Kabanata 23

17 1 0
                                        

023.Déjà vu

"Ikaw at Ikaw," pagtugtog ng banda na ngayon ay sinasabayan ng mga madla.

Bawat ritmo ng kanta ay tinatamaan ng mga pilantik ng katawan ni Gio na ngayon ay nakasabit sa tela, at gumagawa ng kamangha-manghang mga trick gamit ang kaniyang mga paa at kamay.

Bumaba siya mula sa tela at inabot ang kaniyang kamay sa ere. Nagdadalawang-isip ako kung tatanggapin ko ito sapagkat unang beses ko itong gagawin.

"Trust me," bulong niya sa tainga ko na siyang nagpalakas ng loob ko na ituloy ito.

Hinawakan ko ang palapulsuhan niya, at tumakbo ako paikot upang makaakyat papunta kay Gio. Para akong nahuhulog sa bangin habang kapit niya ako at umiikot kami. Pinatay ang mga ilaw at sinindihan ng mga manonood ang ilaw ng kanilang mga gadget, na siyang nagbigay-liwanag sa covered court.

Huminto ang kanta nang banayad, kaya dahan-dahan kaming bumaba sa telang inaakyatan namin. Nagsitayuan ang mga judge at ang mga tao sa loob. Labis ang galak ko sa nakita ko. Dahil sa isang pagkakamali kanina, napalitan ito ng tama na siyang nagpamangha sa mga tao.

Reality hurts. Sa dami ng mga ginawa mong tama, sa isang pagkakamali mo lamang ay lahat ng iyon ay matatabunan.

"Wow, what a nice performance by candidate number five! And please welcome again, Sunkissed Lola!" Naghiyawan ang mga tao habang kumakaway kami sa kanila.

"Paano nila susundan 'yun? Parang na-pressure ako sa susunod," Pabirong sabi ng host. Nagtawanan ang mga estudyante na ikinatawa ko rin.

Naghiyawan ang mga tao dahil ayaw kaming pababain at humihirit pa ng isa, narinig ko naman ang pagrereklamo ng emcee.

"Hindi sila special guest para mag-perform ulit, candidate si number eleven, mga bakla kayo!" sabi ng emcee at nagtawanan ang mga tao na ngayon ay inaabangan na ang susunod na kandidata.

Hindi ko mapigilang mapangiti sa nangyari kanina dahil hindi ko akalaing gagawin ni Gio ang paglambitin sa tela sa pamamagitan ng pagsasayaw. Marunong pala siyang sumayaw at hindi niya sinasabi sa akin iyon. Akala ko alam ko na ang lahat pero hindi pa rin pala.

Nananatili pa rin siyang misteryoso sa akin. Ang sarap gumising araw-araw dahil sa bawat araw ay mas lalo kong nakikilala si Gio.

Hindi ko maiwasang mapalingon sa gawi ni Gio na ngayon ay kausap si Chandria-ang babaeng may galit sa akin na ex ni Gio.

Napaiwas na lamang ako ng tingin dahil ayokong makaramdam ng kahit na katiting na selos, masiyado akong masaya para sirain ang araw ko.

Habang inaayos ko ang backpack ko ay may naramdaman akong dalawang tao sa harap ko. Agad kong binalingan ng tingin ang dalawa.

It was Gio and that girl.

"Hi Chel— what's your name again?" Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa habang nakahawak siya sa braso ni Gio.

"Chelsea," walang emosyon kong sabi dahil naiirita ako sa kaartehan ng babaeng ito.

"Oh, my bad! Yeah, Chelsea! Congrats, you did well kanina sa performance mo." Inabot niya ang kamay niya tanda na makikipag-handshake siya. Nagdadalawang-isip pa ako kung aabutin ito dahil ramdam ko na pinaplastik lang ako ng babaeng ito.

Dahan-dahan kong inabot ang kamay niya at magaang pinisil.

"Thank you. Dahil kay Gio, naging maganda ang performance ko." Tumingin ako kay Gio na prenteng nakatayo sa harap ko habang may nakaguhit na ngiti sa mga labi niya.

"Yes, actually, that is our performance last pageant," mapakla akong ngumiti.

Lahat pala ng ginagawa namin ay nagawa na nila.

"Please welcome our last candidate, candidate number 12, Chandria Louise Asera!" sigaw ng emcee na umalingawngaw sa backstage.

"Mauuna na ako, it's my turn." Bumeso ang babae kay Gio na siyang iniwasan ko ng tingin.

Base sa kaniyang bihis ay naka-Hawaiian outfit siya, mukhang magbe-belly dance siya.

Nagsigawan ang mga tao sa kaniyang performance, lalo na ang mga kalalakihan na dilat na dilat ang mga mata sa ginagawa ni Chandria sa harap ng madla. Hindi ko rin naman masisisi ang mga tao na humanga kay Chandria dahil isa siya sa mga nakita ko na babae na talagang pang-modelo ang aura.

Nanonood ako sa backstage nang mahagip ng mata ko ang isang lalaking nakaittim na damit habang may hawak na kutsilyo. Hindi mawari ang maramdaman ko sapagkat iba ang nais niyang ipahiwatig. Papatayin niya ba ako o ang mga magulang ko?

Habol-habol ko ang hininga ko nang biglang may humawak sa likod ko.

"Are you okay?" Halos manginig ako sa biglang pagsulpot niya.

"Ayos lang ako." Agad akong umalis at lumapit sa mga gamit ko.

Nanatili akong matapang sa harap ni Gio sa kabila ng nakita ko kung paano sila umakto ni Chandria, at sa lalaking matagal na akong ginagambala.

"Chel, tulungan na kita." Dinampot niya ang sapatos ko na kulay puti at agad ko itong hinablot sa kaniya.

"Kaya ko na," walang emosyon kong sabi habang pinapasok ang sapatos ko sa aking backpack.

"Ihahatid na kita," mahinahon niyang sabi habang kinukuha sa kamay ko ang backpack ko.

"Kaya ko nga, Gio." Kinuha ko ang bag ko sa kaniya at umalis na sa harap niya, pero naramdaman ko na nakasunod pa rin siya sa akin.

"Kaya ko nga 'di ba? Bakit ba sunod ka ng su-"

Nanlamig ang buong katawan ko sa nakita ko.

Walang Gio na sumusunod.

"Chelsea, wait for me!" Saka ko lang narinig ang boses niya habang hawak ang kaniyang susi.

Naglakad ako agad at isinawalang-bahala ko na lamang ang nararamdaman ko. Pagod lang siguro ako kaya ko nararanasan ang mga ito.

Naglalakad ako sa kahabaan ng parking lot sapagkat puno ng tao ang entrance, nang hablutin ni Gio ang palapulsuhan ko.

"Sasabay ka sa akin." Iwinaksi ko ang kamay ko mula sa higpit ng kapit niya.

"Aminin mo nga, may gusto ka pa ba kay Chandria?" Tumaas ang kilay ko nang tumawa siya sa sinabi ko.

"Are you jealous?" Lumapit siya sa akin nang dahan-dahan. Namamangha pa siya sa reaksyon, gayong ako dito ay sobrang naiinis.

"Sino bang hindi magseselos? Lahat ng ginagawa niyo dati, ginagawa mo sa akin." Hindi ko mapigilan ang emosyon ko. Nagliliyab na ako sa selos.

"Chandria is my friend," napangiwi na lamang ako sa sinabi niya.

"Kung kaibigan mo siya, 'di sana magkaibigan na lang tayo. Sweet ka pala maging kaibigan."

What the hell did I say?

"Halika na, let's talk inside the car." Hindi ako nakinig sa kaniya, bagkus ay tiningnan ko na lamang siya nang madiin.

Hindi ko maiwasang isipin na mahal pa niya ang babae, dahil sa kilos ng babae, mukhang may gusto pa ito sa lalaki. May tiwala ako kay Gio, pero sa nakapaligid sa kaniya ay wala.

"Gio," sambit ko habang nakatingin sa mga kayumanggi niyang mata. Kung ano-ano ang naiisip ko dahil madali lang naman akong palitan-dahil sa mga manliligaw ko, lahat ay walang sumubok na mas kilalanin ako.

"Gusto mo lang ba ako dahil nakikita mo si Chandria sa akin?" Isang pangungusap na tanong na ayaw ko sanang itanong sa kaniya, pero bigla ko na lang nasabi.

Ayokong marinig ang sagot niya dahil baka sumang-ayon siya, pero may katiting sa loob ko na gustong marinig galing sa kaniya na hindi niya nakikita sa akin ang babaeng dati niyang minahal.

Shadows Of Doubt (Shadow Series #1)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon