Chapter 15

72K 1K 23
                                        

CHAPTER FIFTEEN

FAST AND HARD

❥ ELISSE GARCIA ❥

Nakatayo ako sa harap ng full-length mirror sa kilalang boutique ni Phoenix O'Hara. Suot ko na ang wedding gown, and I smoothed down the delicate lace. The fabric was soft against my skin, its intricate patterns catching the light as I turned slightly to see the full effect. I looked like a bride — but I don't feel like one. Ganunpaman, alam kong wala na 'tong atrasan. Hindi na ako puwedeng umatras ngayon, lalo na at ako rin naman ang makikinabang sa kasal na 'to.

Ang totoo, matapos ang ginawa sa akin ni Daddy na kawalanghiyaan sa opisina niya, parang nawalan na ako ng gana sa kaniya, sa Garcinema at mas lalo na sa kasal na 'to. Pero matapos kong matanggap ang text niya kanina, I couldn't ignore him. He mentioned a business proposal in exchange for the marriage. The idea intrigued me, even though I had no intention of seeing him. Iyon ang dahilan kaya nagpasama ako kay Hope sa bahay.

At dahil kasunduan ang tinalakay namin— bago ko siya harapin ay sinigurado kong hindi niya ako basta lang mauuto. Kaya tinawagan ko pa ang abogado ko. My thoughts drifted back to the earlier conversation with my father.

"If you let things slide, and if you marry Hope and manage to save the company... I'll step down from my position as CEO. You'll be appointed as the new CEO."

Napakurap ako sa sinabi niya at bahagyang napayuko habang nag-iisip. Hindi ko siya matingnan nang deretso sa mukha dahil naaalala ko pa rin ang ginawa niya sa 'kin kanina rito sa opisina niya, at aaminin kong medyo nanginginig pa rin ako pero pinipilit kong tatagan ang sarili ko. Alam kong hindi naman ako mapapahamak ngayon, lalo na at may kasama ako. Katabi ko ang abogado ko— si Attorney Adrian Alonzo.

I swallowed hard, gathering my courage before lifting my eyes to meet his. "You want me to forget what happened earlier?" hindi makapaniwala kong tanong. Bahagya pang nakataas ang isang kilay ko habang seryosong nakatingin sa kaniya.

Akala ko ay sisimulan niya ang pag-uusap namin sa paghingi ng tawad sa ginawa niya sa 'kin, pero ganito agad ang ibinungad niya. Gusto niyang kalimutan ko na lang ang nangyari at wala man lang akong nabakas sa mukha niya kahit kaunting pagsisisi.

Nakuyom ko ang mga palad ko, pero hindi ako nakapagsalita dahil nilingon niya ako para magpatuloy. "Moreover," he continued, "you'll have a larger share in the company than your brother Ezekiel, who currently holds the largest stake."

Bahagyang napaawang ang bibig ko. "Larger... than Ezekiel?" Sa pamilya kasi namin ay si Dad ang may pinakamalaking share sa Garcinema, pero pagdating sa aming magkakapatid ay si Kuya Ezekiel naman.

"Yes. I've decided to transfer eight percent of my shares in Garcinema to your name." Pinagmasdan ko siya para aralin kung nagbibiro siya, pero wala rin akong makitang bakas ng pagbibiro sa mukha niya. "Iyon ay kung susundin mo ang gusto ko. Kalilimutan mo ang nangyari, itutuloy mo ang pagpapakasal at gagawin mo ang lahat para isalba ang Garcinema," patuloy niya.

"Bakit parang ang lakas ng loob mong itiwala sa 'kin ang Garcinema ngayon?" I asked, my voice tinged with both anger and disbelief. "Kung kailan pabagsak na 'tsaka mo ipasasalo sa 'kin?" I laughed bitterly. "If you had made this decision when the company was still strong, maybe we wouldn't be facing such dire circumstances. Now, it feels like you're just handing me a sinking ship."

THE HILARIOUS HUSBAND (LEE BROTHERS #2)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon