CHAPTER NINE
KITTEN
❥ ELISSE GARCIA ❥
"Mom, Dad, andito na 'yong mamanugangin n'yo," nakangising sabi ni Hope pagdating namin sa maluwang nilang dining. Hawak niya pa rin ang kamay ko at ayaw niyang bitawan kahit pasimple kong binabawi.
Bumaling sa amin ang buong pamilya niya. Nakapuwesto sa upuan ang dalawa niyang kakambal at ang Daddy nila, nagkukuwentuhan. Sa kabilang banda, ang Mom niya at ang dalawang babae—si Poppy at ang bunsong si Summer Lee—ay abalang tumutulong sa paghahain sa mesa.
Even the housemaid in uniform paused, her eyes following our entrance. Hope's mom flashed a wide smile at me. "Hi, Elisse!" she greeted warmly, placing the bowl she was holding onto the table and quickly walking over to me. 'Tsaka pa lamang binitawan ni Hope ang kamay ko. Before I could say anything, Hope's mom kissed me on the cheek, and I felt the warmth of her welcome.
"Buti nakarating ka. Ikaw lang ba?" Lumingon pa siya sa gawing likuran ko na tila may hinahanap. "Hindi mo kasama ang family mo?"
I swallowed slightly, forcing a smile. "Oh... no, I'm here by myself."
"Busy ba sila? Inimbita rin kasi ng husband ko ang parents mo."
Nahihiya akong tumango. "They all had work to attend to today," palusot ko na lamang. Ang banggit sa 'kin ni Daddy sa text niya ay ako lang ang imbitado. No doubt na ayaw nilang pumunta kaya gano'n ang banggit niya sa 'kin. Honestly, I didn't want them to come either. I never feel comfortable around them lalo na sa mga gatherings, because it just reminds me of how fake they are.
In front of other people, they're experts at pretending everything's fine, like we're this perfect, harmonious family. But at home, it's a different story. May mga pagkakataon pang nagmumura si Dad, minumura kaming lahat, lalo na kapag nakainom siya.
Hope's mom nodded, still smiling. "I see. Well, it's good that you could visit, even if it's just you. Halika na, maupo ka." She gently took my arm and pointed to an empty chair beside Hope.
Napatingin ako kay Hope na hindi ko namalayang kanina pa pala nakatingin sa 'kin simula nang maupo siya. Gusto ko siyang irapan, pero hindi ko magawa ngayon dahil nakatingin sa 'kin ang ilan sa pamilya niya.
"Hi," Poppy greeted me sweetly nang makaupo na ako sa tabi ni Hope. Nakapuwesto na rin siya ngayon sa tabi ng asawa niyang si Faith. Ang bunso namang si Summer ay nasa tabi ng Kuya Love niya.
"Hi," I replied, offering a small smile in return. She seems sweet, her demeanor warm and inviting, her eyes full of kindness. Nagkita na kami noon sa kasal nila ni Faith, pero hindi ko siya nakausap. Pero mukha siyang mabait at maamo. Dahilan din siguro kaya siya inabuso at kinayan-kayanan lang ng pekeng pamilyang kinalakihan niya. Alam ko ang tungkol doon dahil nagkaroon ng documentary ang buhay niya simula bata siya at napanood ko 'yon.
Bumati rin sa 'kin si Summer habang ibinibida ang ilang putahe na siya raw ang nagluto. Sumabat naman si Hope na, "Ako, panalangin lang ang ambag ko sa hapunan ngayong gabi. Hiniling kong sana masarap ang luto ni Summer."
Nagsimula silang mag-asaran, at kung hindi pa sila sinaway ng daddy nila ay hindi pa sila titigil. Bahagya akong napabuntonghininga, pero hindi ko 'yon pinahalata. Hindi ko talaga ma-gets kung bakit sa tulad nitong si Hope ako ipinagkasundo ni Mom at Lolo. Isip-bata kung pumatol sa kapatid. Isip-bata rin kung makipag-asaran.
Noong nagsisimula na kaming kumain, the conversation had quickly shifted to the topic I dreaded most—the upcoming wedding. I felt a tightening in my chest as they excitedly discussed every little detail.
BINABASA MO ANG
THE HILARIOUS HUSBAND (LEE BROTHERS #2)
Romansa•COMPLETED• 🔞NOT FOR MINORS🔞 •READ AT YOUR OWN RISK!• Hope Ryker Lee, the ultimate prankster, is set to marry Elisse Garcia, an heiress with a temper hotter than the sun and social skills colder than Antarctica. Hope wanted a partner as fun and li...
