CHAPTER THIRTY-ONE
HOPE'S REVENGE PART II FAILED
★HOPE RYKER LEE★
"Matulog ka r'yan mag-isa mo, katabi 'yang mga daga mo!" mataray na sabi sa 'kin ni Elisse habang palabas siya sa kuwarto namin. Nakasuot na siya ng pantulog dahil katatapos niyang mag-shower.
I wanted to laugh at how worked up she was, but I decided to play the pitiful husband card instead. "Senyorita Darling, sorry na kasi. 'Wag mo 'kong iwan dito sa kwarto. Hindi ako sanay nang hindi ka katabi. Hindi ako sanay na hindi kita naaamoy sa tabi ko."
Of course, it was all part of the plan. May second wave pa ang ganti ko sa kaniya. Na-predict ko nang dahil sa mga daga ay hindi siya matutulog dito sa kuwarto namin. And me? I was prepared for that. Boys scout 'to, laging handa. Kaya hinanda ko na rin kanina 'yong guestroom para sa kaniya.
She didn't even glance in my direction, completely ignoring my dramatic performance as she marched out of the room.
As soon as she was gone, I sat at the foot of the bed, trying so hard not to burst into laughter. The second wave was coming, and she had no idea what was waiting for her in the guestroom.
"Haaay. Sa wakas..." Ngiting tagumpay akong nahiga sa kama, sa ginta pa mismo, habang nakadipa ang mga kamay ko. "Good night, Elisse Garcia – Lee. Sleep well," bulong ko habang nakatingin sa kisame.
Sinadya kong hindi i-lock ang pinto ng kuwarto ko at iniwan ko 'yon na bahagyang nakaawang para kung sakaling kumaripas nang takbo si Elisse or 'di kaya ay sumigaw palabas sa guestroom ay marinig ko siya.
Pumikit ako nang nakangiti habang ini-imagine ang magiging reaksyon niya. Because the second wave of my prank wasn't just any toy—it was a human-sized Jack Sparrow doll I'd secretly set up in the bathroom guestroom.
Ngayon pa lamang nai-imagine ko na ang mangyayari. Alam kong bumabangon si Elisse sa madaling araw para umihi. At sa oras na buksan niya ang pinto at ang ilaw sa banyo—bam! Right there on the corner, a full-sized Jack Sparrow doll sitting upright, staring right at her with those beady eyes and that creepy pirate grin. The hat, the sword, the entire costume—I'd gone all out.
Sa sobrang tuwa ko sa plano ko, hindi ko namalayan na dahan-dahan na pala akong nakakatulog, habang ang imahe ni Elisse na tumitili sa gulat ay naglalaro sa isip ko.
Hindi ko alam kung gaano katagal akong nakatulog, but I suddenly felt something—or someone—tapping me on the shoulder. Kahit antok na antok pa ay pinilit kong imulat ang mga mata ko, expecting to see Elisse sulking or maybe complaining about something. But instead, my heart nearly jumped out of my chest.
"AAAAGGGH!" I screamed, at napatalon ako mula sa kama sa sobrang gulat. Dahil mula sa gilid ng kama ko ay naroon ang Jack Sparrow doll, staring at me with dead eyes. Nakaangat pa ang espada nito at nakatutok sa 'kin. It was the same doll I left in the bathroom guestroom na okupado ni Elisse.
Nabutil-butil ang pawis ko habang nagtataas-baba ang balikat ko sa kabadong paghinga. My mind raced—how in the world did the doll get here?! Did it... walk?!
I backed away, still catching my breath, feeling like I was in some twisted horror movie. Noong babalakin ko na sanang tumakbo palabas sa kuwarto ay 'tsaka um-echo ang malakas na halakhak ni Elisse sa kuwarto. She stepped out from the shadows, a sly grin plastered on her face.
What the f*ck? Siya ang nagdala rito kay Captain Jack? Hindi ba siya natakot do'n no'ng nakita niya sa banyo?
Pinagkrus niya ang mga kamay niya sa dibdib habang nakataas ang isa niyang kilay sa 'kin. "How does it feel, huh?" she said, her voice dripping with sweet, victorious venom. "Getting a taste of your own medicine? Not so fun when you're the one screaming like a little kid, is it?"
BINABASA MO ANG
THE HILARIOUS HUSBAND (LEE BROTHERS #2)
Romance•COMPLETED• 🔞NOT FOR MINORS🔞 •READ AT YOUR OWN RISK!• Hope Ryker Lee, the ultimate prankster, is set to marry Elisse Garcia, an heiress with a temper hotter than the sun and social skills colder than Antarctica. Hope wanted a partner as fun and li...
