Chapter 29

20.6K 328 19
                                    

CHAPTER TWENTY-NINE

HOPE KNOWS

★HOPE RYKER LEE★

"What?" mahina at hindi makapaniwala kong tanong matapos sabihin sa 'kin ni Mommyla ang napag-usapan nila ni Elisse last week tungkol sa gusto nitong divorce.

Narito ngayon si Mommyla sa Lee Entertainment, pumasyal siya. Pero sinamantala niya akong kausapin habang wala si Elisse sa opisina dahil kasama nito ang assistant kong si Jonas, na naging assistant na rin niya. Mayroon silang inasikaso sa labas, and I knew they wouldn't be back until after lunch.

I could barely process what Mommyla had just said. "Divorce?" I repeated, irritation creeping into my voice.

"Oo. Hindi ba niya sinabi sa 'yo?" Mommyla's confusion was obvious. "I assumed you two had talked and worked it out already, since she hasn't given me any updates about whether she's going through with it."

I stared at her, my mind racing. Elisse had never mentioned a word about this to me, not even a hint. And now, I was supposed to just sit here and pretend everything was fine?

"Ah!" Mommyla suddenly recalled something. "Pinakausap ko nga pala siya sa family lawyer natin. Ipinaliwanag sa kan'ya ni Attorney Salvacion ang p'wedeng mangyari kapag nag-divorce kayo. Hindi kaya dahil doon kaya nagbago ang isip niya at hindi na ako ini-update?"

"What?" I asked again, this time more shocked. "You mean Elisse already knows the consequences if she's the one who initiates the divorce?"

"Yes," sagot ni Mommyla. My heart pounded, a mixture of anger and confusion bubbling up. I leaned forward, at humigpit ang kapit ko sa dulo ng desk ko habang inaalala ang mga kilos niya nitong mga nakaraang araw.

"So... posibleng 'yon ang dahilan kaya niya sinusubukang sindihan ang mitsa ko." Bahagya akong napangisi, natatawa na lang sa naisip ni Elisse. Dahil ngayon ko napagtagpi-tagpi ang lahat. It made sense—why she even reached out to Summer to ask about me.

Nakabardagulan ko si Summer kagabi sa group chat naming DNA BUDDIES, and that's when Summer casually mentioned that Elisse had contacted her last week, asking about my likes and dislikes. Summer thought Elisse was just trying to get to know me better since we're married now kaya niya sinagot lahat ng tanong nito nang walang pag-aalinlangan.

Pero ngayon, mukhang alam ko na kung bakit 'yon ginawa ni Elisse. She wasn't trying to get to know me—she was trying to push my buttons. It explained everything. Magmula sa iced americano, sa ampalaya at sa green tea na nilagay niya sa tumbler ko na tila ba umiinom ako ng nilagang damo dahil mamait-mait din 'yon.

Hindi pa natapos doon. Noong gabi na dapat sana ay siya ang paplanuhin kong kainin, hindi ako natuloy dahil sa sobrang sangsang ng panty niya. Halatang may ini-spray siya ro'n na hindi ko alam kung ano dahil hindi 'yon ang natandaan kong amoy niya noong unang beses kaming nag-ano. Isa pa, bago ako pumuwesto sa pagitan ng mga hita niya noong nakahiga na siya ay alam kong nag-half bath siya dahil galing siya sa bathroom namin, and I heard the water running while I waited in bed, thinking I knew what would happen next.

Ang pangalawang ipinagtaka ko, noong nagsimula akong mag-flirt sa kaniya at humaplos sa mga hita niya, wala siyang reklamo. Samantalang noong una naming pagsasama rito sa bahay namin ay minu-minuto niyang pinaaalala sa 'kin na hindi ko na siya p'wedeng hawakan.

Pero no'ng gabing 'yon? Nothing. When I started caressing her thighs, she didn't complain. She just lay there, silent. It struck me as odd, but I thought maybe—just maybe—things were changing between us. Pero 'yon pala... may ginawa siya para hindi matuloy ang plano kong pagmukbang sa kaniya.

Hanggang ngayon nga ay misteryo pa rin sa 'kin kung ano 'yong in-spray niya sa panty niya na parang amoy mabantot na medyas at parang amoy bulok na bayabas. Hindi ko 'yon natagalan at naduwal ako kaya hindi natuloy ang plano ko sa kaniya no'ng gabing 'yon.

"Sinusubukan niya 'ko, Mommyla." Binalingan ko si Mommyla, kunwari akong nagpaawa. "Matapos ang ginawa ko para sa kan'ya? Kung hindi ko sinuhulan ang ilang mga board members para siya ang piliin na bagong CEO, does she really think she would've gotten the position? Tapos ganito pa ang igaganti—"

"Wait—what?" Mommyla cut me off, her eyes wide with shock. "Nanuhol ka ng ilang board members?" Her disbelief was written all over her face, and her voice carried that unmistakable tone of disappointment. "Pa'nong suhol ang ginawa mo? Binayaran mo sila?"

I had to think fast, so I grinned sheepishly and went for broke. "No, Mommyla. Hindi naman cash. Ininsured ko sila sa St. Peter," I said, barely keeping a straight face. "Free kabaong at free cremation. Sila na bahala kung gusto nila ng half-cook or toasted. Best part, Mommyla? Unli retouch ng make-up kapag humulas na ang foundation."

For a moment, the room went silent. Then, Mommyla blinked, her serious expression faltering. Nakangisi naman ako at tila nalimutan na ang kaninang galit ko kay Elisse dahil si Mommyla ang gusto kong pagtripan ngayon.

"Hope, anak. Kailan ka ba magbabago? Minsan ang hirap mo nang unawain." Napailing siya at napabuntonghininga. "So, ano'ng plano mo ngayon? I mean, sa pagsasama n'yo ni Elisse?"

Saglit akong nagbaling ng tingin sa bintana at napaisip. "Well..." I stroked my chin, pretending to ponder deeply, "makikipaglaro na lang ako sa kan'ya, Mommyla. Mata sa mata, ngipin sa ngipin."

Mommyla's brow furrowed, clearly confused. "Ano'ng ibig mong sabihin?"

Binalik ko ang tingin sa kaniya. "Sa aktwasyon pa lang ni Elisse nitong mga nakaraang araw, alam ko na kung ano'ng plano niya, Mommyla. Sasagarin niya 'ko para ako ang unang sumuko sa aming dalawa, lalo na at alam na pala niya ang pros and cons kapag nakipaghiwalay ang isa man sa amin. Kaya matira mabitay na lang."

Mommyla raised an eyebrow, her curiosity piqued. "And how exactly do you plan to win this... game?"

"Sure, Elisse knows how to play the game too, Mommyla. It's like chess. We're just two players trying to outsmart each other, except instead of pawns, we have witty comebacks and maybe a few snacks involved. Sisiguraduhin kong hindi ako ang ma-e-evict sa loob ng bahay ni Kuya. I mean, sa bahay ko. Sa bahay naming dalawa. Akala ba niya porke't babae siya, tutunganga na lang ako sa lahat ng gagawin niya sa 'kin? Ano siya? Pinagpalang lubos?"

To be continued...

Don't forget to vote po if you liked this chapter. Thank you :)

THE HILARIOUS HUSBAND (LEE BROTHERS #2)Where stories live. Discover now