027.Reyalidad
(Trigger Warning : Mention of Violence)
Imbes na pagod ang maramdaman ko sa nangyari sa araw ko, saya at kaligayahan ang naramdaman ko.
Nakangiti akong nagpaalam kay Psyche na ngayon ay nasa harap ng gate namin ang sasakyan. Nag-abala pa kasi siyang ihatid ako.
"Just take a rest-I mean, beauty rest!" tumawa kaming pareho at nakipag-beso ako sa kaniya.
"Thank you, Psyche," ngumiti ako at tumingin sa kaniyang mga mata. Kita ko rin kung paano kumislap ang ngiti niya.
"Bye, see you tomorrow, pretty!" sabi niya bago isara ang pinto ng kanilang van.
Pinanood ko muna ang sasakyan na umalis. Nang mawala ito sa paningin ko ay binuksan ko na ang gate.
Pumasok ako nang banayad dahil alam kong natutulog na sila mama at papa. Pero mali ako-imbes na katahimikan at kapayapaan ang tumambad sa akin, nakita ko si mama na nakaluhod habang umiiyak.
Napabitaw ako sa dalang bag at tumakbo papalapit sa kanila.
"Tangina mo! Wala akong babae, bakit ba pinagpipilitan mo?!" Biglang namuo ang luha sa mga mata ko at kumirot nang bahagya ang dibdib ko.
"A-anong nangyayari dito, ma, pa?" mahinahon kong sabi habang salitang nakatingin sa kanilang dalawa.
Tumingin ako kay papa na galit lang ang makikitang reaksyon sa mukha.
"Si papa mo, may babae!" Umalingawngaw sa tainga ko ang sinabi ni mama. Nanghina ang mga tuhod ko at napahilamos ako sa aking mukha.
Parang may pumintig sa tenga ko, kasabay ng konting pagkirot ng puso ko.
"Totoo ba, Pa? Tama ba ang narinig ko?!" Hindi ko na nakontrol ang sarili ko at bigla na lamang akong sumabog.
"Pati ikaw, naniniwala?!" Agad niyang hinablot ang braso ko, sinabunutan ako, at iginiya ang mukha ko sa mukha niya.
Amoy ko ang alak at sigarilyo na namumutawi sa hininga niya. Ramdam ko ang panginginig ng kamay niya habang hawak ang buhok ko. Kita ko rin ang mga ugat sa leeg niya na halos pumutok na sa galit.
Sakit at hapdi ang naramdaman ko sa aking anit.
"P-pa, nasasaktan ako!" Agad nagkarerahan ang mga luha sa pisngi ko. Hindi ko ininda ang sakit ng pagkaka sabunot niya sa akin, nasaktan ako kung paano niya ako tratuhin.
"Wala akong iba! Naririnig mo, kingina ka!" Hinagis niya ako sa sahig kaya napayakap ako kay mama na ngayon ay nagngingitngit na sa galit.
Narinig ko ang pag-hangos ng hininga ni mama, ang pagngitngit ng kaniyang mga ngipin, at ang pagsalikop ng kaniyang mga daliri.
"Saktan mo na ako, 'wag lang ang anak ko!" Tumayo siya upang sampalin si papa pero nabigo siya.
Sinuntok ni papa sa tiyan si mama dahilan para matumba ito at mamilipit sa sakit.
Niyakap ko si mama habang patuloy pa rin ang pag-iyak ko. Tumingin ako nang matalim kay papa at dahan-dahan akong tumayo.
Babae kami, wala kaming laban sa tatay ko.
BINABASA MO ANG
Shadows Of Doubt (Shadow Series #1)
RomanceSa taniman ng mga mirasol na mababango, sa karagatan ng mga luntiang mga damo, mahahanap ko ba ang tunay na pagmamahal na nanggagaling sayo o dudungisan mo lang ito ng pulang dugo? Chelsea Hillary Ferrer, she have a lot of insecurities and she th...
