028.Miss you
Humangos ako nang malalim dahil sa lalaking nakasalubong ko kanina sa corridor.
Ano ba naman kasing trip ni Van? Bakit lagi na lang niyang sinisira ang araw ko? Nakasimangot akong pumasok sa classroom.
Tinanguan na lamang ako ng professor na nagtuturo sa amin. Buti na lang mabait ang professor namin ngayon, hindi katulad ni Professor Gutierrez na halos lamunin na ako nang buhay noong na-late ako sa klase niya.
Natanaw ko si Gio sa bintana ng classroom namin na nakatingin sa akin habang nakangiti.
Halos masilaw ako habang nakatitig sa kaniya dahil sa tumatamang liwanag ng araw sa kaniyang mukha na siyang nagbibigay-depinisyon sa kaniyang anyo—maganda ang panga, makapal ang kilay, manipis at kulay-rosas ang mga labi, at ang nagpahina sa akin ay ang kaniyang mga matang nang-aakit tumingin. Tila hindi man lang nagkamali ang Diyos nang likhain siya.
Napabalik ako sa wisyo nang tawagin ng professor namin ang pangalan ko.
"Ferrer, kailan ang pageant niyo?" Napaupo ako nang maayos at inayos ang sarili.
"This Saturday po, Sir. Coronation night na po." Tumango na lamang siya bilang pagsang-ayon.
"Okay. Malapit na ang pageant, class. Lahat required na pumunta dahil may attendance!" Narinig ko ang mga reklamo ng mga kaklase ko na siyang ikinatawa ko.
Attendance in college is a must.
"Understood?!" Sigaw ni Sir sa amin, at napatango na lamang silang lahat.
Nagsimula ulit siyang magturo sa harap habang ako naman ay iniisip kung ano ang mangyayari sa araw ng pageant.
Natapos ang talakayan nang walang pumasok sa utak ko. Inayos ko na ang aking mga gamit dahil kanina pa kumakalam ang aking sikmura.
"Sabay na tayo?" biglang sumulpot si Gio sa harap ko habang nakayuko at nakangiti.
Nasilaw ako sa pilak niyang earring sa kanan niyang tainga.
"Sige, hintayin mo ako. Hinahanap ko pa 'yung pera ko," kinalkal ko ang mga bulsa ng bag ko upang dukutin ang limang daang piso ko.
Tiningnan ko nang matagal ang pera ko. Konti na lang ito, kailangang umabot hanggang Biyernes. Kung hindi, magugutom ako at maglalakad na lang papasok at pauwi.
"Hmm, why? Are you okay, Chel?" Napabalik ako sa reyalidad at sinimulang maglakad papuntang cafeteria.
"Ayos lang ako."
Natapos ang araw nang walang espesyal na nangyari. Agad ding nagpaalam si Gio pagkatapos naming kumain upang mag-ensayo sa basketball dahil malapit na rin ang laban nila.
Naglakad ako pauwi dahil kailangan kong tipirin ang perang hawak-hawak ko ngayon. Ang kita kasi nila papa sa bukid ay hindi sapat dahil walang bumibili ng palay-himala na lang kung may bibili nito.
Nag-aagaw ang dilim at liwanag. Ang lagaslas ng mahinang hangin ang tanging naramdaman ko. Tila sumasabay ang panahon sa pagkabigat ng aking nararamdaman.
Hindi ko alam kung bakit napapagod ako. Pagod na ba ako dahil ang buhay ay paulit-ulit na lang, o pagod ako kasi ayoko nang mabuhay?
Kumapit ako sa strap ng bag ko at unti-unting tumulo ang aking mga luha. Bawat patak ng luha ko ay may kaakibat na sakit at pagod. Hindi ko maipaliwanag kung bakit sa bawat paglakad ko ay pinipigilan ko ang sarili ko... dahil ang dating bahay na pahinga ko, ngayon ay nakakapagod na.
Pinunasan ko ang mga luhang kanina pa nag-uunahang tumulo at hinarap ang mga taong dati kong pahinga, na ngayon ay dahilan ng pagod ko.
"Ano na naman 'yang ulam na 'yan? Paulit-ulit, itlog?!" bulyaw ni papa na siyang ikinasakit ng tainga ko.
BINABASA MO ANG
Shadows Of Doubt (Shadow Series #1)
RomanceSa taniman ng mga mirasol na mababango, sa karagatan ng mga luntiang mga damo, mahahanap ko ba ang tunay na pagmamahal na nanggagaling sayo o dudungisan mo lang ito ng pulang dugo? Chelsea Hillary Ferrer, she have a lot of insecurities and she th...
