look at me like that, nahihiya ako," he laughed shyly.
Natawa na lang ako sa reaksyon niya at umiwas sa direksyon niya.
Huminto ang ulan sa labas at nakita ko kung paano lumiwanag ang paligid, at nakita ko ang bahagharing sumilay sa kabundukan.
"Stop the car!" sigaw ko sa kaniya at nakita ko ang reaksyon niya na nagulat siya.
"What! Why would I!" sigaw niya sa akin habang nagmamaneho.
"I said, stop the car!" pag-uulit ko sa kaniya, pero patuloy pa rin siyang nagmamaneho.
Nagulat ako nang bigla niyang ipinreno ang sasakyan. Buti na lang at naka-seatbelt ako, kundi napasubsob na ako.
"Bwisit ka! Bakit mo binigla?" binatukan ko siya gamit ang kanang kamay ko.
"Ouch, sakit mo naman." Napahawak siya sa ulong tinapik ko.
Binuksan ko ang pinto ng kotse at lumabas; nakita ko ang pagsunod ng lalaki.
"Okay, about the picture, it's a dare." Napatingin ako sa kaniya nang nakakunot-noo dahil hindi ko alam kung anong tinutukoy niya.
"She said dare lang, that's why nakipag-picture ako." Biglang may umilaw sa gilid ko dahilan para maalala ko.
Ito 'yung President na babae na nakahawak siya sa bewang na nakita ko ang litrato nilang dalawa sa social media, habang ang mga tao sa comment section ay shini-ship sila.
BINABASA MO ANG
Shadows Of Doubt (Shadow Series #1)
RomanceSa taniman ng mga mirasol na mababango, sa karagatan ng mga luntiang mga damo, mahahanap ko ba ang tunay na pagmamahal na nanggagaling sayo o dudungisan mo lang ito ng pulang dugo? Chelsea Hillary Ferrer, she have a lot of insecurities and she th...
