007.Masarap
Agad akong bumitaw sa pagkakatitig niya nang makaramdam ako ng pagkailang. Nakita ko kung paano siya umiwas ng tingin habang nakangiti. Pinunasan ko ang maliliit na butil ng pawis sa aking leeg; nakakaramdam kasi ako ng kaba tuwing napapakalapit siya sa akin.
Napakapit ako nang mahigpit sa itak na nakasabit sa aking tagiliran upang pakalmahin ang sarili.
"Tara na, we need to move faster this time. Isang ektarya na lang 'yun," sabi niya habang inaayos ang suot niyang brown long-sleeve polo. Manipis na ito, bakas kung gaano na kaluma.
Nagsimula akong maglakad at sumunod naman siya sa likod ko.
"So, matagal na bang trabahador si papa mo kay Papa?" basag ko sa katahimikan.
Naramdaman ko ang pagbuntong-hininga niya.
"Yes, it's almost two years. Noong wala pa kayo rito sa Nueva Ecija, si Papa na ang nagbabantay sa lupa ninyo." Tumango ako sa sinabi niya.
Ang papa niya nga ang nag-aasikaso sa bukid namin noong mga panahong wala pa kami rito. Naririning ko pa nga araw-araw sa telepono noon na kausap ni Papa ang tatay ni Gio.
"I see. Thank you sa pagbabantay." Malaki talaga ang pasasalamat namin sa pamilya ni Gio. Noong mga panahong walang tumitingin sa ari-arian namin, nandiyan sila para sa amin.
Nakarating kami sa bahagi ng lupa na pagtataniman namin. Malawak ito, pero kaunti na lang naman ang natitirang tatamnan. Binalingan ko ng tingin si Gio na ngayon ay nagsisimula nang maghubad ng pang-itaas.
"Hoy, bakit ka naghuhubad? Magtatanim tayo, hindi magsu-swimming!"
Tumawa siya nang mahina, na ikinainis ko naman.
"Hindi ako maghuhubad ng tuluyan, may sando ako sa loob." Agad niyang tinanggal ang polo niya, at tumambad sa akin ang kaniyang bisig na pinaliliguan na ng pawis.
Napaiwas ako ng tingin at dali-daling lumusong sa putikan upang magsimula nang magtanim.
Mabilis naming natapos ang gawain. Hindi na ako nagpahinga para lang mabilis kaming matapos, habang si Gio naman ay hawak ang lubid ng kalabaw para ipastol ito sa bahaging may maraming damo.
Umupo ako sa tumpok ng lupa para magpahinga. Mula sa malayo, nakita ko ang aking mga magulang na patuloy pa rin sa pagtatrabaho kahit tapos na ang mabibigat na gawain sa bukid.
Napansin ko si Gio na palapit sa akin habang sumisipol. Mukhang masaya ang lalaking ito ngayon, ah.
"How are you? You good?" Umupo siya sa tabi ko at tumitig din sa malaking puno na tinitingnan ko.
"Yes, I'm good," sabi ko nang hindi sumusulyap sa kaniya.
"Magaling ka na sa pagtatanim," puna niya. Napangiti ako at tumango.
"Kailangan, e. Soon, ako na ang magma-manage nito. Ayokong pagtrabahuhin sina Mama at Papa kapag tumuntong na sila sa edad na mahina na ang mga tuhod nila."
Kapag dumating ang puntong iyon, gusto ko ako naman ang mag-provide para sa kanila. Ayokong maging pabigat. Gusto kong bumawi, dahil noong mga panahong kailangan ko ng pera at pagmamahal, ibinigay nila sa akin ang lahat hanggang sa maubos sila.
Kaya kailangan kong tapusin ang pag-aaral ko para maging isang successful na Flight Attendant. Gusto kong makita nila kung gaano kaganda ang mundo—gusto kong malaman nila na hindi lang bundok at mga puno ang magagandang tanawin sa daigdig.
"And you are doing good, Chelsea," nakangiting wika niya. Napangiti rin ako sa narinig ko.
"Ikaw? What is your plan kapag nakapagtapos ka ng pag-aaral?" Tinitigan ko siya habang nakangiti siya sa kawalan.
BINABASA MO ANG
Shadows Of Doubt (Shadow Series #1)
RomanceSa taniman ng mga mirasol na mababango, sa karagatan ng mga luntiang mga damo, mahahanap ko ba ang tunay na pagmamahal na nanggagaling sayo o dudungisan mo lang ito ng pulang dugo? Chelsea Hillary Ferrer, she have a lot of insecurities and she th...
