Chapter 44

2.5K 163 21
                                    

CHAPTER FORTY-THREE

HOPE "LOVE" ELISSE

❥ ELISSE GARCIA ❥

"Seriously, Elsa?"

"Elisse," pagtatama ko sa kaniya. 'Yon ang naging reaksyon niya sa tanong ko kung may dapat ba akong malaman tungkol sa kanila ng half-sister kong si Ella.

He sighed, his gaze fixed ahead on the road, avoiding my eyes. "Hindi ko alam kung bakit mo 'yan naitanong. But there's nothing to worry about. Para lang kaming magtropa ng kapatid mo. At hindi lang naman si Ella. Pati si Edward sobrang close ko rin," litanya niya. Seryoso ang boses niya, hindi na katulad kanina no'ng nasa elevator kami na parang nanggagago siya.

"Pero iba ang closeness n'yo ngayon ni Ella kumpara noon."

"That's because we've gotten to know each other better since we started talking," he explained, his tone softening. "Naging magaan ang loob ko kay Ella dahil marunong siyang makisama. Hindi rin siya boring kausap. Nasasabayan niya mga jokes ko madalas, at hindi siya nauubusan ng kuwento."

I listened intently, my heart racing as I considered his words. I didn't want to seem insecure, but the thought of him bonding with Ella left a bitter taste in my mouth.

"Communication is the key kasi, Elisse. Tingnan mo tayo, kalahating taon na tayong kasal—seven months to be exact—pero pakiramdam ko hindi pa rin tayo close dahil hindi naman tayo nakakapag-usap madalas. Wala man lang tayong heart to heart talk simula no'ng nagsama tayo."

Hindi ako kumibo, nanatili lamang ang tingin ko sa harap. Tama naman siya. Wala akong matandaang maayos na pag-uusap naming dalawa simula nang ikasal kami.

"Wait?" Saglit siyang sumulyap sa 'kin. "Are you a jelly-jelly-fish-goldfish?" natatawa niyang tanong.

Binalingan ko siya, salubong ang kilay ko dahil hindi ko siya naintindihan. "What?"

"Nagseselos ba ang dragon ko na 'yan?" ulit niya habang nakatingin sa daan at may proud na ngiti sa labi.

"Selos? Ako?" I scoffed. "Stop talking nonsense, Hope. I'm not jealous."

"E, bakit ka pala nagtatanong tungkol sa 'min ni Ella?" Hindi pa rin nawawala ang pagngisi niya.

"Dahil ayoko ng issue. Wala akong pakialam kung mambabae ka. Wala rin akong pakialam kung gustuhin mo si Ella, si Queenie, or kahit sinong mangkukulam pa."

"Grabe ka naman sa mangku—"

"—pero kung gagawin mo 'yon, siguraduhin mong hiwalay na tayo. Madali lang naman akong kausap. If you want a divorce, sabihin mo lang, and I will give it to you."

Saglit siyang natahimik, pero sa daan pa rin nakatingin, tila nag-iisip. Then, I heard him chuckled. "Divorce? Tapos ano? Mawawalan ako ng karapatan sa bahay natin na milyun-milyon ang ang kontribusyon ko? 'Di na lang, uy! Magtiis tayo sa isa't-isa, sa hirap at ginhawa, araw at gabi, magpakailan-kailanman! Amen!"

Hindi makapaniwala ko siyang tiningnan. "So, mas gugustuhin mo pang magtiis tayo sa isa't-isa kaysa pareho tayong lumigaya?"

"Kung ligaya lang ang usapan, kaya kitang paligayahin. May kasama pang pag-ihi." Bahagya pa siyang natawa na akala mo'y nakikipagbiruan ako.

THE HILARIOUS HUSBAND (LEE BROTHERS #2)Where stories live. Discover now