005.Enroll
Nagising ako sa malakas na bagsak ng ulan sa bubong at tila nagngangalit na hangin, tinakpan ko ang mukha ko ng unan dahil nakakaramdam pa ako ng antok sa katawan ko. Sa ganitong panahon, masarap matulog at humigop ng mainit na sabaw at manood ng pelikula sa sala habang nakakumot, yun ang madalas kong ginagawa kapag tag-ulan na.
Umupo ako sa gilid ng kama ko at inunat katawan para magising ang diwa ko na gusto pang humiga, tumayo ako upang gawin ang aking morning routine, nag sepilyo ako ng ngipin at binuhos ko ang malamig na tubig sa mukha at ngumiti sa salamin, biglang nagbago ang timpla ng mukha ko ng mapagtanto na ang pangit ko.
Laging sinasabi sa akin ng mga kaklase ko na maganda ako, pero hindi ako naniniwala dahil mas marami pa rin ang mga mapanghusgang tao.
Tuwing tumitingin ako sa salamin ay nakakaramdam ako ng insecurities sa katawan ko, ang mukha ko, katawan ko.
Alam kong masama ang mainggit at magselos sa ibang tao pero hindi ko maiwasang ikumpara ang sarili ko sa kanila. Sana ganon ako kakinis sakanila, sana maganda din ako, maraming sana ang tumatakbo sa isip ko ngayon, naiinggit ako sa mga ka edad ko na lahat ng atensyon ng tao sakanila dahil may itsura sila. Let's be real here, pretty faces and have a white skin will always win, may experience ako once na gusto kong mag-apply na waiter sa isang fast food chain pero mukhang nandidiri saakin ang nag interview saakin because of my brown skin color.
"Pwede po mag-apply, ma'am?" Nandito ako sa tapat ng isang fast food chain upang mag apply bilang waiter, hawak hawak ako sa kaliwang kamay ang mga dokumento na kailangan sa pag apply ko dito.
Pinunasan ko ang mga butil ng pawis ko sa noo ko.
"Follow me." Natakot ako sa tono ng boses niya na para bang kakainin ako ng buhay.
Sinundan ko siya sa loob at pinagtitinginan ako ng mga tao, gusto kong magtrabaho upang wag umasa kay mama at papa ko, alam kong nagta trabaho sila para makuha ko ang mga gusto ko. Pero ayokong iasa sakanila lahat, tutal bakasyon naman ngayon, mag iipon ako ng pera para may panggastos ako na mismong nanggaling saakin, eighteen years old na ako, graduate na ako ng senior high school, gusto ko ng magkaroon ng pera at mabuhay mag-isa. Ngunit ayaw ako payagan ni mama dahil hangga't kaya pa daw nila, titira pa din ako sa iisang bubong kasama sila.
"Take a sit, miss." Bumalik ako sa wisyo sa matinis na boses na narinig ko, agad akong umupo sa harap ng isang babaeng nakasalamin, singkit ang mata at tila nasa mid 30's na.
Binaba niya ang kaniyang salamin at tinitigan ako pababa at pataas, bigla akong kinabahan sa ginawa niya at pinagpawisan ng malamig.
"Let's start with the first question," umalingawngaw ang boses niya sa tahimik na silid at ang atensyon ko ay nasa kaniya na.
"Tell me something about yourself," tila nag blangko ang utak ko at nagloading ng bahagya ang isipan ko, binubuka ko ang bibig ko pero walang lumalabas miski isang salita.
"Wala kang sasabihin? Lumabas ka na." Bahagya siyang tatayo sa kinauupuan niya ng pero bigla akong nagising sa wisyo.
"My name is Chelsea Hillary Ferrer, I'm a senior high graduate, when i was a child lagi kaming pumupunta sa isang fast food chain ng mga magulang ko and i want to experience to become a waiter, part time job lang at ayoko pong iasa lahat sa magulang ko" nakita ko ang pagtango ng babae na nasa harap ko ngayon na maiging nakikinig.
"And now i'm currently applying po sa sikat na paaralan ng Nueva Ecija, ang CLSU po, sana ay palarin, at gusto kong magtrabaho para may masasabi po ako sa sarili ko na pera ko talaga," ngumiti ako sa babae at nakita ko ang maliit na ngiti sa mga labi niya.
BINABASA MO ANG
Shadows Of Doubt (Shadow Series #1)
RomanceSa taniman ng mga mirasol na mababango, sa karagatan ng mga luntiang mga damo, mahahanap ko ba ang tunay na pagmamahal na nanggagaling sayo o dudungisan mo lang ito ng pulang dugo? Chelsea Hillary Ferrer, she have a lot of insecurities and she th...
